backup og meta

Sunog Ngayong Tag-Init, Paano Nga Ba Maiiwasan?

Sunog Ngayong Tag-Init, Paano Nga Ba Maiiwasan?

Mayroong kasabihan na “Mas mabuti nang manakawan kaysa masunugan.” Ito ay dahil hindi na nababawi ang mga gamit o bahagi ng tahanang nasira dahil sa sunog, at napakamapanganib rin ng magkaroon ng sunog sa bahay.

Kaya’t ngayong umiinit na ang panahon, importanteng tandaan ang mga tips kung paano mapapanatiling ligtas mula sa sunog ang iyong tahanan.

Tips Para Makaiwas sa Sunog

1. Gumamit ng smoke alarms

Ang smoke alarm ay mga maliliit na device na kinakabit sa kisame na nagde-detect kung mayroong makapal na usok sa iyong tahanan. Kapag na-detect nito na mayroong usok, nag-iingay ito upang makuha ang atensyon ng mga nasa loob ng bahay pati na rin ng mga kapitbahay.

Isang dapat tandaan sa mga smoke alarms ay dapat i-check kada buwan kung may karga pa ang mga battery nito pati na rin kung gumagana pa ang smoke alarm. Ito ay upang makasiguradong tutunog ang smoke alarm kung magkaroon man ng sakuna.

2. Mag-ingat kapag pagluluto

Isang karaniwang pinagmumulan ng sunog ay kapag napapabayaan ang niluluto. Kaya’t huwag na huwag papabayaang nakabukas ang apoy ng kalan kung walang nagbabantay nito. Hindi rin dapat pabayaan ang mga oven, air fryer, pati na rin ang mga microwave kapag ginagamit dahil maaari rin itong pagmulan ng sunog.

Minsan ay nagkakaroon rin ng sunog dahil masyadong mainit ang niluluto, lalo na kung nagpiprito. Sa mga ganitong sitwasyon, patayin agad ang kalan, at takpan ang kawali o kaldero na pinaglulutuan upang mapatay ang apoy. Huwag na huwag itong buhusan ng tubig lalo na kung mayroong mantika dahil lalo lang nitong ikakalat ang apoy.

3. Huwag manigarilyo sa loob ng bahay

Ang paninigarilyo sa loob ng bahay ay isa pang posibleng pagmulan ng sunog. Nangyayari ito kapag napapabayaang nakasindi ang sigarilyo, o kaya ay natataktak ang baga nito sa mga bagay na madaling umapoy.

Hangga’t maaari, huwag na huwag maninigarilyo sa loob ng tahanan. Bukod sa panganib ng sunog na dala nito, hindi rin magandang gawain ang paninigarilyo dahil maaari itong maging sanhi ng napakaraming karamdaman.

4. Maglagay ng mga fire extinguisher sa bahay

Isang mahalagang tip ay ang pagkakaroon ng mga fire extinguisher sa iyong tahanan. Hindi kinakailangan ng mamahaling fire extinguisher; basta’t mapagkakatiwalaan ang manufacturer nito ay sapat na. Mainam kung mayroong fire extinguisher na palaging nasa kusina, at isa pa sa lugar kung saan madali itong makukuha. Kung maraming floors ang iyong tahanan, mas mabuti kung bawat floor ay mayroong fire extinguisher.

Siguraduhin rin na lahat ng tao sa bahay ay marunong gumamit ng fire extinguisher at alam kung saan ito makukuha kung mayroong sunog.

5. I-check palagi ang mga saksakan at appliances

Kabilang sa pinakamadalas na sanhi ng sunog sa bahay ay ang tinatawag na faulty wiring. Ito ay nangyayari kapag masyado nang luma o kaya damaged ang wiring sa bahay, at ito ay umiinit o kaya nagkakaroon ng short circuit na nagiging sanhi ng sunog.

Importanteng ipa-check sa electrician ang wiring ng iyong bahay, pati na rin ang mga saksakan lalong-lalo na kung may katandaan na ang iyong tahanan. Mabuti ring i-check ang mga appliances kung maayos pa upang hindi pagmulan ng sunog.

Isa pang mahalagang gawain ay ang pag-unplug sa mga appliances na hindi ginagamit upang hindi ito maging sanhi ng short circuit na maaaring humantong sa sunog.

Karagdagang Kaalaman

Hindi biro ang masunugan. Bukod sa pinsalang naidudulot nito sa gamit at sa tahanan, maaari rin itong makamatay o kaya maging sanhi ng habangbuhay na kapansanan.
Kaya kinakailangang gawing priority ang fire safety o pag-iwas sa sunog upang mapababa ang posibilidad na mangyari ito. Huwag kakalimutan ang mga tip sa taas upang mapanatiling ligtas ang iyong tahanan at ang iyong pamilya.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Home Fire Prevention & Safety Tips | American Red Cross, https://www.redcross.org/get-help/how-to-prepare-for-emergencies/types-of-emergencies/fire.html#:~:text=Top%20Tips%20for%20Fire%20Safety,the%20plan%20twice%20a%20year., Accessed April 2, 2024
  2. Fire Safety – National Safety Council, https://www.nsc.org/community-safety/safety-topics/emergency-preparedness/fire-safety, Accessed April 2, 2024
  3. Fire Safety | Safe Kids Worldwide, https://www.safekids.org/fire, Accessed April 2, 2024
  4. Fire Safety (for Parents) | Nemours KidsHealth, https://kidshealth.org/en/parents/fire-safety.html, Accessed April 2, 2024
  5. Preventing a fire in the home – Department of Fire and Emergency Services, https://www.dfes.wa.gov.au/hazard-information/fire-in-the-home/preventing, Accessed April 2, 2024

Kasalukuyang Version

04/02/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang mga paraan para matanggal ang buhok sa katawan?

Ano ang Sanhi ng Heatstroke


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement