Naranasan mo na bang magkaroon ng butlig sa kamay? Alam mo ba ang dahilan ng mga butlig na ito — at may ideya ka ba tungkol sa lunas nito? Marahil ito ang mga tanong na gustong masagot ng mga taong nagkaroon ng butlig sa kamay. Lalo’t kung nakakasagabal ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay.
Ang butlig ay maaaring isang kondisyon ng balat na kilala bilang “dyshidrosis”. Ito’y sanhi ng malilit at fluid-filled blisters o paltos na nabubuo sa palad, kamay, at gilid ng mga daliri. Kung saan, mayroon ding mga pagkakataon na nagiging apektado ang ilalim ng mga paa ng isang tao. Madalas ito sa mga indibidwal na may isa pang anyo ng eczema.
Lumalabas din na mayroong posibilidad na ito ay tumatakbo sa pamilya — kung saan nagmumungkahi ito ng genetic component.
Tinatawag din na “pompholyx” ang dyshidrotic eczema. Isa itong uri ng eczema na long-term condition.
Gaano katagal maaaring manatili ang butlig sa kamay o dyshidrosis?
Nagdudulot ito ng makating paltos sa mga kamay at paa. Karaniwang tumatagal ang mga sintomas nito ng 2-3 linggo. Kapag natuyo ang mga paltos ng dyshidrosis, pwede itong magmukhang nangangaliskis na balat. Sinasabi rin na maaari itong umulit bago pa gumaling ng ganap ang iyong kamay at paa sa nakaraang mga butlig at paltos.
Bakit nagkakaroon ng butlig sa kamay o dyshidrosis?
Hindi sigurado ang eksaktong dahilan ng dyshidrosis. Subalit, maaari itong iugnay sa sakit ng balat na tinatawag na “atopic dermatitis (eczema). Maging sa mga allergic condition, gaya ng hay fever.
Narito ang mga sumusunod na risk factors ng dyshidrosis ayon sa Mayo Clinic:
- Sensitibong balat. Ang mga taong nagkaroon ng pantal pagkatapos ng kontak sa ilang irritants ay pwedeng makaranas ng dyshidrosis.
- Stress. Nagiging komon ito sa panahong humaharap ang tao sa emotional at physical stress.
- Pagkakalantad sa mga partikular na metal. Kasama dito ang cobalt at nickel na karaniwang nasa industrial setting.
- Atopic dermatitis. Kagaya ng mga nabanggit sa artikulong ito — pwedeng madebelop ito mula sa pagkakaroon ng atopic dermatitis.
Sintomas ng dyshidrosis
Maaaring makaranas ng burning sensation ang mga taong may butlig sa kamay o dyshidrosis. Kadalasan ay nagiging sanhi ito ng iritasyon ng tao sa kanilang balat. Maliban sa nabanggit, narito pa ang mga sumusunod na sintomas ng dyshidrosis:
- Pangangati o itching sensation nang walang anumang nakikitang visual clues.
- Maliit at makating mga paltos
Sa mga severe case ang paltos ay pwedeng lumawak sa likod ng mga kamay at paa. Maaaring tumubo ang maliliit na paltos nang magkakasama at bumuo ng mas malaking bahagi. Sinasabi rin na kapag naging infected ang balat — ang paltos ay pwedeng maging masakit at magkaroon ng “nana”.
Dagdag pa rito, ang mga taong may mas maitim na kulay ay karaniwang nagkakaroon ng dark spot kung saan gumaling ang mga paltos.
Mga komplikasyon ng butling sa kamay o dyshidrosis
Dahil sa labis na pangangati maaaring maging dahilan ito ng matinding pagkamot. Pwede itong magpataas ng bacterial infection sa apektadong lugar.
Para rin sa karamihan, maaari rin itong maging abala dahil sa “itchy inconvenience” na naglilimita sa kanilang paggamit ng kamay at paa.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Paano maiiwasan ang butling sa kamay o dyshidrosis?
Walang kumpirmadong paraan upang maiwasan ang kondisyong ito sapagkat, hindi rin sigurado ang pinagmulan ng dyshidrosis. Ngunit, pwede itong maiwasan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga risk factor na nabanggit sa artikulong ito.
Ayon din sa Mayo Clinic, maaaring makatulong din ang “good skin care practices” para maprotektahan ang balat. Kasama dito ang mga sumusunod:
- Pag-moisturize ng regular.
- Paggamit ng mild cleansers at maligamgam na tubig para hugasan ang kamay.
- Pagpapatuyo ng maayos sa kamay na basa.
- Pagsusuot ng gloves kung kinakailangan.
Paggamot o treatment para sa butlig sa kamay o dyshidrosis
Nakabatay sa kalubhaan ng mga butlig o dyshidrosis ang treatment na pwedeng imungkahi ng doktor. Maging ang iba’t ibang personal health factors ay tinitingnan din bilang basehan sa mga rekomendasyon.
Narito ang mga sumusunod na main treatments na pwedeng irekomenda ng doktor:
- Moisturizers (emollients) — maaari itong gamitin para hindi maging dry ang balat.
- Steroid creams at ointments — nakakatulong ito para mabawasan ang iritasyon at soreness.
- Paggamot na may ultraviolet (UV) light
- Iba pang gamot, tulad ng alitretinoin
Ang mga treatment na ito ay maaaring makatulong para makontrol ang sintomas. Ngunit, sa oras na ang paltos ay maging infected. Maaaring magrekomenda ang doktor ng antibiotics. Dagdag pa rito, kung mag-leak ang fluid ng paltos — pwedeng imungkahi ang pagbababad ng iyong balat sa potassium permanganate solution.
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?
Magpakonsulta agad sa doktor sa oras na nakakasagabal ng lubos ang mga butlig o dyshidrosis. Dahil kailangan na mapakinggan ang kanilang mga medikal na payo at diagnosis. Para sa angkop na paggamot na dapat gawin sa pagpapagaling o pagpapahupa ng mga sintomas ng dyshidrosis.