backup og meta

Pampaputi na Inumin, Effective nga ba ang mga Ito?

Epektibo ba ang mga pampaputi na inumin? Hindi lahat ay biniyayaan ng maputi at makinis na balat. Ang iyong balat ay natural na gumagawa ng pigment na tinatawag na melanin na nagbibigay ng kulay nito. Gayunpaman, may mga external factors tulad ng init, polusyon at bakterya na nagdaragdag sa paggawa ng melanin. Ito ay nagiging sanhi ng pag-itim ng iyong balat.

Mahirap baguhin ang dami ng natural na melanin sa balat. Ngunit may mga epektibong paraan upang mabawasan ang pangingitim na dulot ng:

  • Labis na pagkakalantad sa araw
  • Stress 
  • Labis na paggamit ng mga produktong pampaganda

May mga remedyo sa pagpapaputi ng balat at ang ibang mga sangkap nito ay makikita mo lamang sa iyong kusina.

Tubig

Ang iyong balat ang pinakamalaking organ sa iyong katawan, at karamihan ay binubuo ng tubig. Kung ang iyong balat ay hindi nakakakuha ng sapat na tubig, hindi lamang ito magiging tuyo, masikip, at patumpik-tumpik. Mas madali din itong tumanda. Nawawalan ng maraming tubig o nagagamit ang tubig ng iyong katawan araw-araw. Kaya kung hindi mo papalitan ang na-expend na tubig sa pamamagitan ng pag-inom ng mas maraming tubig ay maaapektuhan ang iyong balat. Madaling makita ang pagkakaiba ng isang hydrated na balat dahil bawas ang kulubot at linya. Nakakatulong ang tubig upang mapanatili ang moisture ng balat, kung kaya mas nababanat ito.

Ang pag-inom ng tubig ay nagpapanatili ng kagandahan at kalusugan ng kutis. Tutulungan ka nitong labanan ang maraming problema sa balat tulad ng psoriasis at eczema. Tinutulungan nito ang digestive system na tanggalin ang mga lason mula sa katawan. Ang resulta nito ay isang malusog at kumikinang na balat. Bilang karagdagan, natuklasan ng isang pag-aaral ng Unibersidad ng Missouri-Columbia na ang pag-inom ng dalawang tasa ng tubig ay nagpapataas ng daloy ng dugo sa balat, na makatutulong sa pagpapaganda ng iyong balat at kutis. Hindi maganda ang pamamaga ng balat ngunit maaari itong maiwasan sa pamamagaitan ng pag-inom ng maraming tubig.

Collagen pampaputi na inumin

Isang positibong ugnayan ang natagpuan sa pagitan ng density ng collagen at ningning ng balat. Ang collagen ay naglalaman ng amino acid hydroxyproline na ginagawang mukhang bata at malusog ang iyong balat. Kapag ang density ng collagen fiber sa itaas na dermis ay bumababa kapag nagka kaedad, ang kulay ng balat ay nababawasan ang liwanag at kulay ng balat. Ang collagen ay isang protina na responsable para sa malusog na mga kasukasuan at pagkalastiko ng balat. Ito ay nasa iyong mga buto, kalamnan, at dugo, na binubuo ng iyong balat at isang ikatlong bahagi ng protina sa iyong katawan. Habang tumatanda ay nasisira ang collagen. Nagiging mas mahirap para sa iyong katawan na gumawa nito ngunit may mga collagen powder o iba pang uri ng collagen supplement.

Ang collagen ay natural din na ginawa ng katawan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng: 

  • Proline – matatagpuan sa mga puti ng itlog
  • Glycine – matatagpuan sa balat ng baboy
  • Vitamin C – matatagpuan sa citrus fruits 
  • Zinc – matatagpuan sa karne ng baka 
  • Copper – matatagpuan sa mga organ meat

Fruit juices

Ang mga fruit juices na gawa sa beetroot, lemon at spinach ay epektibong pampaputi ng kutis.

Beetroot 

Ito ay isang masarap na inumin na gumagana bilang isang detoxifying agent. Nagpapatingkad ito at nagpapaputi ng balat.

Lemon

Ang lemon juice ay isa ring antioxidant na mayaman sa Vitamin C. Tumutulong ito na mapanatili ang mga antas ng glutathione sa katawan sa pamamagitan ng pag-atake sa mga free radicals. 

Spinach

Maaari nitong palakasin ang mga antas ng glutathione sa iyong katawan. Ang spinach ay puno ng mga antioxidant na magbibigay sa iyong balat ng kinang na nagpapaputi dito. Ito rin ay mayaman sa iron at mineral tulad ng calcium at magnesium.

Key Takeaways

Tandaan na subalit naaayon sa goal na magpaputi ang mga inuming naitala, ay maaari parin silang hindi maging ligtas para sa lahat, at maaari rin itong mag-interact sa ibang medikasyon na iniinom o sakit. Kung kaya kung may kondisyon o iniinom na ibang gamot ay kumonsulta muna para malaman kung ligtas ba inumin ang mga ito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Analysis of effects of collagen fibers

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29134755/#article-details

Health benefits of collagen

https://www.webmd.com/diet/collagen-health-benefits

Glutathione

https://www.webmd.com/vitamins-and-supplements/glutathione-uses-risks

What are the benefits of glutathione

https://www.medicalnewstoday.com/articles/323936

Try these fresh juices for a glowing skin

https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/food-news/try-these-fresh-juices-for-a-glowing-skin/photostory/82912520.cms

 

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement