backup og meta

Benepisyo ng Paglalakad: Ang Pag-asa sa Gitna ng Pagtaas ng Gasolina

Benepisyo ng Paglalakad: Ang Pag-asa sa Gitna ng Pagtaas ng Gasolina

Tumaas na ang gasolina, at bagaman inaasahan ang pagbaba at pagtaas nito, sa ngayon mas lalong tumaas ito. Sa katunayan, ang bansa ay nakararanas ng ika-12 na pagtaas ng gasolina sa taon. Para sa mga bumabyahe na may kotse, ito ay sakit sa ulo at sa bulsa. Ngunit gaya ng kanilang sinabi, may pag-asa sa mga ganitong pagkakataon. Ang pagtaas ng presyo ng gasolina ay maaaring magbigay-daan upang malaman ang benepisyo ng paglalakad at ibang paraan. Dito, tatalakayin natin ang mga benepisyo sa kalusugan na makukuha mula sa paglalakad – habang nakakatipid sa proseso.

Maglakad papuntang trabaho

Kung malapit lamang ang iyong bahay sa trabaho, ang paglalakad ay isa sa pinakamagandang bagay na magagawa sa kalusugan. Kahit na hindi malapit dito, ang paglalakad sa malapit na grocery ay may parehong epekto. Ito ay tunay para sa kahit na anong pisikal na gawain, ngunit ang paglalakad ang pinaka simpleng paraan ng pagkamit nito.

Ang benepisyo ng paglalakad

Ang paglalakad mula sa inyong bahay papuntang trabaho o paglalakad sa pagbili sa labas ay may mga advantages tulad ng:

  • Lumalaban sa genes na pandagdag timbang: Sinuri ng mga mananaliksik ang 32 obesity-promoting genes sa 12,000 na mga tao upang malaman kung paano sila nakapagdaragrag ng timbang. Napag-alaman nila na ang epekto ng genes ay bumababa sa kalahati ng mga tao na naglalakad ng kalahating oras kada araw.
  • Nagbabawas ng cravings sa matatamis: Nagpakita ang pag-aaral na ang 15 minuto ng paglalakad ay nakababawas ng sweets. Ito rin ay iniuugnay sa pagbawas ng dami ng matatamis na kinakain kapag stress.
  • Nagpapababa ng banta ng breast cancer: Kahit na anong pisikal na gawain ay nakababawas ng pagkakaroon ng breast cancer, ngunit ang benepisyo ng paglalakad ay mas mainam ang nagagawa. Napag-alaman ng pag-aaral na ang mga babae na naglalakad ng nasa 7 oras kada linggo ay may 14% na mas mababa ang banta ng pagkakaroon ng sakit kaysa sa mga naglalakad ng tatlong oras kada linggo. Ito ay tunay para sa mga may banta ng pagiging overweight at mga gumagamit ng supplemental hormones.
  • Nagpapabuti sa sakit ng kasukasuan: Nagpakita ang ebidensya na ang paglalakad nang kaunti ay nababawasan dahil sa arthritis, at maaaring maiwasan ang pagkakaroon nito. Ang paglalakad ay nakapag-eehersisyo sa kasukasuan, partikular na ang mga prone sa osteoarthritis, tulad ng sakit sa balakang at tuhod. Ang benepisyo ng paglalakad ay kasama ang lubrication ng kasukasuan at lakas ng muscles.
  • Nagpapalakas ng immunity. Ito ay pumoprotekta laban sa sipon at lagnat. Napag-alaman ng isang pag-aaral na ang mga taong naglalakad ng 20 minuto kada araw sa loob ng limang araw kada linggo ay 43% na bihirang magkasakit kaysa sa hindi masyadong nag-eehersisyo.

Benepisyo ng pagbibisikleta sa trabaho

Hindi lamang paglalakad ang paraan upang makapag-ehersisyo. Maraming mga tao ang pinipiling magbisikleta. Maliban sa pagbawas ng carbon footprint, ang pagbibisikleta ay may sariling benepisyo:

  • Ito ay low-impact na ehersisyo, mas kaunti ang pagod at injuries kaysa sa ibang porma.
  • Nawo-work out ang major muscle group ng katawan.
  • Hindi kinakailangan na malakas sa pisikal ang pagbibisikleta; karamihan ng mga tao ay natutuhan ang pagbibisikleta simula pa pagkabata.
  • Ito ay nagpapalakas ng stamina at aerobic fitness.
  • Ito ay masayang ehersisyo. Habang nagbibisikleta, mayroon kang pagpipiliang mas magandang ruta, na nagbibigay ng kasiyahan habang nasa labas.

Ang ibang benepisyo ay kabilang ang pagpapabuti ng kalusugan sa puso, nagpapabawas ng stress, nagpapabawas ng anxiety at depression, at nakaiiwas at nama-manage ang sakit.

Key Takeaways

Ang benepisyo ng paglalakad at pagbibisikleta ay labis pa sa pagbawas ng stress na dulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina. Sa halip na tumuon sa hindi paggamit ng sasakyan, tumingin sa mga magagandang bagay. Maaaring mapalitan ang iyong routine patungong pagiging mas malusog at makatitipid pa ng pera.

Matuto pa ng Fitness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

5 surprising benefits of walking, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/5-surprising-benefits-of-walking. Accessed 29 Mar 2022

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/cycling-health-benefits. Accessed 29 Mar 2022

Fuel prices rise for 12th time this year, https://www.philstar.com/business/2022/03/28/2170468/fuel-prices-rise-12th-time-year. Accessed 29 Mar 2022

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Basal Metabolic Rate? Heto Ang Dapat Mong Malaman

May Benepisyo Ba Ang Pagkakaroon Ng Abs? Let’s find out!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement