backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano Ang 'Skin hunger?' Heto Ang Dapat Mong Malaman

Narebyung medikal ni Melissa Caraan, MD · Psychiatry · Philippine General Hospital


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    Ano Ang 'Skin hunger?' Heto Ang Dapat Mong Malaman

    Dahil sa social distancing at sa mga lungsod na naka-lockdown, parami nang parami ang mga tao na naghahanap ng skin-to-skin contact. Dahil dito, nahihirapan ang mga tao na manatili sa bahay, lalo na at posibleng nakararanas sila ng phenomenon na tinatawag na “skin hunger.” Ano ang skin hunger? At ano ang epekto nito sa mental health?

    Ano Ang Skin Hunger?

    Tinatawag na skin hunger ang pangangailangan nating humawak at mahawakan ng iba. Social creatures ang mga tao kaya likas nating hinahanap ang pakikipag-ugnayan sa iba, at mahalagang bahagi nito ang paghawak.

    Sa katunayan, napakahalaga ng paghawak sa ating buhay na siyang rason kung bakit ipinapatong ang mga bagong panganak sa dibdib ng kanilang ina matapos nila isilang. Nagsisimulang magkaroon ng bonding kapag may skin-to-skin contact ang mga bagong silang at kanilang mga ina, na nagiging pundasyon ng isang ligtas at matatag na relasyon. Nakatutulong ang ganitong klase ng relasyon sa bata para lumaki silang may kakayahan harapin ang stress.

    Para sa mga nasa hustong gulang, malaking bahagi rin ang skin-to-skin contact sa kung paano tayo nakikihalubilo at nakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Nakatutulong ang paghalik, pagyakap, paghawak-kamay, at kahit high-five para makuha ang neurological need natin sa paghawak.

    At sa tuwing makakakilala tayo ng bago, isa sa mga unang bagay na ginagawa natin ang pakikipagkamay. Nakatutulong ito na makabuo ng relasyon at ipaalam sa tao na mapagkakatiwalaan tayo.

    Ito rin ang dahilan kung bakit sa tuwing nalulungkot o nalulumbay tayo, tila isang yakap lamang at nawawala na ang ating mga problema. Ito ang dahilan kung bakit napakagandang pakiramdam ng isang tapik sa likod pagkatapos mo gumawa ng mabuting bagay, at kung bakit natural lamang ang paglalagay ng braso sa balikat ng isang kaibigan.

    ano ang skin hunger

    Bakit Biglang Naghahanap Ng Skin-To-Skin Contact Ang Mga Tao?

    Dahil sa lockdown, at sa social distancing bilang new normal, parami nang parami ang mga taong nakararanas ng skin hunger. Ano ang skin hunger?

    Para sa ibang tao, kaya nilang tiisin ang hindi pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa loob ng ilang araw. Maaaring tanggap din ng ilan ang mga pagbabago at ang oras nila para sa sarili.

    Ngunit kung naka-lockdown ka na ng maraming buwan at matagal nang walang physical contact, maaari mong maramdaman ang mga epekto ng isolation.

    Posibleng negatibong makaapekto sa iyong kalusugan ang patuloy na isolation, kasama na ang kawalan ng physical contact. Maaari kang maging balisa, iritable, maiinipin, at maaari mo rin maramdaman na tila ba bumaliktad ang iyong mundo.

    Nagiging mas mahirap ang pag-adjust sa kasalukuyang sitwasyon dahil pisikal tayong nakahiwalay sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay. Sila ang grupo ng suporta na kailangan natin sa mapanghamong panahon tulad nito at nagiging mas mahirap ito harapin nang malayo sa kanila.

    Kapag nakahiwalay ang mga tao sa isa’t isa sa mahabang panahon, narito ang ilang bagay na maaaring mangyari:

    • Nagiging mas balisa atstressed sa maliit na bagay.
    • Nahihirapan ang ilan na matukoy kung gaano katagal na panahon na ang lumipas.
    • Madaling mainis o mairita.
    • Ilan ang naghahanap ng atensyon.
    • Maaari lumala ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan tulad ng hypertension, diabetes, at mga problema sa puso.
    • Maaaring tumindi ang pakiramdam ng kalungkutan.
    • Posible ang burnout, lalo na sa mga nagtatrabaho sa bahay.
    • Ilan ang maaaring dumanas ng depresyon.

    Resulta ang lahat ng ito ng kakulangan ng physical contact sa ibang tao. At sa pinagsamang takot at balisa na dulot ng pandemya, nahihirapan manatiling malusog ang kaisipan ng lahat ng tao sa buong mundo sa panahong ito.

    ano ang skin hunger

    Ano Ang Makatutulong sa Skin Hunger?

    Ang physical contact sa ibang tao ang pinakamagandang solusyon para sa skin hunger. Patuloy pa rin ang pandemya, kaya kailangan pa rin ng mga taong iwasan ang physical contact hanggang sa maaari.

    Gayunpaman, may ilang bagay na maaari mong gawin upang makatulong na mapawi ang skin hunger at paghahanap ng skin-to-skin contact:

    1. Lumapit sa mga mahal sa buhay

    Kung mag-isang naninirahan, magandang ideya na magpadala ng mensahe sa mga kaibigan o pamilya. Hindi man ito katulad ng personal na kasama sila, ngunit tiyak na mararamdaman mo ang pagmamahal nila kahit video call lang ito.

    Tamang panahon din ito para muling makipag-ugnayan sa mga kaibigan na matagal mo nang hindi nakakausap.

    2. Maglakad-lakad, kahit sa paligid lang ng bahay

    Ang mindful walking, o paglalakad nang aware at conscious sa kapaligiran, ay isang magandang paraan upang mapawi ang skin hunger. Tinutulungan ka nitong ituon ang iyong atensyon sa kasalukuyan, at makatutulong din ito sa iyo na manatiling kalmado at malabanan ang pagkabalisa at stress.

    Isang paraan ng mindful walking ang paglalakad sa sidewalk at pagtuon ng pansin sa bawat hakbang, tulad ng kung paano tumatapak ang sariling sapatos sa semento.

    3. Gumawa ng mga bagay para aliwin ang sarili

    Subukang pumili ng bagong libangan, ehersisyo, o hobby. Marahil may matagal ka nang proyekto na nais mong simulan.

    Maaaring hindi kasama sa mga bagay na ito ang physical contact, ngunit mananatili kang busy, at maaaring makatulong ang mga ito na aliwin ang sarili sa lockdown. At malay mo, maaari kang matuto ng bagong skill o kakayahan.

    4. Kung may alagang hayop, gumugol ng mas maraming oras sa kanila

    Dahil sa lockdown biglang mas maraming oras na ang naibibigay ng mga tao sa kanilang mga alaga. Ito ang tamang oras para maging mas malapit sa kanila.

    Maaari din maparamdam ng physical touch at emotional support na binibigay ng mga alagang hayop ang parehong pakiramdam ng pakikisalamuha sa ibang tao, kaya mabuti ang pagkakaroon ng alagang hayop sa lockdown.

    5. Nakatutulong minsan ang pag-aalaga ng mga halaman

    Para sa mga walang alagang hayop, maaaring mga halaman ipalit. Therapeutic at nakaka-relax ang pag-aalaga ng mga halaman.

    Nakakatuwa at kapana-panabik din na makita silang lumalaki araw-araw habang inaalagaan sila. Maaaring hindi ito katulad ng skin-to-skin contact. Ngunit nakapagbibigay din ng sense of purpose at fulfillment ang pag-aalaga sa isa pang nabubuhay na bagay.

    Matuto pa tungkol sa Mabuting Pag-Iisip dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Melissa Caraan, MD

    Psychiatry · Philippine General Hospital


    Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement