backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Maagang Senyales ng Breast Cancer na Dapat Mong Malaman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD · Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    Maagang Senyales ng Breast Cancer na Dapat Mong Malaman

    Ang cancer, ayon sa Department of Health (DOH), ay isa sa apat na hindi nakakahawang epidemya sa ating bansa. Itinuturing itong epidemya dahil nakakaapekto ito sa maraming tao. Sa website ng DOH, binanggit na 4 na Filipino ang namamatay kada oras dahil sa cancer. May kabuuan itong 96 deaths bawat araw. Ang breast cancer ang isa sa mga pinakakaraniwang uri ng cancer, lalo na sa mga kababaihan. Alamin kung ano ang maagang senyales ng breast cancer.

    Sa 2018 data ng Global Cancer Observatory, ang breast cancer ang may ikatlong pinakamataas na mortality rate, kasunod ng lung at liver cancer sa Pilipinas. Sa madaling salita, ang breast cancer ay ang pangatlo sa most deadly cancer sa ating bansa. Sinasabi ng mga eksperto na ito rin ang deadliest cancer sa mga kababaihan. Ang pinaka-nakababahala, ay mayroon din itong pinakamataas na incidence rate. Ibig sabihin ito ang may pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso.

    maagang senyales ng breast cancer

    Mariing sinasabi ng World Health Organization na ang maagang pagtuklas sa breast cancer ay mahalaga. Dahil pinapataas nito ang mga tyansa ng matagumpay na paggamot. 

    May dalawang bahagi ng early signs ng breast cancer. Ang isa ay edukasyon upang itaguyod ang maagang pagsusuri. Kabilang dito ang pagbabantay sa mga maagang senyales ng breast cancer. Ang pangalawa ay ang screening para sa breast cancer.

    Ang Maagang Senyales ng Breast Cancer

    Paano ko malalaman kung may breast cancer ako? Ang unang bagay na dapat mong suriin ay mga bukol. Ang mga bukol o masa sa suso ay isa sa mga unang senyales ng breast cancer. 

    Karaniwang hindi regular ang hugis, matigas, at hindi gumagalaw ang mga bukol ng breast cancer. Bilang karagdagan, ang mga ito ay halos walang sakit.  

    Karaniwang matatagpuan sa ilalim ng braso ang mga bukol ng breast cancer. Maari rin itong makaapekto sa mga lymph node. Dahil dito, ang mga pagbabago sa lymph node ay itinuturing ng mga doktor na unang senyales ng breast cancer.

    Sa huli, tanging doctor lamang ang maaaring makapagsabi ng katangian ng isang breast lump. Pero pwede mong gawin ang breast self-examination para suriin kung meron ka nito. Ngunit tandaan na ang self-examination ay hindi na itinuturing na isang tool sa diagnostic ng breast cancer.

    Bukod sa clinical examination, ang isang tiyak na pagsusuri ay isang biopsy kung saan ang mga sample ng tissue ay kinuha mula sa mga bukol na ito.

    Bukod sa bukol, may iba pang maagang senyales ng breast cancer na maaaring tingnan. Ang mga ito ay:

    Pamumula

    Isa sa mga unang senyales ng breast cancer ay pamumula ng balat. Siyempre, may iba pang dahilan kung bakit maaaring mamula ang balat. Kung wala kang makitang dahilan para sa pagbabago ng kulay, pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doctor. 

    Makapal o Scaly na Balat

    Ang balat sa dibdib ay dapat makinis, maliban kung mayroon kang congenital marking. Kapag ang isang bahagi ng iyong suso o ang buong suso ay naging makapal o nangangaliskis, maaaring early signs ito ng breast cancer. 

    Ang pangangapal ay pwedeng maiugnay sa edema o pamamaga. Nangyayari ito dahil maaaring hinaharangan ng cancer ang normal na daanan ng lymph o body fluids sa iyong suso.

    Irritation o Pangangati

    Bukod sa pagmamasid lang sa hitsura ng iyong mga suso, pakiramdaman din kung may mga pagbabago. Isa sa mga maagang senyales ng breast cancer ay kapag ang iyong suso ay nagiging makati o naiirita.

    Pero bago mag-alala, alamin muna kung may dahilan para sa pangangati. Kung wala, suriin ito sa iba pang mga sintomas. 

    Dimpling

    Ang skin “dimpling” ay kapag nakita mong umuurong o nahihila paloob ang balat ng iyong dibdib. Nangyayari ito dahil hinihila ng cancer ang suspensory ligaments na sumusuporta sa dibdib. 

    Retracting Nipples

    Nangyayari ang pag-urong ng mga utong kapag ang isa o parehong nipples ay “baliktad o paloob.” Inverted nipples ang tawag dito. Kadalasan, ito ay isang normal, karaniwang kondisyon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang ilang mga ina sa pagpapasuso. Pero, kung ito ay bago at paulit-ulit na sintomas para sa iyo, kumunsulta sa doctor.

    Abnormal Discharge

    Gatas lamang ang inilalabas ng nipples. Anumang abnormal na discharge ay isa sa maagang senyales ng breast cancer. Pumunta sa ospital kung may dugo.

    Masakit

    Kung nabangga mo ang isang bagay na matigas, ang pakiramdam ng pananakit ng dibdib ay normal. Pero kung nakakaramdam ka ng pananakit sa suso at utong ng walang dahilan, kumunsulta sa iyong doktor. Maaaring meron kang isa sa mga maagang senyales ng breast cancer.

    Pamamaga 

    Ang pamamaga ay maaaring mahirap matukoy sa simula, dahil ang mga suso ay hindi magkamukha. Pero, kung titingnan mo sa salamin at nakita na may isang bahagi o ang buong dibdib ay namamaga, agad na humingi ng medikal na tulong. Tinatawag din itong “peau d’orange” dahil ang balat ay nagsisimulang magmukhang balat ng isang orange.  

    Mahalagang humingi ng medikal na payo lalo na kung walang magandang dahilan kung bakit nangyari ang pamamaga. Sinasabi ng mga eksperto na maaaring may pamamaga kahit na walang nararamdamang anumang bukol.

    Pagbabago ng mga Hugis at Sukat ng mga Suso

    Lumaki ba ang iyong dibdib? Nagbago ba ang hugis ng isa o pareho sa kanila? Kung oo, may tyansa  na nararanasan mo ang isa sa mga early signs of breast cancer.

    Init

    Ang dibdib mo ay dapat may parehong temperatura tulad ng iba pang bahagi ng katawan. Kapag uminit ang iyong dibdib o bahagi nito, maaari itong maging sanhi ng pag-aalala. 

    Kung magkakaroon ka ng mga bukol o alinman sa mga nabanggit na maagang senyales ng breast cancer, huwag mataranta. 

    Maaaring warning signs ang mga ito, pero hindi ito sigurado hangga’t hindi pa nasusuri. Posibleng meron kang isang health condition kaya may mga sintomas. Tanging ang diagnosis ng doctor ang makapagpapatunay ng breast cancer.

    Key Takeaways

    Mabuti ang may kaalaman at matutong tukuyin ang mga maagang senyales ng breast cancer. Gawin ang self-breast examination nang regular. Obserbahan ang hitsura at “pakiramdam” ng iyong dibdib. May mga pagbabago ba? May tamang paliwanag ba para sa mga pagbabagong iyon? Ang pag-alam sa lahat ng mga ito ay makakatulong na mapagaan ang mga alalahanin mo. Kumonsulta sa iyong doktor para sa iba pang alalahanin.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    John Paul Abrina, MD

    Oncology · Davao Doctors Hospital


    Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement