backup og meta

9 Tips Para Mapanatiling Malusog Ang Balat! Alamin Dito!

Ang pagiging malusog ng balat ay isa sa mga bagay na gustong ma-achieve ng bawat isa sa atin, dahil ang skin ang pinakamalaking organ sa katawan ng tao. Isa sa responsibilidad ng ating balat ay ang proteksyunan tayo mula sa mga mapaminsalang bakterya at sakit. Kaya naman napakahalaga para sa atin na mapanatili ang kalusugan ng ating balat. At upang mas mapangalagaan ang ating skin, alamin muna natin ang 3 layer ng balat.

9 Tips Para Mapanatiling Malusog Ang Balat! Alamin Dito!

Narito ang mga sumusunod:

  • Epidermis – Ito ang panlabas na layer at ang mabalahibong bahagi ng ating balat na nakikita natin. Ito ay masyadong manipis at nakadepende ang kapal nito sa kung ano ang bahagi ng katawan ang tinatakpan ng ating balat.
  • Dermis – Ayon sa mga doktor at eksperto sa ilalim ng ating epidermis ay makikita ang mas makapal na inner layer — ito ang dermis. Nagtataglay rin ito ng follicles ng buhok at mga glandula ng pawis at langis. 
  • Hypodermis – Ito ang pinakaloob na layer ng ating balat na nag-uugnay sa pangunahing fibrous tissue ng ating mga muscle at buto.

Ngayon na alam mo na ang 3 layer ng ating balat, tukuyin naman natin ang function ng ating skin.

Ano Ang Function Ng Ating Balat?

Narito ang list ng mga responsibilidad ng ating skin:

  • Ang balat ang nagsisilbing “first line of defense” laban sa pathogens gaya ng virus at bakterya.
  • Lumilikha ng vitamin D ang balat na mahalaga para sa kalusugan ng ating mga buto.
  • Pinoprotektahan tayo ng ating balat mula sa mga physical trauma, sapagkat sinasalo ng ating skin ang mga pagkabigla.
  • Kinokontrol ng balat ang ating temperature.
  • Pinoprotektahan tayo ng ating balat sa mga mapaminsalang UV rays.
  • Tumutulong ang ating balat para maramdaman natin ang mga texture, sakit, temperatura, at iba pa.

https://hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan-balat/acne-fil/paano-dapat-alagaan-ang-balat-na-may-tigyawat/

Paano Masasabi Na Malusog Ito?

Heto ang listahan ng mga palatandaan upang masabi na malusog ang iyong balat:

  • Makinis
  • Hindi dry o tuyo ang balat
  • Walang breakouts ng tigyawat o pimples
  • Elastic o nababanat ang balat at mabilis na bumabalik sa normal na itsura kapag naipit o unat ang ating balat
  • Mayroon kang pantay-pantay na kulay
  • Mainit-init ang iyong balat

Tandaan lamang na maraming mga factor pa rin ang dapat isaisip pagdating sa pagpapakahulugan ng malusog na balat. Kaya mahalaga na alam mo rin ang sariling skin type kung ito ba ay oily, tuyo, at iba pa.

9 Tips Para Sa Pagpapanatili Ng Malusog Na Balat

1. Pagkakaroon ng balanced diet

Sa pagkakaroon ng balanseng diyeta, magkakaroon ka ng sapat na nutrisyon upang mapanatiling healthy ang iyong mga balat.

2. Iwasan o huwag manigarilyo

Ayon sa ilang mga artikulo at pag-aaral, ang paninigarilyo ay maaaring maging dahilan ng panunuyo ng ating balat dahil sa mga substances na taglay ng sigarilyo. Kaya naman ang pag-iwas o pagtigil sa paninigarilyo ay makakatulong para sa pagkakaroon ng malusog na balat.

3. Pag-iwas sa sobrang pagkamot

Ang labis na pagkakamot ay pwedeng magresulta sa mga sugat na maaaring humantong sa pagkakaroon ng dry na balat at peklat.

4. Protektahan ang iyong skin mula sa araw

Para maiwasan ang skin damage at pagkatuyo ng balat gumamit ng mga angkop na produkto na inirekomenda ng mga dermatologist upang protektahan ang iyong balat sa matinding sikat ng araw. Maaari kang gumamit ng mga sunscreen, ngunit dapat na siguraduhin mo muna na ligtas ang produkto para sa’yong balat.

5. Pag-inom ng maraming tubig

Malaki ang maitutulong ng tubig sa ating kalusugan, ang pag-inom ng wastong dami ng tubig ay nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng dry skin.

6. Paggamit ng mga mild skin care

Kinakailangan na ang gagamitin skin care products ay angkop sa pangangailangan ng iyong balat. Hindi rin dapat maging masyadong matapang ang mga kemikal na taglay ng skin care products na gagamitin. Pwede itong makapinsala sa’yong balat. Kaya naman ipinapayo na magpakonsulta sa dermatologist para malaman ang “best skin care products” sa’yong balat.

7. Pag-iwas sa mga produkto na pwedeng makairita sa’yong balat

Maraming bagay o produkto ang maaaring makairita sa’yong balat, gaya ng mga lotion at iba pa. Kaya naman sa oras na makakita ng mga negatibong reaksyon sa’yong balat, itigil ang paggamit nito at magpakonsulta sa’yong doktor. Sapagkat, maaaring bunga ito ng allergic reaction na dapat mong matugunan at malaman para sa wastong paggamot.

8. Pagsusuot ng mga komportableng damit

Kadalasan kapag hindi tayo komportable sa ating suot na damit pwedeng humantong ito sa matinding pagkakamot natin, o kaya naman maging sanhi ito ng pagkakaroon ng friction sa pagitan ng ating balat at damit. Sa oras na mangyari ito, pwedeng makairita ito sa balat. Posible itong humantong sa matinding pagkakamot at pamumula ng skin dahil sa iritasyon.

9. Pag-iwas sa mga bagay na pwedeng makasugat sa balat

Ang pag-iwas sa mga bagay at sitwasyon na maaaring maging dahilan ng injury at sugat sa ating balat ay makakatulong upang mas manatiling malusog ang ating mga balat. Sapagkat nalilimitahan nito ang pagkakaroon natin ng mga peklat at galos na hindi maganda para sa ating skin.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Maintaining Healthy Skin – Part 1, http://sci.washington.edu/info/pamphlets/skin_1.asp#:~:text=Healthy%20skin%20is%20smooth%2C%20with,mirror%20of%20a%20healthy%20body, Accessed August 17, 2022

Principles of dermatological practice – Functions of the skin, https://dermnetnz.org/cme/principles/functions-of-the-skin/, Accessed August 17, 2022

Common skin conditions, https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/common-skin-conditions/, Accessed August 17, 2022

Cellulitis, https://www.nhs.uk/conditions/cellulitis/, Accessed August 17, 2022

Acne, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/symptoms-causes/syc-20368047#:~:text=Acne%20is%20a%20skin%20condition,affects%20people%20of%20all%20ages., Accessed August 17, 2022

Aging Skin | Sunlight | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/skinaging.html#:~:text=Skin%20Aging,-On%20this%20page&text=Your%20skin%20changes%20as%20you,take%20longer%20to%20heal%2C%20too., Accessed August 17, 2022

Skin Type & Skin Care, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/10981-know-your-skin-type-before-choosing-skin-care-products, Accessed August 17, 2022

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Magaspang Na Balat, Bakit At Paano Nagkakaroon Nito?

Skin Barrier: Ano Ito, At Bakit Ito Mahalaga Sa Ating Katawan?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas