backup og meta

Paano Nagbabago ang Katawan Habang Tumatanda?

Paano Nagbabago ang Katawan Habang Tumatanda?

Mayroong ilang pagbabago na nangyayari sa loob ng katawan ng mga tao habang tumatanda. Kabilang dito ang cardiovascular system kung saan ang atherosclerosis, isang kondisyon kung saan ang mga daluyan ng dugo ay makitid at tumigas. Upang maunawaan kung paano nagbabago ang katawan habang tumatanda, dapat nating maunawaan kung ano ang nangyayari sa cellular level.  

Cellular na aspeto ng pagtanda

Ang mga connective tissue, na sumusuporta at nagbubuklod ng mga tissue at organ, sa katawan ay nagbabago na nagiging mas matigas. Bilang resulta, ang mga organ, daluyan ng dugo, at at mga daanan ng hangin ay nagiging mas matigas. Maaari itong makagambala sa paghahatid ng oxygen at nutrients sa pamamagitan ng katawan at sa pag-alis ng cellular waste. 

Ang muscle tissues ay nawawala rin ang kapal, isang proseso na kilala bilang atrophy. Karaniwan itong nangyayari kapag ang tissue ay hindi gaanong ginagamit.

Sa pangkalahatan, ang pinakamahalagang pagbabago sa katawan na nangyayari sa pagtanda ay kinabibilangan ng puso, baga, at bato. Karaniwang nauugnay ang mga ito sa pagkawala ng kanilang kakayahang umangkop sa o i-reverse ang mga pagbabago sa katawan. Halimbawa, ang puso ay may “reserbang kakayahan” na mag-pump out ng mas maraming dugo kung kinakailangan. Pero habang ang pasyente ay nagkakaroon ng atherosclerosis, ang puso ay kailangang magtrabaho nang doble. Bilang resulta, unti-unti itong nawawalan ng kakayahang tumbasan ang mga pagbabago sa blood pressure

Paano nagbabago ang katawan habang tumatanda (by system)

Ang mga sumusunod na seksyon ay magde-detalye ng maikli tungkol sa mga pagbabago sa katawan na nangyayari dahil sa pagtanda.

Puso at Circulatory System

Ang matandang puso ay mahinang puso. Sa paglipas ng panahon, maaaring maging makitid at matigas ang mga daluyan ng dugo. Ito ay maaaring maglagay sa mga tao sa panganib para sa heart problems at stroke. Ang mga pagbabagong nangyayari sa puso ng isang matanda ay sanhi ng paninigas ng malaking arterya na nagdadala ng dugo sa katawan. Ang cardiomyocytes (isang uri ng heart muscle cell) ay lumalaki dahil sa dobleng trabaho nito dulot ng paninigas ng arteries. Naiulat din ang pagkawala ng myocytes (muscle cell) habang tumatanda. At ito ay nangyayari parehong sa apoptosis (natural programmed cell death) at necrosis (kamatayan na dulot ng cell injury). Gayunpaman, ang kalusugan at functionality ng cardiovascular system ay maaaring mapanatili sa pamamahala ng stress, pisikal na aktibidad, balanseng diyeta, at sapat na pagtulog.

Mga Buto, Kasukasuan, at Kalamnan

Paano nagbabago ang katawan habang tumatanda? Ang mga buto ay may posibilidad na lumiit at nagiging hindi gaanong siksik, kadalasang nagiging mas mahina at madaling mabali habang tumatanda ang tao. Higit pa rito, ang pagtanda ay nagpapabagal din sa repair rate at ang posibleng kakulangan sa Vitamin D ay maaaring magpabilis ng bone loss. Dahil dito, mahalaga ang pagdaragdag ng calcium at bitamina D sa pagpapanatili ng density ng buto. Ang mga kalamnan ay may posibilidad din na atrophy, gayunpaman, ang regular na ehersisyo ay maaaring maiwasan o pabagalin ang prosesong ito.

Talagang bumababa ang muscle mass kaugnay sa timbang ng katawan ng mga 30 hanggang 50% sa mga matatanda. Bilang karagdagan sa muscle mass loss, bumababa rin ang kalidad ng muscle sa pagpasok ng taba at nag-uugnay na tissue sa old muscle.

Ang bituka (digestive system)

Ang digestive tract ay lubhang lumalaban sa paraan ng pagbabago ng katawan sa pagtanda. Bilang resulta, ang mga pagbabagong nagaganap dito ay kadalasang nauugnay sa pagbaba ng paggana at pagtaas ng pagiging sensitibo sa mga digestive disorder.  

Constipation ang pinakakaraniwang pagbabago sa mga matatandang pasyente. Maaari rin itong palalain ng mga gamot para sa mga kondisyon tulad ng diabetes o hypertension. Ang mga sumusunod ay iba pang mga pagbabago sa katawan: 

  • Ang bibig ay gumagawa ng mas kaunting laway at ang panga ay maaaring mas mahirapan sa pagnguya o paglunok.
  • Magiging mahina ang esophagus  habang ang esophageal sphincter ay mawawalan ng tensyon, na nagiging sanhi ng mga ito na madaling kapitan ng gastroesophageal reflux (GERD).
  • Ang connective tissue at panloob na lining ng tiyan ay nawawalan ng elasticity, na nagpapababa ng kakayahang labanan ang pinsala kapag napuno ito. Mayroon ding pagtaas sa panganib ng ulcers, dahil bumababa ang protective functions laban sa gastric acid.
  • Maaaring magkaroon ng lactose intolerance ang maliit na bituka dahil sa kakulangan sa lactase. Maaaring magkaroon din ng labis na paglaki ng bakterya, na nagpapababa sa pagsipsip ng mahahalagang nutrients tulad ng bitamina b12, iron, at calcium.
  • Ang malaking bituka ay nagpapabagal sa peristaltic movement, na nag-aambag sa constipation
  • Maaaring lumaki ang rectum dahil sa constipation.

Mga Bato at Pantog

Paano nagbabago ang katawan habang tumatanda? Habang tumatanda ang mga tao, maaaring humina ang elasticity ng pantog, kaya mas kailangan ang mas madalas na pag-ihi. Ang bladder muscles ay maaari ring humina, na nagiging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa pantog. Maaaring maging dahilan din sa urinary incontinence ang sobrang timbang, pinsala sa ugat, ilang partikular na gamot, at pag-inom ng caffeine o alkohol. 

Sa mga lalaki, ang enlarged prostate ay maaari ring mag-ambag sa pagkawala ng kontrol sa pantog at kahirapan sa pag-ihi. Higit pa rito, ang mga bato ay nawawalan ng mga tisyu, na nagpapababa sa bilang ng nephrons na magagamit upang i-filter ang waste material sa dugo. 

Maaaring mauwi sa urinary tract infections at chronic kidney disease ang mga pagbabagong ito sa mga bato at pantog. Upang labanan ito, maaari kang mag-practice ng pelvic floor exercises (Kegel exercises), iwasan ang mga sangkap na maaaring makairita sa pantog, at gawing madalas ang pagpunta sa banyo nang regular. 

Memorya at Cognition

Nagbabago ang functions ng memorya kapag nagkaroon ng neurons atrophy at ang utak ay nakakaranas ng pagbaba sa bilang ng mga neural na koneksyon. Ang volume ng utak ay bumababa ng ilang sentimetro taun-taon pagkatapos ng edad na 65. Ito ay maaaring dahil sa age-related brain dropout na may kaugnayan sa edad bilang resulta ng naka-program na cell death. Gayunpaman, ang procedural, primary, at semantic memory, ay well preserved sa pagtanda. Ang mga kasanayan, kakayahan, at kaalaman na labis na natutunan, mahusay na nasanay, at pamilyar, tulad ng bokabularyo o pangkalahatang kaalaman, ay nananatiling matatag sa pagtanda. 

Maaaring humantong sa mga pagbabago sa ugali ang mga pagbabagong ito. Pinaka-apektado ang bahagi ng utak na frontal cortex (verbal ability at executive functions tulad ng pagpaplano at pag-oorganisa), parietal cortex (visual-motor performance), at ang medial temporal area (pangmatagalang memorya). Ang aerobic exercise, tamang diyeta, at cognitive stimulation ay mahalaga sa paglaban kung paano nagbabago ang katawan habang tumatanda.

Iba pang mga aspeto kung paano nagbabago ang katawan habang tumatanda

  • Maaaring nahihirapan ang mga mata na mag-focus sa mga malalapit na bagay (farsightedness). Ang mga matatanda ay maaaring mas sensitibo sa liwanag at nahihirapang makakita sa mahinang ilaw. Gayunpaman, sila ay maaaring mas tumpak sa paghusga ng mga distansya kaysa sa mga nakababata. Ang kakayahang makilala ang mga pamilyar na bagay at mukha ay nananatiling matatag sa pagtanda. Ang visual impairments ay dahil sa mga pagbabago sa kalinawan ng paningin, habang tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng mga katarata
  • Maaaring magbago ang mga tainga habang tumatanda at maging hindi gaanong sensitibo sa high frequency na mga tunog.
  • Mas madaling kapitan ng pagkabulok at impeksyon ang mga ngipin dahil sa pag-urong ng gilagid.
  • Ang balat ay maaaring mawalan ng elasticity at maging maluwag, na nagiging mas marupok at madaling mapinsala. Habang ang level ng fatty tissue sa ilalim ng balat ay bumababa sa paglipas ng panahon. At ang superficial blood vessels ay nawawala ang cushion. Bilang resulta, ang maliliit na epekto ay maaaring humantong sa pasa. Kasama sa iba pang mga benign changes  ang mga wrinkles at skin tags.

Key Takeaway

Kung paano nagbabago ang katawan habang tumatanda ay iba’t iba sa bawat tao. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa cellular na aspeto ng pagtanda, malinaw nating makikita kung paano naaapektuhan ng pagtanda ang bawat bahagi ng katawan at organs. 

Matuto pa tungkol sa Healthy Aging dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Aging: What to expect, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/healthy-aging/in-depth/aging/art-20046070, Accessed on November 23, 2020.

Aging changes in organs, tissues, and cells, https://medlineplus.gov/ency/article/004012.htm, Accessed on November 23, 2020.

How does the gastrointestinal system change with age, https://www.radiology.ca/article/how-does-gastrointestinal-system-change-age, Accessed on November 23, 2020.

Aging changes in the kidney and bladder, https://medlineplus.gov/ency/article/004010.htm#:~:text=Aging%20increases%20the%20risk%20of,Chronic%20kidney%20disease, Accessed on November 23, 2020.

Memory changes in older adults, https://www.apa.org/research/action/memory-changes, Accessed on November 23, 2020.

Normal cognitive aging, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4015335, Accessed on November 23, 2020.

Kasalukuyang Version

01/11/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Mapapanatili ng mga Nakatatanda ang Kanilang Kalusugan?

Paano Alagaan ang Matandang May Incontinence? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement