backup og meta

Paano Alagaan ang Matandang May Incontinence? Alamin Dito

Paano Alagaan ang Matandang May Incontinence? Alamin Dito

Ang incontinence, o ang kawalan ng kakayahang kontrolin ang bowel at bladder functions, ay isang pangkaraniwang problema sa mga matatanda. Ito ay hindi lamang maaaring maging problema ngunit maaari ring magdulot ng kahihiyan para sa mga taong hindi alam kung paano alagaan ang matandang may incontinence. Bagama’t karaniwan sa mga matatanda, maaaring magpahiwatig ng iba pang pinagbabatayan na sakit lalo na sa mga lalaki tulad ng mga problema sa prostate, impeksyon sa ihi, o kanser.

Ngunit bago natin pag-usapan kung paano alagaan ang matandang may incontinence, kailangan muna nating malaman kung bakit ito nangyayari.

Ano ang Elderly Incontinence?

Ang early incontinence ay tumutukoy sa kawalan ng pagpipigil na nangyayari habang tumatanda ang mga tao. Tunay ngang ito ay isang pangkaraniwang pangyayari para sa mga matatanda, ngunit hindi madalas na pinag-uusapan.

Para sa karamihan, maraming mga tao ang nakadarama nito ay isang pinagbabawal na paksa, at ang mga taong mayroon nito ay malamang na nahihiya tungkol dito. Ito ang dahilan kung bakit may mga matatandang tumatangging humingi ng tulong pagdating sa kanilang incontinence.

Karagdagan na dahilan kung bakit mahalaga ang pag-alam kung paano alagaan ang matandang may incontinence ay napabubuti nito ang kalidad ng buhay ng isang matanda. Gayundin, maililigtas sila nito mula sa maraming kahihiyan.

Ngunit bakit karaniwan na ang incontinence sa mga matatanda?

Ano ang Sanhi ng Early Incontinence?

Mayroong ilang mga dahilan kung bakit ang mga matatanda ay kadalasang nakararanas ng incontinence.

Para sa karamihan, habang tumatanda ang mga tao, nagsisimula nang humina ang kanilang mga pelvic floor muscles. Ang mga kalamnan na ito ang responsable sa pagkontrol ng pag-ihi at pagdumi ng isang tao. Nagpapahirap sa mga tao ang pagkakaroon ng mas mahinang pelvic floor muscles dahil nahihirapan sila kontrolin ang kanilang pantog at bituka, na humahantong sa incontinence.

Ang mga nerve problems na nagreresulta mula sa mga malalang kondisyon tulad ng multiple sclerosis, diabetes, at Parkinson’s disease  ay nakaaambag din sa pagkakaroon ng incontinence.

Bukod pa rito, ang mga tao sa mga huling yugto ng dementia o Alzheimer’s disease ay nagkakaroon ng incontinence bilang sintomas. Ang kondisyong ito ay napapansin din sa mga pasyenteng may mga neurological problems, spinal problems/trauma, at sa mga gumagamit ng mga partikular na gamot.

Ang lahat ng mga salik na ito ay nag-aambag sa mga matatanda na mas madaling magkaroon ng incontinence kumpara sa mga nakababata. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman nila, gayundin ng kanilang mga tagapag-alaga kung paano alagaan ang matandang may incontinence. 

Paano Alagaan ang Matandang May Incontinence?

Narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa elderly incontinence:

Uminom ng mas kaunting tubig sa gabi

Kadalasan, ang mga aksidente na sanhi ng incontinence ay nangyayari habang natutulog. Kaya ang pinakatuwirang paraan upang maiwasang mangyari ito ay ang pag-iwas sa pag-inom ng tubig bago ang oras ng pagtulog.

Magiging mainam kung ang kanyang huling pag-inom sa buong araw ay isang oras bago siya matulog. Makatutulong din kung papupuntahin mo ang matanda sa banyo bago matulog upang matiyak na walang laman ang kanyang pantog.

Subukang magbawas ng timbang 

Ang pagiging overweight ay maaaring humantong sa paghina ng mga pelvic floor muscles, na siya namang humahantong sa incontinence. Ito ay dahil ang dagdag na timbang ay nag-aambag sa mas maraming strain laban sa pelvic floor na nagpapahina dito. Ang hindi pangkaraniwang bagay na ito ay karaniwan din sa mga buntis na ina.

Upang maiwasang mangyari ito, magandang ideya na tulungan ang matandang magbawas ng timbang. Ang pagbabawas ng timbang ay hindi lamang nakatutulong sa incontinence, pinapabuti rin nito ang iyong pangkalahatang kalusugan.

Tumigil sa paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay naiugnay sa mas mataas na panganib ng stress inconetinence. Ang stress incontinence ay nangyayari kapag ang ihi ay tumutulo bilang resulta ng ehersisyo, pagtawa, pag-ubo, pagbahing, o pagbubuhat ng mabibigat na bagay.

Kung ikaw ay nag-iisip kung paano alagaan ang matandang may incontinence, maaari mo siyang patigilin sa paninigarilyo. Dagdag pa rito, ito ay nagpapababa rin ng panganib ng isang tao na magkaroon ng kanser sa baga, sakit sa puso, gayundin ng iba pang mga cardiovascular diseases. Sa pangkalahatan, ang pagtihgil sa paninigarilyo sa lalong madaling panahon ay isang magandang ideya. 

Iwasan ang pag-inom ng caffeine at alkohol

Ang caffeine at alkohol ay diuretics. Ito ay nangangahulugan na pinapataas nila ang iyong urine production, at para sa mga taong may incontinence, ito ay isang malaking problema

Kung nagdurusa ang matanda sa incontinence, mainam na iwasan ang pagbibigay ng labis na caffeine o alkohol. Sa halip, isaalang-alang ang pag-inom niya ng tubig o fresh fruit juice upang ma-rehydrate ka at ma-energize.

Subukang iwasang ang pilit na pagtae

Maraming tao ang may posibilidad na pilitin ang kanilang sarili kapag sila ay tumatae. Ito ay maaaring dahil sa pagkakaroon ng constipationi, o maaaring nasanay lang silang gawin ito.

Gayunpaman, ang sobrang straining ay maaaring makapagpahina sa pelvic floor muscles, na maaaring maging sanhi ng incontinence.

Maaari mong pagaanin ito para sa matanda sa pamamagitan ng pag-alok at pagbigay sa kanya ng diyeta na mataas sa fiber upang maiwasan ang constipation. Ito ay isang mahalaga at epektibong tip, lalo na kapag inaalam mo pa lang paano alagaan ang matandang may incontinence. 

I-praktis ang timed voiding

Ang timed voiding ay karaniwang pag-iiskedyul kung kailan pupunta sa banyo. Nakatutulong ang pamamaraang ito sa incontinence dahil nagkakaroon ang isang tao ng mas mahusay na kontrol sa kanyang pantog.

Maaari mong simulan ang pag-time na pag-ihi ng matanda sa pamamagitan ng pag-ihi sa isang nakatakdang iskedyul, at pagkatapos ay unti-unting pagtaas ng oras sa pagitan ng kanyang mga pag-ihi habang nagiging mas mahusay ang kanyang pagkontrol.

Nakatutulong din ito na maiwasan ang mga aksidente na mangyari, kaya sa kabuuan, magandang bagay na subukan.

Kegel exercises

Panghuli, ang isang magandang tip sa kung paano alagaan ang matandang may incontinentence ay ang pagsasagawa ng mga kegel exercises. Ang mga kegel exercises ay maaaring gawin ng parehong kalalakihan at kababaihan.

Ito ay isang uri ng ehersisyo na nakatutulong na palakasin ang pelvic floor. Kung hindi mo alam, ang mga pelvic floor muscles ay ang mga muscles na ginagamit mo kapag sinusubukang pigilan ang pag-ihi, o kapag sinusubukang pigilan ang pag-utot. 

Upang maisagawa ng mga ehersisyong ito, kailangan lamang i-contract ng matanda aang kanyang pelvic floor muscles at manatili ito sa posisyon na iyon nang hindi bababa sa tatlong segundo. Pagkatapos ng nasabing oras, maaari na niyang bitawan ang naturang posisyon. Kailangan niya itong ulitin nang hindi bababa sa tatlong beses upang makumpleto ang isang set. Mainam na gumawa siya ng 10 repetitions ng kegel exercises sa araw-araw.

Ito ay dapat makatulong na palakasin ang kanyang pelvic floor muscles at pigilan siya mula sa kahirapang dulot ng incontinence.

Key Takeaways

Pagdating sa mga isyu tungkol sa kung paano haharapin ang incontinence sa matatanda, dapat itong matugunan nang may pasensya at pag-unawa. Kung ikaw ay nagdurusa mula sa kondisyon o isang mahal sa buhay, pinakamahusay na harapin ito nang hindi nahihiya. Nangyayari ang mga aksidente at may mga paraan upang makatulong na mabawasan ang mga pagkakataon ng incontinence sa hinaharap.

Alamin ang iba pa tungkol sa Pagtanda ng Katawan dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Urinary Incontinence in Older Adults | National Institute on Aging, https://www.nia.nih.gov/health/urinary-incontinence-older-adults, Accessed July 22 2020

Caring for Someone with Incontinence: Emotional and Social Issues | Family Caregiver Alliance, https://www.caregiver.org/caring-someone-incontinence-emotional-and-social-issues, Accessed July 22 2020

Helping with personal care and elderly incontinence, https://www.elder.org/care-guides/care-at-home-for-the-elderly-a-guide-for-caregivers/care-at-home-dealing-with-elderly-incontinence/, Accessed July 22 2020

7 Tips to Reduce the Stress of Incontinence Caregiving | Caregiver Stress, https://www.caregiverstress.com/illnesses-conditions/7-tips-reduce-stress-incontinence-caregiving/, Accessed July 22 2020

5 ways to dodge incontinence – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/5-ways-to-dodge-incontinence, Accessed July 22 2020

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Mapapanatili ng mga Nakatatanda ang Kanilang Kalusugan?

Paano Nagbabago ang Katawan Habang Tumatanda?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement