backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Gamot Para Sa Dry Skin: Ano Ba Ang Maaaring Solusyon?

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD · General Practitioner


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

    Gamot Para Sa Dry Skin: Ano Ba Ang Maaaring Solusyon?

    Ang ating balat ay nangangailangan ng moisture para manatiling madulas, malambot, at upang maiwasan ang pagiging dry. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng dry skin ay isang karaniwang kondisyong nakaaapekto sa kakayahan ng balat na panatilihin ang moisture. Ang dry skin ay may tendensiyang magmukhang dehydrated, at sa mas malalang mga kaso, ay magdulot ng pamamaga o pagbabalat. Pero ano ba ang maaaring solusyon o gamot para sa dry skin?

    Narito ang walong tips para sa pangangalaga sa balat kung ikaw ay mayroong dry skin

    8 Tips Para Alagaan ang Balat

    Ang dry skin ay maaaring dulot ng maraming mga bagay, kabilang ang paninirahan sa isang lugar na may tagtuyot na klima, paggamit ng matatapang na sabon, pagsusuot ng mainit at makating pananamit, at ang family history ng isang tao. Ito ay maaaring magdulot ng mga hindi komportableng mga sintomas gaya ng pangangati, pagbibitak-bitak, pamamaga, at pagbabalat o flaking. Ang sumusunod ay ang ilang mga tips para sa pangangalaga ng dry skin na makatutulong para mapanatiling malambot at moisturized ang balat

    1. Magpahid ng Moisturizer 

    Mainam na gamot para sa dry skin ang moisturizer. Ang mga moisturizer ay makatutulong para mapabuti ang kalusugan ng balat at mabawasan ang banta ng pagbibitak-bitak ng balat, pagkatuyot, at pagiging makaliskis. Maglaan ng isa o dalawang minuto para sa pagmo-moisturize matapos maligo.

    2. Paikliin ang Oras ng Iyong Paliligo 

    Ang paliligo nang matagal at paggamit ng mainit na tubig ay may nakapagpapatuyong epekto sa balat. Paikliin ang oras ng iyong paliligo, at punasan nang dampi-dampi ang iyong balat upang maiwasan ang flaking at pamamalat.

    3. Iwasan ang May Amoy at Alcohol-Based na mga Produkto 

    Isa sa mga pinakamagandang tips sa pangangalaga ng dry skin ay ang pag-iwas sa mga produktong may alcohol at mabangong amoy gaya ng mga deodorant soaps, at mga toner. Ang alcohol ay nakapagpapatuyo ng balat habang ang ilang mga sangkap na ginagamit sa mga pabango ay maaaring maka-irritate sa dry at sensitibong balat. 

    4. Gumamit ng Humidifier

    Isa pang gamot para sa dry skin ay ang paggamit ng humidifier. Ang pagkakaroon ng humidifier sa bahay ay nakapagpapataas ng humidity sa iyong kapaligiran. Makatutulong ito upang mapanatili ang moisture sa balat

    5. Magsuot ng Magagaan at Breathable na mga Damit 

    Ito ang isa sa mga hindi masyadong napapansing tip sa pangangalaga ng dry skin. Ang mga damit na 100% na koton ay malambot sa iyong balat at hinahayaan ang hangin na mag-circulate. Iwasan ang mga magagaspang na tela o ang mga wool na pananamit dahil ang mga ito ay maaaring maka-irritate sa balat at makapagpalala ng kahit anong kondisyon sa balat na mayroon ang isang tao. 

    6. Mag-moisturize Pagkatapos Maghugas ng Kamay 

    Hindi mo kailanman dapat makalimutang maghugas ng kamay at isagawa ang basic hygiene. Gayunpaman, ang sobrang paghuhugas ng kamay ay maaaring magtanggal ng oil sa iyong balat, na magreresulta ng pagbibitak-bitak o flaking. Sa layuning maiwasan ito, gumamit ng mild na sabon, iwasan ang mga matatapang na antibacterial at alcohol-based na mga produkto at maglagay ng hand cream pagkatapos maghugas. 

    7. Huwag Magkamot 

    Ang dry skin ay maaaring magdulot ng pangangati. Gayunpaman, mainam kung hindi magpapadala sa pagkagustong kamutin ito dahil ito ay maaaring magdulot ng pagbabalat at ibang pang mga injury sa balat. 

    8. Iwasan ang Pag-inom ng Alak 

    Isa sa pinakamagandang tips para sa pangangalaga ng dry skin ay ang pananatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig at pag-iwas sa alak. Ito ay dahil diuretic ang alak na nagpipilit sa katawan na maglabas ng liquid. Bagaman maaari ka pa rin namang uminom ng isang baso ng wine sa hapunan, iwasan ang sobrang pag-inom, at huwag kalilimutang uminom ng tubig matapos uminom ng alak. 

    Ang tamang pagkain ay mahalaga rin para sa pagpapanatili ng malusog na balat. 

    Key Takeaways

    Maraming mga tips para sa pangangalaga ng dry skin na madaling gawin sa bahay, gaya ng pananatiling hydrated, pagmo-moisturize nang palagian, at pag-iwas sa matatapang na produktong pambalat. Kung ang mga malalang sintomas ng dry skin ay nagpapatuloy, mainam na kumunsulta sa isang dermatologist. 

    Matuto nang higit pa tungkol sa Pangangalaga at Paglilinis ng Balat dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jezreel Esguerra, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement