backup og meta

Paano Matanggal Ang Tigyawat Ng Mabilis? Subukan Ang Mga Ito

Paano Matanggal Ang Tigyawat Ng Mabilis? Subukan Ang Mga Ito

Ang acne ay pamamaga sa balat na dulot ng build-up ng bacteria sa sebaceous glands. Ito ay dahil sa sobrang produksyon sa sebum o pagbabara ng dumi o dead skin cells. Ito ay maaaring hindi magandang tingnan, kaya maraming mga tao ang gustong malaman kung paano matanggal ang tigyawat ng mabilis. Sa kasamaang palad, hindi mo magagawa. Gayunpaman, may mga paraan upang mapabilis ang proseso. 

Acne, Mga Dapat at Hindi Dapat

Tamang pangangalaga sa balat ang susi para makaiwas sa acne at tigyawat. Narito ang ilang mga tip at trick sa acne na maaaring sundin ng lahat:

Panatilihing malinis ang iyong buhok, kamay, at mukha 

Dahil ang acne ay isang kondisyon ng balat mula sa labis na langis at dumi, ang pagpapanatiling malinis ng iyong mga kamay hangga’t maaari ay lubos na makakabawas na magkaroon ng acne o lumalala ang isang breakout. Ang regular na paghuhugas ng iyong mukha, buhok, at mga kamay ay nag-aalis din ng labis na langis at anumang posibleng bacteria na nakakaapekto sa iyong balat. Iwasan ang mga produkto tulad ng mga hand lotion, hair gel, at oil-based na mga cosmetic. Maaari nilang harangan ang mga pores at maging sanhi ng mga breakout. Sa halip, gumamit ng water-based na mga produktong pangmukha na partikular para sa mga taong may acne. 

Manatiling malinis

Dahil ang marumi o mamantika na buhok ay isang karaniwang sanhi ng acne. Ang pagpapanatiling maayos ng iyong buhok ay kinakailangan. Kung may mahabang buhok o bangs, dapat itali ito at ilayo sa kanilang mukha. Ang pagputol nito ay isa pang magandang opsyon, lalo na para sa mga taong may natural na oily hair. Gayundin, maaaring naisin ng mga lalaki na mag-ahit ng anumang buhok sa mukha upang maiwasan ang acne, dahil ang mahabang buhok sa mukha ay maaaring mag-trap ng dumi.

Stay Dry

Kung pinagpawisan ka pagkatapos mag-ehersisyo o sa isang partikular na mainit na araw, maaaring magpunas o mag-shower kung magagawa mo. Ito ay dahil ang pawis ay maaaring maging lubhang malagkit at na-trap na dumi, langis, at maging mga bacteria. Ang tatlong ito ay ang pangunahing sanhi ng acne.

Gayundin, pinakamahusay na iwasan ang masikip na damit na maaaring ma-trap ang pawis. Kabilang dito ang mga headband, dahil ang mga ito ay nakadikit sa iyong mukha at noo.  Katulad nito, ang mga wristband ay hindi rin mahusay sa pagpigil sa acne dahil malamang na gamitin mo ang mga ito pamunas ng pawis sa mukha.

Huwag pisilin, putukin, kuskusin, o kamutin

Madalas magkasabay ang pamamaga at acne. Dahil dito, pinakamabutin na iwasang pakialaman o abusuhin ang iyong balat. Kabilang dito ang matinding pagkuskos gamit ang isang tuwalya, pagkamot sa iyong balat, at pagpisil o pag-putok ng mga blackheads, whiteheads, o tigyawat.  Ito ay maaaring lalong magpatindi sa mga sebaceous glands, magpalala ng bara, at maging mas mahirap kung paano matanggal ang tigyawat. Bukod pa rito, ang pag-putok ng tigyawat ay maaaring humantong sa acne scars.

Gawing regular ang pagpapalit

Ang pagiging malinis sa sarili ay hindi laging sapat. Kailangan mong siguruhing regular na magpalit ng damit, towel, bedsheets, at pillowcases. Ito ay dahil ang mga ito ay palaging nakakadikit sa iyong katawan. Nangangahulugan na ang anumang dumi, dead skin, buhok, o bacteria na nakadikit sa mga telang iyon ay maaaring lumipat sa iyong balat at magdulot ng breakout.

Siguraduhing palitan ang iyong mga kumot at tuwalya minsan sa isang linggo (o mas maaga kung kinakailangan), at regular na palitan ang iyong mga damit.

Mga Produkto sa Pangangalaga sa Balat para sa Acne 

Bagama’t walang paraan kung paano matanggal ang tigyawat ng mabilis, ang mga tip na ito ay maaaring mapabilis ang natural na proseso ng pagpapagaling ng mga tigyawat o maiwasan.

Kung nakakaranas ka ng talagang matinding kaso ng acne, huwag mawalan ng pag-asa. Bagama’t hindi mga pang-overnight na pagpapagaling, ang mga skincare ingredients ay makakatulong sa iyo na pamahalaan ang iyong breakout nang mabilis. Siguraduhing kumunsulta sa iyong dermatologist bago mag-apply ng mga bagong produkto sa iyong balat.

Benzoyl peroxide. Ito ang pinakakaraniwang uri ng acne cleanser sa merkado. Nililinis nito ang mga pores at inaalis ang mga bara tulad ng mga patay na selula ng balat at dumi habang sabay na pinapatay ang bacteria na nagdudulot ng acne. Gamitin ito nang may pag-iingat, dahil ang sobrang benzoyl peroxide ay maaaring makairita sa balat, na nagiging sanhi ng mas maraming acne. 

Sulfur. Maaari nitong i-clear ang labis na langis at alisin ang mga pores. Sa kasamaang palad, maaari rin itong maging sanhi ng pagkatuyo. Siguraduhing manatiling hydrated at moisturized.

Alpha hydroxy acid. Ito ay isang acid na maaaring mag-alis ng mga patay na selula ng balat at maghikayat ng mas bago, mas malusog na skin growth.

Salicylic acid. Maiiwasan nito ang pagbabara ng balat. Madalas itong ginagamit sa mga lotion na partikular sa acne. 

Pimple patch. Hindi talaga mapipigilan o maaalis ng mga ito ang acne, ngunit mapipigilan nito ang lumala nang lumala ang namumuong tagihawat o sugat sa pamamagitan ng pagpapanatiling basa ang sugat. Ito ay pansamantalang pag-aayos para sa mga aksidente o mga sitwasyong pang-emergency. 

Kailan hihingi ng propesyonal na tulong

Pinakamainam na kumunsulta sa iyong dermatologist bago gumamit ng anumang mga bagong produkto ng pangangalaga sa balat. Kung ang iyong acne ay hindi nawawala pagkatapos ng 6 hanggang 8 na linggo ng wastong pangangalaga sa balat, kumunsulta sa iyong doktor. Maaari silang magreseta ng iba’t ibang mga gamot o pamahid.

Key Takeaways

Bagama’t may ligtas na paraan kung paano matanggal ang tigyawat ng mabilis, may mga paraan din upang maiwasan at/o pamahalaan ang mga breakout. Kabilang dito ang pag-iwas sa iyong buhok sa mukha, pagpapanatili ng wastong kalinisan, at regular na pagpapalit ng iyong mga damit, tuwalya, at kumot. Kumonsulta sa iyong dermatologist kung nagpapatuloy o lumalala ang iyong acne.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

BACTERIA IN ACNE https://dermnetnz.org/topics/bacteria-in-acne/ Date accessed January 10, 2021

OVER THE COUNTER PRODUCTS: WHAT WORKS AND WHY  https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/in-depth/acne-products/art-20045814 Date accessed January 10, 2021

ACNE: OVERVIEW https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279211/ Date accessed January 10, 2021

ACNE https://www.health.harvard.edu/a_to_z/acne-a-to-z Date accessed January 10, 2021

ACNE https://uhs.umich.edu/acne Date accessed January 10, 2021

Kasalukuyang Version

03/14/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Martha Juco, MD

Aesthetics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement