backup og meta

Skin Barrier: Ano Ito, At Bakit Ito Mahalaga Sa Ating Katawan?

Skin Barrier: Ano Ito, At Bakit Ito Mahalaga Sa Ating Katawan?

Maraming mga online videos ang naglalayon makatulong sa ibang mga tao mapabuti ang kanilang pamumuhay sa iba’t ibang aspeto, at isa sa karaniwang makikitang content ay patungkol sa pangangalaga at paglinis ng balat. Kaugnay nito, laging nababanggit na dapat  magsimula ang pangangalaga sa tinatawag na skin barrier. Ngunit, ano ang skin barrier? Ilalahad ng artikulong ito ang mga dapat mong malaman tungo sa malusog at magandang balat. 

Pag-Unawa Sa Kung Ano Ang Skin Barrier

Alam naman ng lahat na ang balat ang pinakamalaking organ sa katawan. Ito ay pangunahing binubuo ng tatlong layer: ang epidermis, dermis, at subcutaneous fatty layer. Ngunit ang hindi alam ng marami ay mayroon pang mga sublayers ang bawat isa. 

Ang pinakalabas na bahagi ng epidermis ay tumutukoy sa stratum corneum, o ang kinikilalang skin barrier. Ito ay bumubuo ng dead dried-out cells na tinatawag na corneocytes sa isang bricks-and-mortar arrangement. Kung kaya, kadalasang inihahalintulad ito sa isang brick wall. Ang pangunahing tungkulin ng balat ay maprotektahan ang katawan sa mga panlabas na salik mula sa kapaligiran. Samakatuwid, ang skin barrier, katulad ng ipinapahiwatig sa pangalan, ang siyang nagsisilbing proteksyon mula sa mga maaaring magdulot ng panganib. Kabilang dito ang mechanical, chemical, maging ang microbial na klase. Halimbawa na lamang ang polusyon at UV radiation. Sa katunayan, napag-alaman ng mga eksperto na ang mga naturang impluwensya mula sa kapaligiran ay responsable para sa 97% ng visible skin aging. 

Bilang karagdagan, napapanatili ng skin barrier ang pagkawala ng tubig (water loss). Napadadala rin nito ang nutrisyon na kailangan ng balat para mapanatiling hydrated at moisturized ang balat. Subalit, kadalasan alalahanin ng nakararami ay ang hindi pagtamasa nito. Karaniwang mayroong silang isa o higit pa mula sa sumusunod:

Ang pagkakaroon ng alinman sa mga nabanggit ay maaaring magpahiwatig ng damaged skin barrier. Para sa mga nagtatanong kung ano ang skin barrier damage, ito ay nauugnay sa iba’t ibang mga chronic skin disorders tulad ng atopic dermatitis (eczema) at psoriasis. 

ano ang skin barrier

Ano Ang Skin Barrier At Paano Ito Mapoprotektahan Tungo Sa Magandang Balat?

Bukod sa pag-alam kung ano ang skin barrier at paano ito umaaksyon sa katawan, mahalaga ring malaman ang mga hakbang tungo sa pangangalaga nito. 

1. Gumamit ng sunscreen

Ang paggamit ng sunscreen ay tinuturing na “golden rule” sa skincare. Ito ay marahil ang sun exposure ay maaaring maging sanhi ng wrinkles, age spots, maging ang skin cancer. Kung kaya, nararapat na ugaliing ang paggamit ng broad spectrum sunscreen na mayroong SPF na hindi bababa sa 15. Dapat tandaan din na muling mag-apply tuwing dalawang oras o mas madalas kung ikaw ay nagpapawis o lumalangoy. 

2. Iwasan ang matatapang na sabon

Inirerekomenda ang mga hypoallergenic at low pH cleansers sa halip na mga sabon. Ito ay dahil nagdudulot ang mga ito ng mas kaunting paggambal sa naturang skin barrier. Matapos maligo o maghugas ng mukha, dahan-dahang patuyuin ang balat gamit ang twalya upang mayroon pa ring matirang moisture sa katawan.

3. Gumamit ng moisturizer

Karaniwang binabanggit ng mga eksperto patungkol sa kung ano ang skin barrier ay nakatuon sa paggamit ng angkop na moisturizer. Lingid sa kaalaman ng nakararami, dapat lahat ng tao ay gumagamit ng moisturizer, mayroon ka mang dry o oily skin. Katulad ng pangalan nito, ang moisturizer ang siyang responsable na maitago ang moisture na kailangan ng  balat. Ayon sa mga mananaliksik, mainam na pumili ng mga produktong nagtataglay ng mga sangkap tulad ng mga sumusunod:

Bukod pa rito, makatutulong din kung iiwasan ang stress dahil ginagawa nitong mas sensitibo ang balat at ma-trigger sa mga acne breakouts at iba pang problema sa balat. 

Key Takeaways

Sa pangkalahatan, mahalaga kung ano ang skin barrier at ang mga gampanin nito upang mapanatili ang homeostasis. Ito ang first line of defense ng katawan laban sa mga iba’t ibang mga salik at impluwensya. Kapag ito ay nagambala, ang skin barrier ay maaaring madaling kapitan ng mga allergens, irritants, at mga impeksyon. Kung kaya, importanteng maprotektahan at mapangalagaan ang skin barrier upang matamo ang malusog at magandang balat.

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The skin barrier in healthy and diseased state – Joke A. Bouwstra, Maria Ponec, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0005273606002410, Accessed August 22, 2022

Buffering Capacity – Ehrhardt Proksch, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30130768/, Accessed August 22, 2022

Understanding the Epidermal Barrier in Healthy and Compromised Skin: Clinically Relevant Information for the Dermatology Practitioner – James Del Rosso, DO, Joshua Zeichner, MD, Andrew Alexis, MD, David Cohen, MD, and Diane Berson, MD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5608132/, Accessed August 22, 2022

Fighting against Skin Aging: The Way from Bench to Bedside – Shoubing Zhang, Enkui Duan, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29692196/, Accessed August 22, 2022

Skin barrier function, https://dermnetnz.org/topics/skin-barrier-function, Accessed August 22, 2022

Skin barrier damage: Cause or consequence of atopic dermatitis?, https://www.jaad.org/article/S0190-9622(04)02814-2/fulltext, Accessed August 22, 2022

Skin Barrier Damage and Itch: Review of Mechanisms, Topical Management and Future Directions – Gil Yosipovitch, Laurent Misery, Ehrhardt Proksch, Martin Metz, Sonja Ständer, and Martin Schmelz, https://www.medicaljournals.se/acta/content/html/10.2340/00015555-3296, Accessed August 22, 2022

The Role of Moisturizers in Addressing Various Kinds of Dermatitis: A Review – Schandra Purnamawati, MD, Niken Indrastuti, Dr, Retno Danarti, Dr, and Tatan Saefudin, MD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5849435/, Accessed August 22, 2022

Skin care: 5 tips for healthy skin, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/skin-care/art-20048237,  Accessed August 22, 2022

Skin Barrier Basics for People With Eczema, https://nationaleczema.org/blog/what-is-my-skin-barrier/, Accessed August 22, 2022

Kasalukuyang Version

10/12/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Mga uri ng allergy sa balat: Heto ang dapat mong malaman

Pamumula Sa Balat: Paano Ito Magagamot At Maiiwasan?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement