backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

14 Fit Parents Sa Instagram Na Binago Ang Depinisyon Ng ‘Mom Bod’ At ‘Dad Bod’

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD · General Practitioner


Isinulat ni Vincent Sales · a

    14 Fit Parents Sa Instagram Na Binago Ang Depinisyon Ng ‘Mom Bod’ At ‘Dad Bod’

    Marahil ay narinig mo na kung ano ang “dad bod” o “mom bod”. Subalit ano ang dad bod o mom bod? Ito ay ang pabilog na pisikal na itsura na sinasabing mas “madaling matamo” kaysa sa washboard abs o killer biceps. Bagama’t ang lahat ng hugis at laki ng katawan ay maganda, may ibang mga magulang na pinipili ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Sa kabila ng pagiging abala, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matamo ito.

    Ano ang dad bod? At ano ang mabuting side effect nito? Magandang pangangatawan. Pinag-iisipan mo na ba ang iyong fitness at health goals para sa 2022? Narito ang 14 na fit parents sa Instagram na nagpapatunay na ang pagiging fit at malakas ay posible sa kabila ng pagkakaroon ng anak. Magpaalam na sa inyong mom bod o dad bod! Alamin sa artikulong ito at kumuha ng inspirasyon!

    Ellen Adarna at Derek Ramsay

    Ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay ay talagang match made in heaven. Nagustuhan ng fans ang kanilang mga larawan at videos habang nag-eehersisyo at nagsasagawa ng acrobatic stunts na kakikitaan ng lakas ng kanilang mga hita, braso, at core.

    Tingnan ang kanilang mga larawan at videos dito.

    Jackie Go

    Nagugustuhan ng mga mambabasa ang ina at lifestyle blogger na si Jackie Go dahil sa kanyang effortless na style at ganda. Regular din niyang ibinabahagi ang kanyang workout routines, mga pagkaing kanyang kinakain, at iba pang kanyang ginagawa upang manatiling malusog bilang isang fitness enthusiast.

    I-follow siya rito.

    Danika Nemis at Luke Landrigan

    Kahanga-hanga ang toned and athletic physiques ng surfer couple na sina Danika Nemis at Luke Landrigan! Sila ay parehong may followers sa kani-kanilang social media dahil inaabangan ng kanilang fans ang kanilang buhay sa La Union at ang pagpapalaki nila sa kanilang anak na si Luna.

    I-follow sila rito.

    Marilen Montenegro

    Noong nasa 20s pa lamang si Marilen Faustino-Montenegro, siya ay isang model na may timbang na 115lbs at umiinom ng diet pills, na walang lean muscle. Ngayon, sa kanyang 40s, napakaganda pa rin ng hubog ng kanyang katawan. Ibinabahagi niya ang kanyang fitness journey sa kanyang followers. Gayundin, nagbibigay siya ng mga serbisyo bilang isang nutrition at fitness coach.

    Kilalanin pa siya rito.

    Ken at Louise Tan

    Ang mag-asawang coaching duo na sina Ken at Louise Tan ng Train With the Tans ay gumagawa ngayon ng pagbabago sa physical expectations. Mula sa pagiging payat na binata, kinaya ni Ken na magdagdag ng 70 lbs. Samantala, binago ni Louise ang kaisipan kaugnay katawan matapos manganak. Ito ay dahil napanatili niya ang magandang pangangatawan habang buong pagmamalaking ipinakikita ang kanyang stretch marks.

    I-follow sila rito.

    Sheilla Gagui

    Pinatutunayan ni Sheilla Gagui na siya ay isang inspirasyon sa nakararami. Malaking hamon ang kinaharap ni Sheilla na matagal ng triathlete nang ma-diagnose siyang may cancer sa suso noong 2020. Hindi siya nito napigilang ituloy ang gamutan. Ngayon, siya ay nakararanas ng remission at patuloy na ginagawa ang kanyang makakaya sa pamamagitan ng pagsali ngayong taon sa Ironman event.

    Kilalanin pa siya rito.

    Dyan Castillejo

    Bilang dating tennis player, si Dyan Castillejo ay isa sa mga pinakakilalang sports reporters sa telebisyon. Sa edad 56, kahanga-hanga kung paano napananatili ni Dyan ang kanyang magandang pangangatawan. Napapanatili niya ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maraming sports at aktibidad tulad ng weight training at paglalangoy.

    Maging inspired at i-follow siya rito.

    Mayumi Toribio

    Si Mayumi Toribio ay isang fitness influencer at spinning instructor sa Saddle Row. Sa ngayon, hinahati niya ang kanyang oras sa Europa at Pilipinas. Subalit pinatutunayan niyang isa siyang tunay na beach babe sa pamamagitan ng kanyang kahanga-hangang swimsuit photos kasama ang kanyang nakatutuwang anak na si Nicholas.

    Kilalanin pa siya rito.

    Troy Montero at Aubrey Miles

    Lumayo man sa kasikatan ng showbiz sina Troy Montero at Aubrey Miles, walang duda na sila ay tunay na couple goals. Sila ay parehong kilalang sexiest stars noong 2000s. Kanilang pinatunayang walang nagbago sa kanilang pangangatawan simula noon dahil sa kanilang hilig sa fitness.

    I-follow sila rito.

    Philmar Alipayo

    Maraming nakakikilala kay Philmar Alipayo bilang asawa ni  Andi Eigenmann. Subalit sa katunayan, siya isang atletang kilala sa buong mundo. Si Philmar ay isang Pilipinong mahusay sa larangan ng surfing. Marami na siyang napanalunang surfing competitions, at patuloy siyang nagtuturo ng surfing sa kanyang bayan sa Siargao.

    Kilala siya rito.

    Hideo Muraoka at Fatima Rabago

    Dating mga modelo ang couple na sina Hideo Muraoka at Fatima Rabago. Ngayon, pinagsasabay nila ang mga responsibilidad ng pagiging negosyante at magulang sa kanilang mga anak na sina Danda at Kenzo. Subalit hindi ito naging hadlang upang sil ay maging aktibo at maingat sa kanilang paraan ng pamumuhay. Isang yoga teacher ngayon si Hideo. Samantala, si Fatima naman ay namamahala ng isang swimwear brand.

    I-follow sila rito.

    Victor Consunji

    Dod bod? Hindi! Kilala ang apelyido ni Victor Consunji bilang isa sa malalaking real estate developers sa bansa. Subalit higit pa sa pagiging tycoon si Victor; mahilig din siya sa adventure at matitinding sports. Tuwing bakanteng oras niya, abala siya sa training at outdoor activities.

    Kilalanin siya rito.

    Sam Adjani

    Ang dating Century Superbods winner na si Sam Ajdani ay patuloy nagiging isang fitness inspiration sa pamamagitan ng kanyang social media. Si Sam ay dalawang beses na naging cover star ng  Men’s Health at ngayon ay isang ama sa isang maliit na batang lalaki.

    I-follow siya rito.

    Culver Padilla

    Nagkaroon ng maraming online followers si Culver Padilla dahil sa kanyang training videos at motivational quotes na nagbibigay-inspirasyon sa mga tao na magkaroon ng mas malusog na paraan ng pamumuhay. Bilang isang ama, si Culver ay nagsasagawa rin ng regular na training kasama ang kanyang asawa na si Debbie.

    Kilalanin siya rito.

    Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Vincent Sales · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement