Napapansin mong may bukol na may nana na umuumbok sa iyong tenga. Ito ay masakit at hindi kaaya-ayang tignan. Gayunpaman, hindi mo mawari kung ito ba ay pigsa sa tenga o tigyawat. Alamin ang pagkakaiba ng dalawa sa pagbabasa ng artikulong ito.
Napapansin mong may bukol na may nana na umuumbok sa iyong tenga. Ito ay masakit at hindi kaaya-ayang tignan. Gayunpaman, hindi mo mawari kung ito ba ay pigsa sa tenga o tigyawat. Alamin ang pagkakaiba ng dalawa sa pagbabasa ng artikulong ito.

Kadalasang nalilito ang mga tao kung ang nakikita ba nila sa kanilang balat ay ang karaniwang tigyawat o ito ay pigsa na pala. Ito ay marahil nagkakaroon ng bukol at nana ang parehong kondisyon sa balat. At dahil dito, nararapat na balikan natin ang kahulugan ng dalawa.
Kinikilalang tigyawat ang isang kondisyon kapag mayroong mga maliliit na pagtubo sa ibabaw ng balat. Ang mga ito ay karaniwang sanhi ng baradong o namamagang oil glands, dahilan para mag-iba ang kulay nito. Maaari rin itong buhat ng pimple-causing bacteria sa balat. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang acne ang siyang dahilan ng pagtubo ng mga tigyawat na karaniwang nakikita sa mukha, dibdib, balikat, at itaas na bahagi ng likod. Bagaman hindi pangkaraniwan, maaari ring magkaroon ng tigyawat sa talukap ng mata, puwet, scalp, tenga, kilikili, maging ang external genitals tulad ng penis o labia.
Samantala, ang pigsa naman ay tumutukoy sa masasakit at puno ng nana na mga bukol. Karamihan sa mga ito ay nabubuo dulot ng Staphylococcus aureus. Ito ay isang uri ng bacterium na karaniwang makikita sa balat at sa loob ng ilong. Minsan, nagkakaroon ng mga pigsa sa mga lugar kung saan nabasag ang balat dahil sa isang maliit na pinsala o kagat ng insekto. Dahil sa opening na nagagawa, mas madaling nakapapasok ang bacteria. Karaniwang nakikitang namumuo ang mga pigsa sa mukha, likod ng leeg, kilikili, hita, at puwet. Posible rin namang magkaroon ng pigsa sa tenga.
Upang magkaroon ng partikular na pagkakakilanlan sa tigyawat sa tenga at pigsa sa tenga, nararapat na malaman mo ang mga distinguishing features ng bawat isa.
Mayroong iba’t ibang klase ng tigyawat, at dito nakadepende kung ano ang magiging itsura at mga sintomas nito.
Karaniwang naikukumpara ang mga pustules o cysts sa mga pigsa sa tenga.
Ang pigsa ay maaaring magsimula bilang malambot, pinkish-red, at namamaga at makakating spot. Kalaunan, ito ay parang isang punong lobo, o katulad ng nabanggit, parang mga cyst. Lumalala ang pananakit habang napupuno ito ng nana at dead tissues. Ngunit, nababawasan naman ang sakit kapag naubos na ang laman sa loob.
Ilan sa mga pangunahing sintomas ng pigsa sa tenga ay ang mga sumusunod:
Isa pang maaaring pagkakakilan ng pigsa mula sa tigyawat ay ang pagkaramdam ng pagkapagod o parang may sakit at pagkakaroon ng lagnat. Bago pa man lumaki ang pigsa, posible ka ng mangati dahil dito. Mapapansin mo rin na maaaring mamula ang paligid nito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Mga Sakit sa Balat dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Acne, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/symptoms-causes/syc-20368047, Accessed August 9, 2022
Pimples, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22468-pimples#:~:text=Pimples%20are%20a%20common%20skin,%2C%20whiteheads%2C%20cysts%20and%20others, Accessed August 9, 2022
Boils and carbuncles, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/boils-and-carbuncles/symptoms-causes/syc-20353770, Accessed August 9, 2022
What is Acne, https://www.pennmedicine.org/for-patients-and-visitors/patient-information/conditions-treated-a-to-z/acne, Accessed August 9, 2022
Boils, https://www.nhs.uk/conditions/boils/, Accessed August 9, 2022
Boils, https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/boils, Accessed August 9, 2022
Kasalukuyang Version
02/24/2026
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel
In-update ni: Jan Alwyn Batara