backup og meta

Nakabara sa Lalamunan: Ano ang First Aid na Dapat Gawin?

Nakabara sa Lalamunan: Ano ang First Aid na Dapat Gawin?

Ang pakiramdam na may nakabara sa pagitan ng iyong ilong at lalamunan ay hindi komportable. Tiyak na gusto mong mailabas ang bagay nang ligtas at walang komplikasyon. Paano mo ito gagawin?

Paano Maalis ang Nakabara sa Lalamunan o Ilong?

Ang Anatomy ng Ilong

Kung sa tingin mo ay may nakabara sa pagitan ng ilong at lalamunan, malamang na ang  bagay na ito ay nasa iyong ilong. Ito ay dahil ang ating ilong ay sapat na malalim na umabot sa likod ng ating mukha. Para sa mas mahusay na pag-unawa, narito ang pangunahing anatomy ng ilong:

  • External meatus. Ito ang tatsulok na bahagi na nakikita natin sa gitna ng mukha.
  • External nostrils. Ito ang bukana ng ilong kung saan pumapasok ang hangin. Ang mga butas ng ilong ay pinaghihiwalay ng septum.
  • Septum. Ang bahaging naghihiwalay sa dalawang butas ng ilong. Ito ay kadalasang binubuo ng cartilage at malambot na buto.
  • Nasal cavity. Ang nasal cavity ay isang guwang na organ sa likod ng ilong kung saan dumadaloy ang hangin.
  • Sinuses. Ang mga sinus ay mga guwang na organo din sa mga buto ng ilong. Sila ay puno ng hangin. Kung mayroong mucus sa kanila, ito ay maaalis sa nasal cavity.

Kung alam natin na may higit pa sa ating ilong kaysa sa panlabas na meatus maunawaan natin kung bakit posibleng maalis ang maliliit na bagay na naipit dito o nakabara sa lalamunan.

Para sa adults, ang pakiramdam na may nakabara sa pagitan ng ilong at lalamunan ay malamang na resulta ng hindi sinasadyang paglanghap ng maliliit na pagkain. Para sa mga bata, malamang, ang sitwasyon ay maaaring “sinadya.” Maraming mga bata ang talagang mausisa na sadyang magpasok ng mga bagay tulad ng mga butil at bato sa kanilang ilong.

Ano ang Dapat Gawin Kung May Nakabara sa lalamunan at Ilong 

Kung sa tingin mo ay may nakabara sa lalamunan o ilong, maaaring makatulong ang sumusunod:

  • Iwasan ang pagsundot sa bagay. Sa ilang mga kaso, maaaring hindi makita ang isang naka-stuck na bagay at magiging napaka-tempting na kalikutin ito. Iwasang gawin iyon, lalo na gamit ang mga bagay tulad ng cotton buds. Ang pagkalikut ay lalo lamang mapanganib na itulak pa ang bagay papasok sa ilong.
  • Huwag subukang “singhutin” ang bagay. Ang pagsinghot ng bagay sa pag-asang “malunok” ay maaaring hindi makatulong. Ang tamang gawin ay huminga muna sa iyong bibig hanggang sa maalis ang bagay. 
  • Dahan dahang suminga.Kapag may nabara sa pagitan ng ilong at lalamunan, ang pinakamahusay na paraan ay suminga nang napakarahan. Huwag suminga nang malakas at hindi sa paulit-ulit na paraan. Isara ang hindi apektadong butas ng ilong sa pamamagitan ng paglalapat ng bahagyang pressure dito.Pagkatapos, magpatuloy sa dahan-dahang pagsinga.
  • Kung magagawa mo, alisin ang bagay gamit ang tweezers o tiyani. Minsan, kung ano man ang nakabara sa ilong ay makikita. Subukang tanggalin ito sa pamamagitan ng paggamit ng tweezers kung ito ay sapat na malaki. Kung sa tingin mo ay lalong matutulak paloob, huwag mo itong pilitin.
  • Pumunta sa ospital. Kung nasubukan mo na ang mga pamamaraan sa itaas at pakiramdam mo ay may nabara sa pagitan ng ilong at lalamunan, pumunta sa ospital. 

Ano ang Dapat Gawin Kapag Nangyari Ito sa Mga Bata?

Masasabi sa iyo ng mas matatandang mga bata na may nakabara sa pagitan ng ilong at lalamunan, ngunit kadalasan ay hindi ginagawa ng mga nakababata. Masasabi mo kapag may nabara sa ilong ng bata kung sila ay:

  • Nahihirapang huminga sa isa sa mga butas ng ilong
  • Mga reklamo ng pangangati o masakit na ilong
  • Patuloy na tumuturo sa ilong
  • May dugo o mabahong nasal discharge

nakabara sa lalamunan

Pangunang lunas para sa mga batang may bagay na nakaipit sa ilong

Alamin kung ano ang nakabara

Kapag napansin mo na may nakabara sa pagitan ng ilong at lalamunan ng bata, subukang alamin ang bagay. Tanungin ang bata o ang kanyang mga kalaro. Karamihan sa mga bagay ay hindi agad seryoso, ngunit kung ito ay isang button na baterya, dalhin kaagad ang bata sa ospital. Ito ay dahil ang isang button na baterya ay maaaring magdulot ng mga paso at iba pang malubhang pinsala kapag iniwan kahit na ilang oras lamang. Kung hindi mo matukoy ang bagay, ituring itong isang emergency at dalhin ang bata sa ospital.

Aliwin ang bata upang pigilan ang kanyang pag-iyak

Kung mag-panic ang isang bata, maaari silang umiyak. Ang pag-iyak ay maaaring magresulta sa pag singhot, na katumbas ng paghinga sa pamamagitan ng ilong. Tandaan na mahalagang huminga sa pamamagitan ng bibig kapag may nakabara sa pagitan ng ilong at lalamunan. Kaya, pakalmahin  ang bata at paalalahanan na huminga sa pamamagitan ng bibig.

Tingnan kung ano ang nakabara

Paupuin ang bata at gawin ang visual inspection. Huwag masyadong mag-aksaya ng maraming oras sa hakbang na ito. Tingnan lamang kung ang bagay ay nakikita. Kung hindi ito nakikita, dalhin ang bata sa ospital.

Subukang tanggalin ang bagay

Kung nakikita mo ang bagay mula sa isang butas ng ilong, isara ang kabilang butas ng ilong at hilingin sa bata na huminga gamit ang bibig at pagkatapos ay suminga sa apektadong butas ng ilong. Tandaan na sabihin sa kanila na dapat silang suminga ng mahina. Kung ang hakbang na ito ay hindi gumana, iwasan ang paulit-ulit na pagsinga.

Gumamit ng tweezers o tiyani

Kung nakita mo na ang bagay at ito ay sapat na malaki para maalis ng tweezers, alisin ito nang dahan dahan. Kung ang bagay ay masyadong maliit, maaari mo lamang itong maitulak papasok. Ito ay delikado.

Pumunta sa Doctor

Kung ang bagay ay nananatiling nakabara, huwag nang maghintay pa. Pumunta sa ospital para ipasuri ang bata.

Mga Panganib at Komplikasyon

Kapag ang isang bagay ay nananatiling nakabara sa ilong, ang pangunahing alalahanin ay ang epekto nito sa paghinga. Kapag napansin mo ang alinman sa mga palatandaan sa ibaba, pumunta kaagad sa doktor:

  • Nahihirapang huminga
  • Kinakapos ng hininga kapag nagsasalita
  • Mabilis na paghinga
  • Pakiramdam mo ay hihimatayin ka na o mahihimatay

Bukod dito, ang isang bagay na bumara sa ilong ay maaari ring magdulot ng impeksyon. Ang mga palatandaan ng impeksyon ay:

  • Sakit sa ilong o sa paligid nito, kung minsan ay umaabot sa cheekbones
  • Runny nose na may mabahong discharge; pwede ring may dugo
  • Pamamaga at pamumula sa paligid ng ilong
  •  “stuffy” feeling

Kapag may nabara sa pagitan ng ilong at lalamunan at naalis mo ito, tandaan na kailangan mo pa ring suriin ang iyong sarili o ang bata. Kung nagkakaroon ka ng pagdurugo, abnormal discharge, at mga pantal sa ibaba ng butas ng ilong, pumunta sa doktor. Parehong bagay kung nakakaramdam ka ng pressure sa sinuses.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Foreign object in the nose: First aid, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid/basics/art-20056610#:~:text=Blow%20out%20of%20your%20nose,easily%20grasp%20it%20with%20tweezers., Accessed June 25, 2020

What to do when your child has something stuck up their nose, https://www.health.qld.gov.au/news-events/news/what-to-do-when-your-child-has-something-stuck-up-their-nose, Accessed June 25, 2020

Foreign body in the nose, https://medlineplus.gov/ency/article/000037.htm, Accessed June 25, 2020

Foreign Body in Nose, https://www.southlakeent.com/services-procedures/pediatric/nose/foreign-body-in-nose, Accessed June 25, 2020

Anatomy and Physiology of the Nose and Throat, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anatomyandphysiologyofthenoseandthroat-90-P02027, Accessed June 25, 2020

Objects in the nose, https://www.healthdirect.gov.au/objects-in-nose, Accessed June 25, 2020

Foreign Bodies in the Ear, Nose, and Throat, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=foreign-bodies-in-the-ear-nose-and-airway-90-P02035, Accessed Sept. 8, 2021

Foreign Bodies in the Ear, Nose, and Throat, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=90&ContentID=P02035, Accessed Sept. 8, 2021

 

 

Kasalukuyang Version

04/11/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

5 Dapat Mong Gawin Kapag Tinamaan Ng Kidlat Ang Iyong Anak!

Safety sa Swimming Pool: Ano Ba Ito at Bakit Ito Mahalaga?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement