backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

KPOP Skincare, Paano Ba Ito Ginagawa?

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD · General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    KPOP Skincare, Paano Ba Ito Ginagawa?

    Sinong hindi nakakakilala sa Grupo ng Korean Girls gaya ng Black Pink, Twice, and Red Velvet.  Hindi lang sila hinahangaan sa kanilang husay sa pagkanta at pagsayaw, hinahangaan din ng mga tao ang kanilang malambot at makinis na balat. Anong mga tips mula sa  KPOP star ang maari nating matutuhan?

    KPOP Skincare Secrets Ng 7 Sa Ating Mga Idol

    1. Seohyun (Girl’s Generation)

    Supple skin? Seohyun, pinakabatang miyembro ng Girls’ Generation, aniya ang kanyang KPOP skincare secrets ay ang pag-apply niya ng manipis na layer ng facial oil pagkatapos niyang maghilamos.

    Maraming eksperto ang nagsasabi na ang facial oil ay nakatutulong  na maisara ang balat  at makatulong upang maprotektahan ang balat mula sa pagkasira rin ng kalikasan. 

    2. Bae Suzy (Miss A)

    Sino ang ayaw magkaroon ng kutis ng tulad ng kay Bae Suzy’s, ang mang-aawit at artista na bida sa popular na drama na While You Were Sleeping and Start-Up?

    Masasabing ang KPOP star ay metikulosa sa paglilinis, na tinatawag na 4-2-4 cleansing method.

    Ang 4-2-4 na paglilinis ay nangangahulugan na gumugugol ka ng 4 na minuto sa pagmamasahe sa iyong mukha gamit ang cleansing oil, 2 minutong paghuhugas nito gamit ang foam cleanser, at isa pang 4 na minuto ng pagbabanlaw: 2 minuto sa maligamgam na tubig at 2 minuto sa malamig na tubig.

    Ang ganitong uri ng KPOP skincare ay maaaring magmukhang labis, ngunit ito ay lubos na makatuwiran! Pagkatapos ng lahat, ang paglilinis ay hindi lamang nag-aalis ng dumi at labis na langis, hinahayaan din nito na  ang balat ay sumipsip ng iba pang mga produkto sa  pangangalaga sa balat.

    3. Song Ji-Eun (Secret)

    Ang sikreto ng pangangalaga sa balat ni Song Ji-Eun ay maaaring gawin ng sinuman at talagang dapat gawin! Sinasabi ng KPOP star na ito na prayoridad niya ang tamang hydration. Maniwala ka man o hindi, umiinom si Ji-Eun ng hindi bababa sa 3 litro ng tubig araw-araw!

    4. Jennie (Black Pink)

    Alam mo ba na ang pangunahing singer at rapper ng Black Pink, si Jennie, ay naglalagay ng dalawang face mask araw-araw? Gayunman, ngayon binawasan na niya ito, at sa halip ay mas nakatuon sa kanyang kalusugan at diet.

    Tulad ni Song Ji-Eun, tinitiyak niyang umiinom siya ng maraming tubig araw-araw. Umiinom din siya ng detox juice sa umaga.

    5. Momo (Twice)

    Ipinahayag naman ni Twice’s Momo na ang kaniyang routine ay iba araw-araw at depende ito sa kaniyang iskedyul.

    Sinasabi ng KPOP star na ito na nagsisimula siya sa paglilinis, ngunit sinisigurado niyang hindi niya hinuhugasan ang kanyang mukha nang napakatagal! Sa katunayan, mayroon siyang timer upang malaman kung gaano katagal niya nililinis ang isang partikular na bahagi ng kanyang mukha. Pagkatapos maglinis, gumamit siya ng toner pad at lotion.

    Kung mayroon siyang dagdag na oras, gagamit din siya ng facial mask para matiyak ang hydration sa buong gabi.

    6. Wendy (Red Velvet)

    Iniuugnay ni Wendy ng Red Velvet ang kanyang maputi  at makinis na kutis sa tatlong sangkap: niacinamide para sa walang butas na hitsura, hyaluronic acid upang matiyak ang napakahusay na hydration, at Gluta-boost C, na nagpapatingkad sa balat at nagpapaganda ng pigmentation ng balat.

    Good thing, may ilang produkto na naglalaman ng tatlong sangkap na ito! Siyempre, huwag kalimutang kumonsulta sa iyong dermatologist upang matukoy kung ang produkto ay nababagay sa iyo.

    7. Lisa (Black Pink)

    Sino ang mag-aakala na si Lisa ng Black Pink ay nakararanas ng tuyong balat? Dahil dito, ang KPOP star ay naglalagay ng cream moisturizer sa kanyang mukha sa gabi.

    Mahilig din si Lisa sa facial massage pagkatapos maglagay ng moisturizer para mas maabsorb ng balat ang produkto. Nagdadala pa siya ng facial massager kahit saan siya magpunta!

    Paalala

    Hangga’t gusto mong gayahin ang mga lihim ng KPOP skincare, huwag kalimutan na ang bawat tao ay naiiba. Ang gumagana para sa kanila ay maaaring hindi gaanong epektibo para sa iyo. Kaya naman, kung gusto mong magkaroon ng mas magandang skincare routine, pinakamahusay na kumonsulta sa isang dermatologist. Hindi lang nila maa-assess ang uri at isyu ng iyong bala, maaari din silang magrekomenda ng mga produkto na magpapalakas sa kalusugan ng iyong balat. Siyempre, huwag kalimutang magsagawa ng patch test sa tuwing magpapakilala ka ng bagong produkto sa iyong pangangalaga.

    Matuto pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis sa Balat dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jezreel Esguerra, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement