Mapa bata o matanda, maaaring magkaroon ng mga pantal sa balat. Sa mga sanggol, karaniwan ang pamamantal ng balat buhat ng araw-araw na paggamit ng mga diaper. Ngunit, may iba’t iba rin namang salik na maaaring makonsidera. Ano-ano ang mga ito? Alamin dito.
Ano ang Pamamantal ng Balat?
Ang pamamantal ng balat ay isang pangkaraniwang kondisyon. Maraming pantal ang makakati, mamumula, masakit, at, kung minsan, ay nakakaabala. Sa ibang mga pagkakataon, ito ay maaaring humantong sa mga paltos o mga tagpi-tagpi na hilaw na balat.
Ang mga pantal ay sintomas ng maraming iba’t ibang medikal na problema. Kabilang dito ang mga nakakairitang sangkap at allergies. Mas malaki ang posibilidad ng pamamantal ng balat buhat ng ilang partikular na gene. Bagama’t ang karamihan sa mga pantal ay mabilis at kusang nawawala, ang iba ay pangmatagalan at nangangailangan ng pangmatagalang paggamot.
Ilan sa mga sakit sa balat na maaarnng magdulot ng pangangati na maaari ring humantong sa pamamantal ng balat ay ang mga sumusunod:
Dahil ang mga pantal ay maaaring sanhi ng maraming iba’t ibang bagay, mahalagang alamin kung anong uri ang mayroon ka bago mo ito gamutin.
Anu-ano ang Maaaring Sanhi ng Pamamantal ng Balat?
Tulad ng nabanggit, ang pamamantal ng balat at maaaring buhat ng iba’t ibang mga salik, kabilang na dito ang init, impeksyon, allergens, immune system disorders, maging ang mga gamot para rito.
Ang dermatitis ay isang pangkalahatang termino na ginagamit para sa mga pangkaraniwang pangangati sa balat. Marami itong sanhi at anyo at kadalasang kinabibilangan ng makati, tuyong balat o pantal. Isa ang contact dermatitis sa mga uri na sanhi ng mga bagay na nagkakaroon ng interaksyon sa balat, tulad ng:
- Mga kemikal sa elastic, latex, at rubber na produkto
- Cosmetics, mga sabon, at mga detergents
- Mga pangkulay (dyes) at iba pang kemikal sa mga damit
- Poison ivy, oak, o sumac
Ilan sa mga maaaring maaaring makapagpalala ng hindi nakakapinsala ngunit nakakabahalang mga kondisyon ay ang mga sumusunod:
- Edad
- Stress
- Pagod
- Matinding init o lamig ng panahon
- Madalang na paggamit ng shampoo
- Paggamit ng mga alcohol-based lotions
Mga Medikal na Kondisyon
Ang iba pang mga karaniwang kondisyon na sanhi ng pamamantal ay kinabibilangan ng:
- Eczema (atopic dermatitis). Ito ay posible na mangyari sa mga taong may allergy o hika. Mapula, makati, at nangangaliskis ang mga pantal dulot ng sakit na ito.
- Psoriasis. Ito rin ay nagpapakita ng mapupula at makakating mga pantal kasabay ng mga scaly patches.
- Impetigo. Ang impeksyon na ito ay madalas na mga bata. Lumilitaw ito bilang mga pulang sugat na nagiging paltos, ooze, pagkatapos ay madilaw na crust.
- Shingles. Isang masakit na paltos buhat ng virus na nakukuha ng mga taong mayroong bulutong. Ang virus ay maaaring magtagal sa iyong katawan sa loob ng maraming taon at muling lumabas bilang mga shingle. Ito ay karaniwang nasa isang bahagi lang ng katawan.
Ang mga sakit sa pagkabata tulad ng bulutong, tigdas, roseola, rubella, hand-foot-mouth disease, fifth disease, at scarlet fever ay kasama rin sa listahan. Ilan pa sa mga medikal na kondisyon na maaring dahilan ng pamamantal ay:
- Lupus erythematosus
- Rheumatoid arthritis
- Kawasaki disease
- Mga partikular na systemic infections (viral, bacterial, o fungal)
Higit pa rito, ang mga gamot at kagat ng insekto ay maaari ring magdulot ng mga pantal sa isang tao.
Key Takeaways
Madalas mangyari ang pamamantal ng balat anuman ang edad o kasarian ng isang tao. Kung napapakiramdaman mo na ito ay isang bad rash dahil matagal ito mawala, narararapat na magpakunsulta sa doktor tungkol dito. Maaaring kabilang sa mga treatment ang mga moisturizer, lotion, cortisone cream na nagpapaginhawa sa pamamaga. Ang iba naman ay maaaring resetahan ng antihistamine na nagpapaginhawa sa pangangati. Alamin ang iba tungkol sa Iba Pang Mga Sakit sa Balat dito.
[embed-health-tool-bmi]