backup og meta

Basahin: Bakit Mahalaga ang Stretching?

Basahin: Bakit Mahalaga ang Stretching?

Ang stretching sa pinaka simple nitong kahulugan, ay pisikal na aktibidad na nagpapahaba sa mga muscle. Maging ito man ay para sa paglalaro o matapos ang Zumba, maraming tao ang nag-i-stretch upang lumuwag ang mga siksik na muscle. Ngunit, bakit mahalaga ang stretching sa katawan? Bukod sa pisikal, ano ang mga benepisyo nito sa isipan?

Bakit mahalaga ang Stretching 

Bago natin pag-usapan ang benepisyo sa isipan ng stretching, alamin muna natin ang epekto nito sa katawan.

Mas Bumubuti ang Flexibility 

Ang flexibility ay ang kakayahan ng katawan na igalaw ang mga kasukasuan sa ilang hanay ng paggalaw. Kung nais na suriin ang flexibility, maaari mong abutin ang paa sa pagbaluktot-paharap. Ikaw ay maaaring may matigas na mga muscle, kung hindi maabot ang daliri sa paa.

Kung walang stretching, ang mga muscle ay maaaring sumikip o umikli. Kung regular ang pag-stretch, maaaring mapabuti ang flexibility sa paglipas ng panahon. 

Habang nag-stretch, nadadagdagan ang synovial fluid na naglu-lubricate sa kasukasuan.

Nakatutulong sa Pagpapataas ng Efficiency 

Kung ikaw ay flexible, ang iyong laggalaw ay mas efficient dahil sa hindi malaking energy ang kinakailangan sa paggalaw. Ang stretching din ay nagreresulta sa pagpapataas ng koordinasyon ng katawan. 

Isipin ang isang tao na naninigas ang likod. Karaniwan ito gumagalaw nang mabagal dahil maging ang mga normal na paggalaw ay maaaring makasakit sa kanila. Lubos na napababa nito ang kakayahan ng tao sa paggalaw sa pang-araw-araw na gawain.

Nakatutulong sa Postura ng Katawan

Maraming tao ang hindi nakakaalam, ngunit ang stretching ay nakapagpapalakas sa mga muscle at nakakatulong na maihanay ito. Kung kaya, kasabay ng regular (mas maigi kung araw-araw) na stretching na pag-ehersisyo, maiiwasan sa postura ang pagyuko.

Ang Stretching ay Nakapipigil sa Injuries 

Karamihan sa mga atleta at gymnast alam ang kahalagahan ng stretching at nakatutulong sa pagpigil sa mga injury. 

May ilang tao na agad na nai-injury kung biglang gumalaw habang ang iba ay hindi naman nasasaktan. Ayon sa eksperto, ang injury ay nangyayari dahil sa mga muscle na “lumalaban”. 

Ang pagpapabuti ng flexibility, na nagpapataas sa saklaw ng paggalaw, ay makatutulong na bawasan ang paglaban ng muscle. Samakatuwid, ito ay makatutulong sa pagpigil sa injury.

Iniibsan ng Stretching ang mga Pananakit

Nakakaranas ka ba ng pananakit matapos ang mahirap o mabigat na ehersisyo, laro, o sports? Kung nakakaranas, maaaring gustohin ang mag-stretch pa upang mas mapalakas ang pagdaloy ng dugo sa mga muscle. Kung ang muscle ay mas makakatanggap ng mas maraming dugo, ang mga ito ay makakatanggap din ng mga sustansya. Ito ay makatutulong na paginhawain ang sakit. 

Karagdagan, matapos ang ehersisyo, makakaramdam ng kaunting pananakit dulot ng pagsikip ng muscle. Kapag nag-stretch, ang muscle ay mag “loosen up,” na tumutulong na mabawasan ang sakit.

Benepisyo sa Isipan ng Stretching 

Ngayon na nalaman na ang benepisyo ng stretching sa katawan, atin namang alamin ang benepisyo nito sa isipan

Nakatatanggal ng Stress  

Maraming sintomas ag stress, ngunit isa sa pinaka kapansin-pansin ay ang tensyon na pakiramdam sa mga muscle. 

Maaaring naranasan na ito: kapag may sitwasyon na stressful ang nangyari, makakaramdam ng tensyon sa isang bahagi o buong katawan. Kung ang pinagmulan ng stress ay nawala, nakakapag-relax at mas gumagaan ang paghinga. 

Sumasaklaw din sa kahalagahan ng stretching ang pagbabawas ng stress. Lubos na inirerekomenda ang yoga bilang ehersisyo, ito ay maraming stretch poses at isinasagawa upang pawiin ang stress at pagkabalisa.

Pinakakalma ang Isipan 

Maliban sa nababawasan ang stress, ang paglilinaw sa isipan ay isa sa mga benepisyo ng stretching. At ang benepisyong ito ay hindi nakukuha nang walang pagsisikap. 

Pinapayo ng mga eksperto na upang pakalmahin ang isipan habang sumasailalim sa stretching, kinakailangan na isama ito sa iba pang mga ehersisyo tulad ng meditation at mga technique sa paghinga. 

Ayon sa mga ulat, kung nais na magkaroon ng “new outlook” maaaring gawin ang stretching ng ilang minuto.

Nagpapabuti sa Pakiramdam

Pinakita ng pag-aaral na kapag nag-stretch ang katawan ay naglalabas ng endorphins, kilala rin bilang happy hormone. Hindi lamang nakakatulong ang endorphins sa pagpapaginhawa sa sakit, ngunit nagbibigay rin ito ng masayang pakiramdam. 

Isipin na tumatakbo. Matapos ng pagtakbo, ang distansya sa ginawang ehersisyo ay nagdudulot ng kasiyahan dahil sa may natapos na gawain. Pareho ito sa stretching.

Dulot sa Kalusugan ng hindi Pag-stretching 

Kung hindi regular ang stretching, maaaring maranasan ang kakulangan sa flexibility dulot ng limitadong saklaw ng paggalaw ng muscle. Ito ay hahantong sa ilang negatibong epekto tulad ng pananakit, inefficiency, at maging mga injury.

Ang iba pang epekto sa kalusugan ng hindi pag-stretching ay:

bakit mahalaga ang stretching

Magdudulot ng Paghina ng Kasukasuan 

Ayon sa doktor, upang mapanatili ang normal na kalusugan ng kasukasuan, ito ay nangangailangan ng sapat ng suplay ng dugo at sustansya. Karagdagan, ito ay nangangailangan ng buong saklaw na paggalaw. 

Bagaman maaaring mapabuti ang sirkulasyon sa pamamagitan ng ibang ehersisyo, ang stretching ang itinuturing bilang pinaka mabisang ehersisyo sa kasukasuan.

Madaling Mapagod 

Ang inflexible na muscle, ayon sa mga ulat ay mas mabilis mapagod. Ito ay dahil sa ang muscle ay mas nangangailangan mas magtrabaho. Tandaan na ang pagod na muscle ay mas madaling ma-injury.

Naaapektuhan nito ang ang Ibang Bahagi ng Katawan 

Maaaring maapektuhan o magdulot ng stress ng inflexible muscle sa ibang bahagi ng katawan. Ayon sa UC Davis Health, isa sa mga halimbawa na nagpapatunay sa epekto nito ay ang tendonitis sa tuhod na maaaring konektado sa pagsikip ng calf.

Tandaan 

Bago tuluyang maunawaan ang kahalagahan ang stretching sa katawan at ang mga benepisyo nito sa pisikal at isipan, tandaan ang mga sumusunod na paalala: 

  • Ang stretching ay isang uri ng ehersisyo, at ito ay hindi lamang pang-warm-up na aktibidad. 
  • Ang katotohanan ay kailangan munang gawin ang warm-up bago mag-stretching. 
  • Halimbawa ng maganda warm-up na aktibidad ay maikling paglakad o jogging 
  • Ang paghinga ay importanteng bahagi ng stretching. Ayon sa mga doktor, kailangan na huminga nang normal habang isinasagawa ng stretching. 
  • Habang nasa kalagitnaan ng stretching, panatilihing bahagyang naka-bent ang kasukasuan. Panatilihin ding may sapat na lakas ito, ang tuwid na posisyon ay maaaring magdulot ng injury 
  • Dapat isagawa ang stretching nang mabagal at malumanay. Huwag magmadali at huwag biglain ang muscle. 

Maraming eksperto ang nagmungkahi na ibilang ang mga sumusunod na muscle sa stretching dahil ang mga ito ay nakakadagdag sa pagtaas ng flexibility: 

  • Calves
  • Mga hita
  • Likod
  • Balikat

Key Takeaways

Kung napagpasyahan na ang angkop na stretching na ehersisyo para sa’yo, subukang gawin ito nang 3 hanggang 5 beses bawat sesyon. Kung susundan ang mga tips, mapabubuti nito ang flexibility at masisiyahan at magkakaroon ng malawak na saklaw ng paggalaw.

Matuto pa tungkol sa Health Fitness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stretching: Focus on flexibility
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/in-depth/stretching/art-20047931
Accessed July 27, 2020

The importance of stretching
https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-importance-of-stretching
Accessed July 27, 2020

How the Three Pillars of Exercise Benefit Mental Health
https://www.mentalhelp.net/blogs/how-the-three-pillars-of-exercise-benefit-mental-health/
Accessed July 27, 2020

Top 10 Benefits of Stretching
https://www.acefitness.org/education-and-resources/lifestyle/blog/5107/top-10-benefits-of-stretching/
Accessed July 27, 2020

Why Stretching is Extremely Important
https://shcs.ucdavis.edu/blog/archive/healthy-habits/why-stretching-extremely-important
Accessed July 27, 2020

Stretch Your Body, Stretch Your Mind
https://resilienteducator.com/lifestyle/body-stretch-exercises/#:~:text=Increases%20blood%20flow%20and%20circulation,may%20have%20been%20cloudy%20earlier.
Accessed July 27, 2020

Flexibility | UC Davis Sports Medicine
https://health.ucdavis.edu/sportsmedicine/resources/flexibility_descriprion.html
Accessed July 27, 2020

Kasalukuyang Version

10/25/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Basal Metabolic Rate? Heto Ang Dapat Mong Malaman

May Benepisyo Ba Ang Pagkakaroon Ng Abs? Let’s find out!


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement