Ang acne, na kilala bilang comedo, ay isang pangkaraniwang kondisyon ng balat na nangyayari dahil sa pagtaas ng oil production, na kilala bilang sebum, mula sa sebaceous glands. Ang sobrang produksyon ng sebum na ito ay nagdudulot ng pamamaga ng mga follicle ng buhok o sa ibabaw ng balat. Pinakakaraniwan sa mga kabataan na nasa puberty ang sobrang oil secretion. Ang puberty ang edad na may malawakang hormonal changes. Ito rin ay mas laganap sa mga kababaihan na nakararanas ng imbalance sa kanilang menstrual cycle at mga buntis. Matagal nang pinaniniwalaan na may mga pagkain na nagiging sanhi o nagti-trigger ng acne, habang ang iba ay hindi sumasang-ayon dito. Narito ang listahan ng mga pagkaing dapat iwasan pag may pimples. Iwasang isama ang mga ito sa inyong diet, o bawasanang intake ng mga ito para makaiwas sa acne.
Mga pagkaing dapat iwasan pag may pimples
Red meat
Nag-aalala sa acne breakouts? Hangga’t maaari bawasan ang intake ng glycemic food products tulad ng red meat. Sinasabi ng pananaliksik na ang pulang karne ay maaaring magpalubha sa iyong acne at pimples. Ang ilang halimbawa ng red meat ay karne ng baka at tupa.
Milk chocolate
Pinaniniwalaan na ang tsokolate ay maaaring magdulot ng mga bagong pimples o magpalala ng acne condition. Pero huwag mag-alala. Malamang hindi cocoa pero ibang mga sangkap sa tsokolate tulad ng asukal, gatas, at iba pa ang dahilan.
Kung dark chocolate ang iyong weakness, huwag kang mag-alala. Hindi lang ito may mababang comedogenic effect, yun ang acne breakouts. Ito rin ay kilala sa antioxidant properties. Ang mga antioxidants ay mabuti sa balat.
Para sa milk at caramel chocolate lovers, ang hindi magandang balita ay kailangang maghanap ng ibang healthy alternative para sa iyong chocolate cravings. Mabuting piliin ang dark chocolate. Gayunpaman, bawat tao ay may iba’t-ibang reaksyon. Kaya naman pinaka mabuting i-check ang angkop sa iyo o humingi ng tulong sa isang eksperto para sa pagkaing dapat iwasan pag may pimples.
Refined flour
Ang refined flour ay kilalang trigger ng acne breakouts. Ang bagels, tinapay ( lalo na ang white bread), desserts, puffed rice, noodles, pasta at iba pa ay mga halimbawa ng mga pagkaing gawa sa refined flour.
Breakfast cereal
Tama ang nabasa mo! Isa sa mga pagkaing dapat iwasan pag may pimples ang breakfast cereal. Ang mga option sa mabilis na almusal na dapat nagpapagaan sa ating buhay tuwing nagmamadali tayo kung umaga ay dapat hindi nagpapahirap sa atin.
Ang mga naka-pack na breakfast cereals tulad ng cornflakes, bran flakes, at iba pang katulad na produkto ay may ibang ay kadalasang naglalaman ng higit pa kaysa sa mga malusog na sangkap tulad ng mais, oats, at bran. Kabilang dito ang labis na asukal, asin, taba, at iba pang sangkap na maaaring mag-trigger ng acne.
Fried foods
Mahilig ka ba sa masarap na french fries at crisps, burger patty, at ang mga deep-fried meatballs? Well, halos walang exception doon. Idagdag sa listahang ito ang lahat ng paborito nating meryenda tulad ng mga fritter at pretzel.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Ang mamantika at pritong pagkain ay puno sa saturated at trans fats na maaaring magpalala ng acne breakouts. Ang pagpapakasawa sa mga masasarap na pagkain na ito paminsan-minsan ay maaaring hindi makasira sa iyong balat. Gayunpaman, ang madalas na pagkain sa mga ito o kahit paminsan-minsan ay maaaring makapinsala sa iyong balat. Panatilihin ang mahigpit na pagbabantay sa dami at dalas ng pagkonsumo mo ng pritong pagkain. Ilaan na lang ang mga pagkaing dapat iwasan pag may pimples sa iyong cheat day lang.
Gatas
Ang gatas ay isang food product na hindi madaling ma-digest. Gayundin ang milk products tulad ng yogurt, cottage cheese, atbp. Isama ang sapat na dami ng mga produktong gatas na ito sa diet, ngunit huwag sosobra.
Ang pinagkaiba ng gatas sa milk products ay naglalaman ang huli ng probiotic bacteria. Ito ay isang uri ng bakterya na nasa gatas upang gawin itong yogurt at cottage cheese. Ang bacteria na ito, na kilala bilang probiotic bacteria, ay tumutulong sa madaling pagtunaw. Ito ay pumipigil sa panganib ng acne at iba pang mga kondisyon sa kalusugan.
Ang kahirapan sa pag-digest ng gatas ay maaaring mag-trigger ng acne breakout sa ilang tao. Bukod dito, ang acne ay karaniwan lalo na sa mga taong may lactose intolerance. Ang lactose ay isa sa mga protina na nasa gatas na nagpapahirap sa panunaw at maaaring magdulot ng mga problema sa balat sa mga taong hypersensitive dito. Ang ganitong allergic reactions ay karaniwang nagpapakita sa pamamagitan ng acne, pangangati, pamumula ng balat, atbp.
Paano naman ang mga hindi malusog na milk products? Well, ang ice cream at lahat ng iba pang sinful dessert ay dapat na nakalaan para sa iyong cheat day lang. Kasama ito sa mga pagkaing dapat iwasan pag may pimples.
Ilang prutas at gulay
Ang ilang prutas at gulay ay mataas sa glycemic index (GI). Ang mga prutas at gulay na ito, na itinuturing na pagkaing dapat iwasan pag may pimples, ay patatas, pumpkins, pineapples, melon, atbp. Maaari itong mag-trigger ng acne o magdulot ng flare-up. Hindi nangangahulugan na dapat mong lubusang alisin ang mga prutas at gulay na ito. Maaari bawasan ang pagkain sa mga ito.
Alkohol
Karamihan sa mga inuming may alkohol ay naglalaman ng maraming asukal na nagpapataas ng panganib na magkaroon ng acne o lumalala ang kondisyon ng balat. Muli, ang asukal – na isang glycemic na pagkain ay may problema pagdating sa pag-iwas sa acne. Bukod sa acne, ang labis na pag-inom ng alak ay nagdaragdag din ng panganib ng iba pang malubhang kondisyong medikal tulad ng sakit sa puso, dementia, atbp. Ito ay lumilikha ng mga komplikasyon hindi lamang sa iyong balat, ngunit sa halos bawat organ ng iyong katawan. Gayunpaman, ang pag-inom ng alkohol sa katamtamang dami ay maaaring hindi nakakapinsala; wag lang sobra. Karaniwang ipinapayo na ang pag inom ng alak ay limitado sa hindi hihigit sa 2 baso bawat araw para sa mga lalaki at hindi hihigit sa 1 baso sa mga babae.
Samakatuwid, iwasan ang mga pagkaing ito pag may pimples at sa halip ay piliin ang isang malusog na anti-acne diet. Hindi maiiwasan ng ilang partikular na age groups ang acne sa isang tiyak na panahon. Bahagi ito ng kanilang hormonal changes. Gayunpaman, ang pag-iwas sa mga pagkaing ito ay makakatulong sa pamamahala ng kondisyon nang mas mahusay.
Matuto pa tungkol sa Acne dito.
[embed-health-tool-bmi]