backup og meta

Heto ang A-D Approach sa Vitamins Para sa Senior Citizen

Heto ang A-D Approach sa Vitamins Para sa Senior Citizen

Hindi na bago ang marinig na ang mga tao ay nangangailangan ng mga bitamina at mineral upang madagdagan ang kanilang nutrisyon at mapalakas ang kanilang kalusugan. Ang mga ito ay nakatutulong na ma-supercharge ang tao ng tamang dami ng enerhiya na kailangan nila, lalo na ang mga higit sa 60 taong gulang. Alamin mula sa artikulong ito ang angkop at inirerekomendang mga vitamins para sa senior citizen upang mamuhay nang malusog at matagal.

Habang tumatanda ang mga tao, mas dumarami ang mga pangangailangan sa nutrisyon upang mapanatiling malakas at malusog ang katawan. Ito ay nagpapahiwatig na ang isang diyeta na dating sapat ay maaaring hindi na sapat upang makasabay sa mga pagbabagong nagaganap sa katawan. Sa katunayan, ang mga nakatatanda ay dapat bantayan upang matiyak na ang kanilang mga katawan ay nakakukuha ng wasto at kinakailangang dami ng nutrisyon sa araw-araw.

Vitamins para sa Senior Citizen

Para matulungan ka sa pagpili ng kakainin at idagdag sa iyong diyeta, narito ang ilang vitamins para sa senior citizen:

Vitamin A

Ang vitamin A ay ang pinakakaraniwang uri ng bitamina. Higit pa sa pagpapanatili ng normal at magandang paningin, ito rin ay susi para sa paggana ng immune system.

Ang mga vitamins para sa senior citizen tulad nito ay maaaring makita sa mga kinakain mo tulad ng atay, mga karot, kamote, kalabasa, at maging ang broccoli. Maaari ring maglaman ng naturang bitamina ang iba pang mga dairy products, itlog, keso, fortified cereals, at skim milk.

Vitamin B12

May iba’t ibang mga function sa katawan ang iba’t ibang uri ng bitamina at ito ay kinabibilangan ng isa o higit pa sa mga sumusunod:

  • Tulong sa pag-break down ng enerhiya ng pagkain.
  • Tulong sa pagbuo ng mga red blood cells.
  • Pagpapanatili ng kalusugan ng mga mata, balat, at maging ang nervous system. 

Ang vitamin B12 deficiency ay karaniwan sa mga matatandang tao. Ito ay mahalaga para sa synthesis ng mga red blood cells pati na rin ang nerve function. Habang tumatanda ang mga tao, ang tiyan ay gumagawa ng mas kaunting gastric acid, na ginagawang mas mahirap ang B12 absorption.

Nararapat na kumain ng mga karagdagang pagkain na mataas o pinalakas sa partikular na bitamina na ito.

Ang ilan ay ang mga sumusunod:

  • Itlog 
  • Isda
  • Atay ng baka
  • Clams at iba pang seafood
  • Pulang karne 
  • Manok 
  • Yogurt 
  • Gatas
  • Iba pang fortified food

Maaari ring magrekomenda ang iyong doktor ng supplement na fix na angkop sa iyong pangangailangan.

Vitamin C

Ang vitamin C ay kilala bilang isang antioxidant na tumutulong sa paglaban sa iba’t ibang uri ng mga impeksyon at sakit.

Maaari mong makuha ang nutrisyon na ito mula sa pagkain ng alinman sa mga sumusunod na prutas o gulay:

Vitamin D

Ang calcium absorption ay nangangailangan ng presensya ng vitamin D. Maaaring lumala sa edad ang kakayahan ng balat na maisama ang vitamin D. Ang exposure sa araw at ilang produkto, tulad ng fortified milk, cereal, o juice, fatty fish, at itlog, ay nagbibigay ng vitamins para sa senior citizen.

Ang mga lalaki at babae sa pagitan ng edad na 51 at 70 ay kailangang magkaroon ng hindi bababa sa 15 mcg (600 IU) araw-araw. Ngunit, hindi ito dapat higit sa 100 mcg bawat araw (4,000 IU). Para sa mga nasa edad 70, maaari mong isaalang-alang ang pagkakaroon ng hindi bababa sa 20 mcg (800 IU) hanggang 100 mcg (4,000 IU).

Ang iba pang mga mineral na maaaring isama ng mga matatanda ay magnesium, calcium, protein, potassium, iron, pati na rin ang zinc.

Key Takeaways

Ang mga bitamina ay gumaganap ng iba’t ibang mga function sa loob ng katawan upang mapanatili itong maayos at naaayon. Tinutulungan ka ng ilang bitamina na labanan ang mga impeksyon at panatilihing malusog ang iyong mga nerves. Samantala ang iba ay maaaring makatulong sa pagtunaw ng pagkain o normal na pamumuo ng iyong dugo.
Ang pagkonsumo ng mga mineral at vitamins para sa senior citizen upang mabawasan ang panganib ng mga isyu sa kalusugan. Kabilang dito ang sakit sa puso, mataas na kolesterol, altapresyon, pagkawala ng buto at osteoporosis, at diabetes, at iba pa.
Siguraduhing bigyang ang iyong sarili ng lahat ng mga bitaminang ito (mula sa vitamin A hanggang vitamin D) upang ma-enjoy ang mas magagandang mga araw sa hinaharap.

Alamin ang iba pa tungkol sa Nutrisyon para sa Matatanda dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vitamins and Minerals for Older Adults, https://www.nia.nih.gov/health/vitamins-and-minerals-older-adults Accessed October 21, 2021

Vitamins for Older People, https://www.ageuk.org.uk/information-advice/health-wellbeing/healthy-eating/vitamins-for-older-people/ Accessed October 21, 2021

Supplements and Vitamins for the Elderly, https://www.elder.org/care-guides/elderly-mobility-and-independence/supplements-and-vitamins/ Accessed October 21, 2021

Eating Well for Older Adults: Knowing the Essential Vitamins and Minerals Is Key, https://www.lmh.org/news/2016-news/eating-well-for-older-adults-knowing-the-essential-vitamins-and-/ Accessed October 21, 2021

Vitamins & Mineral for Older Adults, https://extension.sdstate.edu/vitamins-minerals-older-adults Accessed October 21, 2021

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Diet Para Sa Matanda: Ito Ang Mga Dapat Kainin

Nakatutulong ba ang Masustansyang Pagkain para sa Dementia?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement