Sa panahon na hindi na gumagana ang topical anesthetic, maaaring kailanganin mong uminom ng paracetamol para sa pananakit. Kung may malaking pamamaga, maaaring irekomenda pa ng doktor ang ibuprofen para pangasiwaan ang parehong pananakit at pamamaga.
Karamihan sa mga pigsa ay hindi na nangangailangan ng espesyal na paggamot. Subalit, nararapat na bigyang atensyon ang mga sintomas na nararamdaman.
Kung ang pigsa ay magpatuloy sa paglaki ng higit sa 1 cm o kaya naman hindi na ito lumiit at natuyo matapos uminom ng gamot, agad na kumunsulta sa isang dermatologist. Ang pagbisita sa isang doktor ay napakahalaga lalo kung mayroon kang hindi matiis na sakit o nakakaramdam ng namamaga na mga lymph node.
Ang doktor ay maaaring mag-inject ng local anaesthetic pagkatapos ay patuyuin ang nana mula sa pigsa upang maiwasan ang karagdagang impeksiyon na maaaring mangyari.
Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Mga Sakit sa Balat dito.