Maraming tao ang mas nakakaalam kung ano ang dermatitis at eczema. Gayunpaman, mas madalas, hindi nila alam ang partikular na uri na mayroon sila. Paano naiiba ang nummular dermatitis sa iba? Magbasa para higit na malaman kung ano ang nummular dermatitis.
Ano ang nummular dermatitis?
Ang nummular dermatitis ay isang pangkaraniwang chronic skin condition na matigas, makating rashes na mga pabilog na patch sa balat. Ang term na nummular ay isang Latin word na tumutukoy sa barya–kaya iyon ang natatanging hitsura.
Maaari itong lumitaw na isang sugat o sa maraming parte sa buong katawan. Sa paglipas ng panahon, ang plaques ay may posibilidad na maalis sa gitna o maging nangangaliskis. Kaya, mukhang kahawig ng ringworm o psoriasis. Kapag hindi ginagamot, maaari itong tumagal ng ilang linggo, buwan, o kahit na taon. O, sa ilang pagkakataon, maaari itong maulit sa parehong lugar kung saan ito unang lumitaw.
Kung ano ang nummular dermatitis ay nummular eczema, discoid eczema, o dermatitis ang tawag ng ilang tao dito.
Ang sinumang tao sa anumang edad ay maaaring magkaroon ng nummular dermatitis. Gayunpaman, ito ay mas malamang na lumabas sa mga taong may:
- Atopic eczema
- Eczema sa bata
- Infected eczema
- Allergic contact dermatitis
Maaaring lumitaw ito sa mga binti bilang resulta ng mahinang daloy ng dugo sa ibabang bahagi ng katawan at stasis dermatitis na dulot ng mga isyung ito sa sirkulasyon.
Mga Palatandaan at Sintomas ng Nummular Dermatitis
Ang mga palatandaan at sintomas kung ano ang nummular dermatitis ay maaaring halos kapareho ng iba pang uri ng dermatitis o eczema gaya ng:
- Grupo ng maliliit na bukol o spot sa balat (o mga sugat na parang hugis barya sa mga braso, binti, at/o mga kamay)
- Nasusunog at makating pakiramdam
- Tuyong balat
- Namamagang, paltos at ooze-filled na mga patches
- Pink, pula o kayumangging nangangaliskis at namamagang sugat (makikita ang mga patch na kulay pink o pula sa mas maputing balat habang maaari itong maging dark brown o mas maputlang kulay sa mas maitim na balat)
Kapag na-infect ang mga patch, ang ilang sintomas ay:
- Puno ng likido na mga patch
- Pamumuo ng dilaw na crust sa ibabaw ng mga patch
- Ang balat na nakapalibot sa mga patch ay may posibilidad na maging mainit, namamaga, at masakit
- Sakit/ masamang pakiramdam
- Mainit o nanginginig na pakiramdam
Ang ganitong uri ng dermatitis ay mas nakikilala kung ihahambing sa iba dahil sa hugis-itlog o barya nito. Magagawang masuri ito ng iyong dermatologist sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga spot sa iyong balat. May mga kaso na ang iyong dermatologist ay maaaring mangailangan ng biopsy sa balat o mag usisa tungkol sa family medical history.
Mga sanhi ng Nummular Dermatitis
Sa kabila ng pagiging karaniwang kondisyon ng balat, ang mga direktang sanhi kung ano ang nummular dermatitis ay hindi pa rin alam. Gayunpaman, ang common feature ng kondisyong ito ay tuyong balat.
Kapag ang iyong balat ay lubhang tuyo, ito ay hindi makabuo ng isang matibay na harang laban sa mga compound na nakikipag-ugnayan dito. Ito ay maaaring maging sanhi ng isang harmless substance, tulad ng sabon, para masunog ang balat.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan na masusing suriin ang mga kemikal na nasa iyong cosmetics at toiletries. Ang contact dermatitis ay maaaring maging sanhi ng pag-develop ng nummular dermatitis.
Ang iba pang mga trigger na dapat banggitin ay:
- Personal/family medical history (mga allergy, hika)
- Pag-inom ng mga gamot (statin, interferon, o ribavirin)
- Irritants sa kapaligiran
- Mga pagbabago sa temperatura (lalo na sa mas malamig na buwan)
- Stress
Treatment para sa Nummular Dermatitis
Kahit na ang nummular dermatitis ay isang long-term condition, maraming mga medication at treatment na magagamit para matugunan ito.
Ang ganitong uri ng dermatitis ay madalas na nangyayari bilang resulta ng mga minor skin injuries. Kaya, mahalaga na pangalagaan ang balat mula sa ganitong insidente. Maaari mo ring iwasan ang mga allergens at irritant sa balat.
Ang mga emollients tulad ng mga pamalit sa sabon, bath oils, at moisturizing cream ay makakatulong sa pag-alis ng pangangati, scaling, at pagkatuyo. Kaya, inirerekomenda ng mga doktor ang madalas na paggamit nito.
Ang iba pang anti-inflammatory treatments ay:
- Topical steroids at corticosteroids
- Antibiotics
Ang mga na-diagnose ng may malubhang uri ay maaaring mangailangan ng mga resetang paggamot mula sa doktor tulad ng:
- Oral antihistamines
- Ultraviolet radiation (UV) treatment
- Mga steroid injection
- Mga oral treatment