Ang nutritional requirements ng isang malusog na young adult ay hindi katulad ng isang diabetic. Gayundin, malaki ang pagkakaiba sa matatandang may diabetes. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa pagkain ng matatandang may diabetes.
Diyeta para sa mga Matandang May Diabetes: Challenges
Upang mas maunawaan mo kung gaano naiiba ang diyeta para sa mga matatandang may diabetes, kailangang maunawaan ang nutritional challenges na kinakaharap nila sa pagtanda. Ang ilan sa mga hamon na ito ay kinabibilangan ng:
- May mas mataas na panganib sila para sa iba pang health conditions, partikular ang cardiovascular diseases.
- Pagbaba ng metabolismo dahil sa kumbinasyon ng mga dahilan, gaya ng pagbaba ng lean body mass at kakulangan ng pisikal na aktibidad.
- Kahirapang makamit o mapanatili ang pinakamainam na timbang ng katawan.
- Mga isyu sa eating habits dahil sa mga pagbabago sa gana, paghihigpit sa kinakain, kalungkutan at depresyon, at economic factors.
- Ang mga pagbabago sa kanilang eating habits ay maaaring mangahulugan na ang kanilang mga gamot ay hindi na angkop para sa kanilang pagkain at timbang. Pinatataas nito ang kanilang panganib ng hypoglycemia.
Tandaan na ang challenges na ito ay may direktang epekto sa kanilang nutritional needs
Ang Mga Simpleng Rules Para sa Malusog na Pagkain ng Matatandang May Diabetes
Ngayon na may ideya ka na kung bakit iba ang nutritional requirements ng matatandang may diabetes, suriin natin mabuti ang kanilang diyeta.
Kung ikaw ay older adult na may diabetes, sinasabi ng mga eksperto na maaari kang magkaroon ng healthy at balanced diet kung susundin mo ang rules na ito:
-
Makipagtulungan sa Iyong Doktor o Dietician
Ikaw ba ay nag-i-insulin shots? Kung oo, tandaan na ang carbohydrate intake mo at dapat tugma sa iyong insulin. Kapag masyadong maraming carbs, maaaring hindi gumana nang maayos ang insulin mo. Kung masyadong kaunti, maaaring bumaba ang sugar level mo.
Ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung mayroon kang tamang dami ng carbs sa iyong diyeta ay ang makipagtulungan sa iyong doktor, dietitian, o nutritionist. Makakatulong sila sa pagsasama-sama ng isang appropriate meal na tumutugma sa iyong:
- Katayuan sa kalusugan at pinagbabatayang mga kondisyon
- Mga Gamot
- Antas ng aktibidad
- Weight goals
-
Huwag Tanggalin ang Taba
Sa kabila ng hype sa mga produktong “fat-free“, binibigyang-diin ng mga doktor na ang taba ay mahalaga sa pagkain ng matatandang may diabetes.
Ang diet na puro fat-free items ay maaaring humantong sa mababang blood sugar levels. At maaari kang makaramdam ng gutom sa pagitan ng bawat meals.
Sa halip na alisin ang taba, baguhin ang iyong sources. Pumili ng healthy fats mula sa nuts, olives, o avocados, at iwasan ang saturated at trans fats.
-
Lean Sources vs. Processed Meats
Bukod sa sapat na taba mula sa mahusay na sources, ang pagkain ng matatandang may diabetes ay dapat na binubuo ng mga walang taba na may protina.
Low-fat na isda at skinless poultry ang mahusay na sources ng protina. Paminsan-minsan maaari rin ang mas malaman na karne ng baka.
Panghuli, tandaan na dapat mong iwasan ang mga naprosesong pagkain dahil kadalasang naglalaman ang mga ito ng added salts, fats, sugars, o preservatives.
-
Piliin ang Whole Grains kaysa sa Refined Food
Ang pagkain ng matatandang may diabetes ay hindi walang kanin, pasta, o tinapay — kailangan mo lamang piliin ang iba’t ibang uri ng whole grains sa halip na ang mga refined.
Ang clue mo ay ang kulay ng produkto. Kung ito ay puti (pasta, harina, kanin, o tinapay), refined o pino ito. Kung ito naman ay brown, malamang na gawa ito mula sa whole grains. Gayunpaman, huwag kalimutang suriin ang label.
-
Mahalaga rin ang iba pang bagay
Ang pagkain ng matatandang may diabetes ay hindi nangangailangan ng matamis na inumin o maalat na pagkain. Dapat itong may sapat na fiber, vitamins, at minerals.
Madaling makakuha ng fiber, vitamins at minerals kung ang diet mo ay mayaman sa iba’t ibang prutas at gulay.
Key Takeaway
Maliban sa mga pagpipiliang pagkain, tandaan na ang kontrol sa dami ng kinakain ay mahalaga, lalo na ang carb intake. Kung kailan at gaano kadalas ka kumain ay isa ring kritikal na aspeto upang talakayin sa iyong doktor. Kung mayroon ka pang mga katanungan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider.
Matuto nang higit pa tungkol sa Nutrition for Aging dito.
[embed-health-tool-bmi]