backup og meta

Bakit Mahalaga ang Fitness Motivation? Alamin ang Kasagutan Dito

Bakit Mahalaga ang Fitness Motivation? Alamin ang Kasagutan Dito

Ang pagkamit at pagpapanatili ng mga fitness goals ay isang hamon. Ito ay dahil sa parehong pisikal at mental na aspeto ng pag-eehersisyo. Madaling masiraan ng loob kung hindi natin nakikita ang mga resulta ng ating mga pagsisikap nang mabilis hangga’t gusto natin. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang bawat isa ay umuunlad sa kanilang sariling bilis at ang isang malaking salik sa fitness success ay ang pagpapanatili ng motibasyon sa iyong sarili. Sa artikulong ito, tinatalakay natin kung bakit mahalaga ang fitness motivation.

Bakit Mahalaga ang Fitness Motivation?

Ang isang paraan upang mapanatili ang fitness motivation ay ang paggamit ng self-determination theory (SDT). Makatutulong ito sa iyo na maunawaan ang ugnayan sa pagitan ng motivation at mga fitness outcomes. Ang SDT ay isang malawak na framework s para sa pag-aaral ng motibasyon at personalidad ng tao. Tinitingnan nito ang mga kondisyon na nakaaapekto sa karanasan at pag-unawa ng isang tao sa kakayahan, awtonomiya, at pagiging maaasahan.

Sa pagtingin sa mga empirical studies sa kaugnayan sa pagitan ng SDT at physical fitness, matutukoy natin ang mga salik na maaaring negatibong makaapekto sa ating fitness motivation. Ang dalawang salik na ito ay (1) kawalan ng interes sa pag-eehersisyo, gayundin sa mga kinalabasan at epekto nito sa buhay at pangkalahatang kalusugan ng isang tao, at (2) mababang kumpiyansa sa mga pisikal na aktibidad dahil sa mga pakiramdam ng pagiging incompetent na maging fit. Ang kawalan ng interes at kumpiyansa sa sarili ay madaling makaunsyami ng fitness journey at magpahirap sa atin na makamit ang ating mga layunin.

Buti na lang, maraming mga bagay na maaaring tumabla sa mga negatibo at de-motivating na mga salik na ito. Ang paghihikayat mula sa mga kaibigan at pamilya, therapy, at pagtatakda ng maliliit ngunit posibleng makamit na mga layunin ay ilan lamang sa mga bagay na makatutulong sa iyong mapaalalahanan tungkol sa iyong mga layunin at ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang fitness motivation. Makatutulong din ang pagkakaroon ng isang lincensed fitness instructor na maaaring gumabay sa iyo sa iyong pag-eehersisyo.

Paggawa ng Sariling Fitness Routine

Magandang magkaroon ng workout routine para maabot ang mga layunin at mapanatili ang fitness motivation. Ang pinakamahusay at pinaka-maaasahang paraan upang lumikha ng isang workout routine (lalo na kung bago ka lang sa pag-eehersisyo) ay ang pagkonsulta sa isang licensed fitness instructor. Matutukoy nila ang pinakaligtas at pinakaepektibong workout para sa iyo batay sa antas ng iyong fitness at karanasan. Huwag kalimutang i-update ang iyong regular na gawain, dahil ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ay susi sa pagpapabuti ng physical fitness.

Maging tapat tungkol sa iyong mga kalakasan at kahinaan pagdating sa physical fitness. Ito ay makatutulong sa iyo at sa iyong fitness instructor na malaman ang pinakaligtas na ehersisyo na angkop para sa iyo. Para sa mga nagsisimula pa lamang, pinakamahusay na subukan muna ang light workout na maaaring i-singit sa iyong pang-araw-araw na iskedyul. Habang tumatagal, maaari mong dagdagan ang intensity o kahirapan ng iyong pag-eehersisyo. Tandaan lamang na gawin ito nang paunti-unti, dahil ang mabagal at tuluy-tuloy na mga improvements ay mas ligtas at mas sustainable.

Manatiling Motivated

Ang pagsisimula ng isang gawain at ang pagkanay sa habit na ito ay ang pinakamahirap na bahagi. Kung kaya, higit na dapat bigyang-diin kung bakit mahalaga ang fitness motivation. Paalalahanan ang iyong sarili ng iyong mga “why” upang matulungan kang manatiling committed sa ginagawa. Isulat ang mga rason at i-post ang mga ito sa isang lugar na madalas mong makita ang mga ito, tulad ng iyong salamin o pinto.

Kapag nagsisimula ka pa lang, pinakamahusay na ito ay simulan sa isang iskedyul na komportable ka. Inirerekomenda na ang mga indibidwal ay makakuha ng 150 minuto ng katamtamang ehersisyo (moderate exercise) o 75 minuto ng masiglang ehersisyo (vigorous exercise) sa isang linggo. Maaari mong planuhin ang iyong lingguhang mga pisikal na aktibidad upang makamit ang layuning ito. Magsimula nang dahan-dahan, at pagkatapos ay dahan-dahang buuin ang iyong routine upang hindi mapuspos ang iyong sarili.

Huwag kalimutang ihanda din ang iyong sarili para sa iyong pag-eehersisyo na may wastong warm-up at stretching. Mahalaga rin na bumuo ng malusog na mga gawi na nagtataguyod ng pangkalahatang kalusugan, dahil malaking salik ang mga ito sa pagkamit ng iyong mga layunin at pagpapanatili ng fitness motivation. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Ang isa pang tip ay ang magtatag ng isang listahan ng maliliit ngunit kongkreto at madaling makamit na mga layunin. Maaari itong maging napakaganyak upang regular na suriin ang mga item sa iyong listahan ng mga layunin, at makatutulong sa iyong subaybayan ang iyong mga improvements at bigyan ka ng sense of accomplishment. Maaari mong palaging i-update ang iyong listahan habang tinutupad mo ang bawat layunin.

bakit mahalaga ang fitness motivation

Epekto ng Fitness sa Motivation at Mental Health

Pagdating sa talakayan patungkol sa tanong kung bakit mahalaga ang fitness motivation, positibong nakaiimpluwensya sa maraming aspeto ang physical fitness sa iyong pangkalahatang kalusugan. Kabilang dito ang iyong kalusugang pangkaisipan. Ang ehersisyo at pisikal na aktibidad ay naglalabas ng mga happy hormones tulad ng dopamine, noradrenaline, at serotonin sa iyong system. Ang mga hormone na ito ay makatutulong sa iyo na mapanatili ang motibasyon hindi lamang sa fitness, kundi pati na rin sa iba pang aspeto ng iyong pang-araw-araw na buhay.

Key Takeaways

Ang kahalagahan ng fitness motivation ay hindi maaaring maliitin sa pag-eehersisyo. Ang mga bagay tulad ng kawalan ng kumpiyansa at paghahanda ay madaling makapipigil sa iyong makamit ng iyong mga fitness goals.
Kapag nagsisimula sa iyong fitness journey, tiyaking magtatag ng isang ligtas at mahusay na workout routine, panatilihin ang healthy habits, at magtakda ng kongkreto at maaabot na mga milestone. Pinakamainam na magtrabaho patungo sa steady at sustainable improvements. Kumunsulta sa isang doktor at lisensyadong fitness instructor bago magsimula sa isang bagong ehersisyo.

Alamin ang iba pa tungkol sa Fitness Motivation dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The exercise effect
https://www.apa.org/monitor/2011/12/exercise
Accessed November 20, 2020

Exercise, physical activity, and self-determination theory: a systematic review
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3441783/
Accessed November 20, 2020

Exercise and the brain: how fitness impacts learning
https://www.wgu.edu/heyteach/article/exercise-and-brain-how-fitness-impacts-learning1801.html
Accessed November 20, 2020

Principles of fitness development
https://www.edu.gov.mb.ca/k12/cur/physhlth/guidelines/section2.pdf
Accessed November 20, 2020

Fitness: tips for staying motivated
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/in-depth/fitness/art-20047624
Accessed November 20, 2020

Exercise and physical fitness
https://medlineplus.gov/exerciseandphysicalfitness.html
Accessed November 20, 2020

Self-determination theory overview
https://selfdeterminationtheory.org/theory/
Accessed November 20, 2020

Exercise benefits brain function: the monoamine connection
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4061837/
Accessed November 20, 2020

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Sisimulan ang Regular na Pag-ehersisyo? Alamin Dito!

Mga Tips Kung Paano i-motivate ang Sarili na Pumayat


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement