backup og meta

Tigyawat Sa Puwit: Ano Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Tigyawat Sa Puwit: Ano Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Mahirap na umupo at humiga kung ikaw ay may tigyawat sa puwit. Maaari din itong resulta ng pagsusuot ng swimsuits. Ano ang iba’t ibang sanhi ng tigyawat sa puwit, at ano ang mabilis na lunas dito? Alamin sa pagbabasa ng artikulo.

Posibleng Mga Sanhi Ng Tigyawat Sa Puwit

Ang mga tigyawat sa puwit ay maaaring mangyari dahil sa pagkakaroon ng labis na oil at dead skin cells na bumabara sa pores. Maaaring mag-trigger ng breakout sa puwit ang kasalukuyang kondisyon. Nasa ibaba ang mga posibleng sanhi ng tigyawat sa puwit.

1. Baradong Pores

Ang pores sa kahit na anong bahagi ng katawan ay maaaring maging barado at maging sanhi ng breakouts. Nangyayari ang pagbabara dahil sa maraming oil, dead skin cells, dumi at iba pa. Ang mga sumusunod ay maaaring mag-trigger ng pagbara:

  • Pag-upo sa mahabang panahon
  • Masikip na mga damit
  • Pagbabad sa tubig o pagsuot ng mga basang damit
  • Matagal na pagsusuot ng mga panloob ng damit

2. Folliculitis

Kung iniisip mo ang mga sanhi ng tigyawat sa puwit, ikonsidera ang acne dahil sa folliculitis.

Ang hair follicles sa bahagi ng puwit ay maaaring makaranas ng ilang porma ng inflammation, na humahantong sa pamumula at pamamaga (folliculitis). Karaniwan, ang mga irritated na pores ay nakikita tulad ng tigyawat o bumps na may puting tip. Maaari din itong masakit o makati. Hindi lang nagiging sanhi ng tigyawat sa puwit ang folliculitis, ngunit nagiging sanhi rin ito ng breakouts sa kahit na anong parte ng katawan.

Ang pagpili mo ng damit ay maaaring sanhi ng development ng folliculitis. Kalimiting nagiging sanhi ng friction sa balat ang masisikip na damit na nagdudulot ng inflammation. Maaring salik din ang materyal sa damit. Ang mga masisikip na damit na gawa sa nylon o polyester fabric ay maaaring magkolekta ng pawis, na nagiging sanhi ng inflammation sa pores at acne.

3. Keratosis Pilaris

Isa sa mga listahan ng posibleng sanhi ng tigyawat sa puwit ay ang keratosis pilaris.

Hindi tulad ng mapula at namamagang bumps kung mayroong folliculitis, nagiging sanhi ng keratosis pilaris ang maliit at magaspang na bumps sa puwit. Ang dermatological na kondisyon na ito ay nangyayari kung mayroong build up keratin sa paligid ng pores. Ang keratin ay protina na bumubuo ng protective layer sa ibabaw ng balat. Gayunpaman, kung maraming keratin, nagiging sanhi ito ng papules.

Walang tiyak na sanhi para sa keratosis pilaris. Gayunpaman, ang sakit na ito ay maaaring namamana sa pamilya at karaniwang mapapansin sa mga bata, at nawawala kung tumanda na. Bagaman ang keratosis pilaris ay maaaring maging sanhi ng tigyawat sa puwit, hindi ito karaniwang mapanganib.

tigyawat sa puwit

4. Pigsa At Skin Abscess

Kung ang tigyawat sa iyong puwit ay may manipis na layer na balat na may tubig, maaari kang may pigsa. Kung ang breakouts ay namamaga at may nana, maaaring ito ay sintomas ng skin abscess. Ang parehong kondisyon ay maaaring mangyari sa kahit na anong parte ng katawan, at karaniwan itong nagreresulta sa infections.

Bagaman ang pigsa ay superficial infection, ang skin abscess ay karaniwang malalim. Ang pinaka karaniwang sanhi ng abscesses ay ang Staphylococcus, ngunit ang ibang bacteria tulad ng streptococcus o pseudomonas bacteria ay maaari ding maging sanhi nito. Ang ilang fungi ay maaari ding maging sanhi ng abscesses, ngunit ang skin abscesses na sanhi ng fungi infections ay bihira.

5. Karagdagang Sanhi Ng Tigyawat Sa Puwit

  • Pagbabago sa Hormones: Mas prone ang mga babae sa tigyawat sa puwit kaysa sa mga lalaki. Ito ay sa kadahilanan na ang hormones ng babae ay palaging nagbabago dahil sa menstrual cycle o pagbubuntis. Ang balat sa bahagi ng puwit ay makapal, kaya’t kung nag-fluctuate ang hormones, ang oil glands sa bahagi ng puwit ay mas nagiging aktibo. Ito ay nagpapataas ng activity “overloads” sa pores at humahantong sa tigyawat.
  • Hindi masustansyang diet: Ang regular na pagkain ng mainit, maanghang na pagkain at pagkain na mayaman sa preservatives ay nakababawas ng liver function. Ito ay humahantong sa kaunting pagbawas ng toxins, na sanhi ng tigyawat. Maliban sa sobrang sugar, ang starch, o gatas ay maaari ding magpataas ng banta ng tigyawat.
  • Hindi maayos na pagtanggal ng buhok: Ang hindi maayos na pag-wax at pag-shave ay nakapipinsala sa balat, na humahantong sa inflammation at tigyawat.
  • Stress: Ang sobrang stress at ang insomnia na posibleng kasama rito ay madaling maging sanhi ng malfunction ng katawan. Maaari itong maging sanhi ng breakouts.

Mapanganib Ba Magkaroon Ng Tigyawat Sa Puwit?

Maliban sa posibleng sanhi ng tigyawat sa puwit, pag-usapan natin ang posibleng komplikasyon.

Sa karamihan ng mga kaso, ang tigyawat sa puwit ay hindi mapanganib. Gayunpaman, kung iiwanang hindi nalulunasan, maaari itong maging malala, magdugo, o magresulta sa impeksyon.

Bisitahin ang iyong doktor kung ang breakouts ay hindi bumuti o mas namaga, pumula at masakit. Huwag gamutin ang sarili (kahit na gamit ang topical na gamot) at huwag pisilin at paputukin ang tigyawat. Ang mga gawain na ito ay nagpapalala ng tigyawat.

Paano Gamutin Sa Bahay Ang Tigyawat Sa Puwit

Ang mga tigyawat sa puwit kung ito man ay masakit o hindi ay maaaring maging sanhi ng discomfort sa pang-araw-araw na gawain. Ang magandang balita ay bibigyan ka ng dermatologist ng topical na gamot, tulad ng benzoyl peroxide o salicylic acid. Nakatutulong ang dalawang ito sa mild hanggang moderate na tigyawat, at habang madali mo itong mabibili sa over-the-counter, huwag kalimutan na komunsulta muna sa doktor bago gamitin ang mga ito.

Pag-Iwas

Ang mga sumusunod na gawain ay nakatutulong sa pagbawas ng banta ng breakouts sa puwit:

1. Maligo Matapos Mag-ehersisyo

Matapos mag-ehersisyo, maligo upang matanggal ang pawis, labis na oil, at dumi sa balat. Ito ay nakatutulong upang matanggal ang bara sa pores at makabawas sa acne breakouts. Ang pagsusuot ng pinagpawisan na damit sa workout ay nagpapataas din ng banta ng pagkakaroon ng tigyawat sa puwit. Kaya’t kahit na wala kang oras na maligo, magpalit lagi ng malinis at tuyong damit.

2. Moisturize

Ang paggamit ng moisturizer ay parte at parcel ng epektibong skincare routine. Kung ikaw ay nangangamba tungkol sa lotions na nagpapalala ng tigyawat sa puwit, ikonsidera ang pakikipag-usap sa iyong dermatologist tungkol sa kung anong dapat gamitin na moisturizer.

3. Exfoliate

Ang pag-exfoliate ay mahalagang hakbang sa paglinis ng pores. Tanungin ang iyong dermatologist tungkol sa exfoliating na produkto na naglalaman ng glycolic acid. Binanggit ng mga pag-uulat na mainam itong sangkap sa paggamot ng tigyawat, salamat sa abilidad na manatiling bukas ang pores. Ang substance na ito ay maaaring makatulong na magpa-light ng dark spots sa balat na iniwan ng tigyawat.

4. Piliing Mabuti Ang Mga Damit

Magsuot ng light at nakahihingang mga damit at panloob. Ang mga komportableng mga gamit ay nakapaglilimita ng friction sa balat na nagti-triggers ng breakout sa puwit.

5. Iwasan Ang Pagkain Na Sanhi Ng Tigyawat

Limitahan ang pagkain ng fatty, sugary, at maanghang na pagkain. Karagdagan, panatilihin ang masustansyang diet, magdagdag ng maraming luntiang gulay at prutas, at mag-ehersisyo nang regular.

Key Takeaways

Mayroon ka bang breakouts sa puwit? Alamin na maraming mga posibleng sanhi ang tigyawat sa puwit, kaya’t huwag gamutin ang sarili. Sa halip, kumausap ng isang dermatologist, upang matukoy nila nang maayos ang kondisyon ng balat at magrekomenda ng akmang lunas.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Folliculitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/folliculitis/symptoms-causes/syc-20361634#, Accessed December 15, 2021

Keratosis pilaris, https://www.nhs.uk/conditions/keratosis-pilaris/, Accessed December 15, 2021

Boils, Abscess & Cellulitis, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/infections/Pages/Boils-Abscess-and-Cellulitis.aspx, Accessed December 15, 2021

Natural acne treatment https://mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/expert-answers/natural-acne-treatment/faq-20057915, Accessed December 15, 2021

Boils https://medlineplus.gov/ency/article/001474.htm, Accessed December 15, 2021

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Folliculitis: Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Tigyawat Sa Dibdib, Ano Ang Sanhi, At Paano Gamutin?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement