Bakit mahalaga ang physical fitness sa pang-araw-araw na pamumuhay? Madalas itong maitanong ng mga indibidwal sa mga taong physical fit dahil sa pag-eehersisyo. Sa katunayan, marami itong benepisyo sa kalusugan ng tao at sa pangkalahatang kalidad ng buhay. Kaya, madalas mong naririnig na kailangan mag-ehersisyo ng isang tao para sa sariling kapakanan. Gayunpaman, kinakailangang malaman ang ilang komon na interchanged terms: fitness, pisikal na aktibidad, at ehersisyo.
Ano ang fitness?
Tumutukoy ang fitness sa isang hanay ng mga katangian na mayroon ang mga tao. Mayroong kakayahan ang physical fitness na masiglang isagawa ang mga pang-araw-araw na gawain ng walang pagod — at may sapat na lakas na tinukoy sa pag-aaral. Sa konseptong ito, nasisiyahan ang mga tao sa nakakalibang na aktibidad at nakakayang harapin ang mga hindi inaasahang emergency.
Bagama’t maaaring makahulugan ang depinisyon sa konsepto nito. Tandaan na mas mahirap sukatin ang mga bagay tulad ng pagkaalerto, pagkapagod, kasiyahan at sigla. Pwedeng ilagay sa 2 grupo ang “most evident components of fitness”. Nauugnay ang una sa kalusugan habang ang pangalawa naman ay konektado sa mga kasanayan na sumusukat sa athletic activity.
Ano ang physical activity?
Ang pisikal na aktibidad ay anumang paggalaw ng katawan na ginagawa ng skeletal muscles. Kung saan, nagreresulta ito sa paggasta ng enerhiya. Maaaring masukat sa kilojoules (kJ) o kilocalories (kcal) ang enerhiya.
Dagdag pa rito, nagsasagawa ang lahat ng tao ng pisikal na aktibidad upang mapanatili ang buhay. Gayunpaman, depende sa pagsisikap na ibinibigay ng tao ang halaga nito. Sapagkat, maaaring mag-iba ito nang malaki sa bawat tao. Gayundin sa paglipas ng panahon para sa isang partikular na tao.
Nakadepende ang kategorya ng physical activity sa oras kung kailan ginagawa ang aktibidad—halimbawa, (1) Pagtulog, (2) Trabaho, at (3) Oras ng paglilibang. Binubuo din ng ilang mga elemento ang pisikal na aktibidad:
- Ang paggalaw ng katawan sa pamamagitan ng skeletal muscles
- Mga resulta sa paggasta ng enerhiya
- Aksyon na may kaugnayan sa physical fitness
Ano ang ehersisyo?
Kadalasang ipinapalit ang ehersisyo sa pisikal na aktibidad, kahit hindi magkasingkahulugan ang dalawang termino ito. Sa halip, isang subcategory ang ehersisyo ng pisikal na aktibidad at tumutukoy ito sa anumang anyo ng physical activities na structured — at nasa repetitive na kalikasan. Mayroon din itong pangunahing layunin ng pagpapabuti ng katawan ng isang tao.
Bakit mahalaga ang physical fitness?
Nakasalalay ang benepisyo at kahalagahan ng fitness sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pagkamit — at pagpapanatili ng magandang physical fitness ng isang tao. Ang ilan sa mga pangunahing benepisyo ng physical fitness ay kinabibilangan ng kakayahang magsagawa ng mga gawain nang hindi napapagod — o nakakaya ang pinsala. Kasama rin sa kilalang benepisyo ang pagtaas ng antas ng enerhiya sa buong araw — at mas mababang panganib para sa mga sakit sa cardiovascular at mga problema sa puso. Nakakatulong din ito sa pag-iwas o pagpapabagal ng bone at muscle deterioration sa mga huling yugto ng buhay. Bukod pa rito, malaki rin ang nagiging ambag nito sa pagpapabuti ng pagpapahalaga sa sarili, kalooban, at kalusugan ng isip.
Ang mga paraan ng pagkakaroon ng physical fitness ay nag-iiba din sa bawat tao. Bagama’t maraming indibidwal ang umaasa sa tradisyunal na ehersisyo. Huwag kakalimutan na ang iba pang mga uri ng aktibidad na may kaugnayan sa labor-intensive jobs, gawaing bahay — at pang-araw-araw na gawain ay pwede ring mag-ambag sa pisikal na fitness ng isang tao.
Nangangahulugan ito na posible para sa mga taong walang gaanong libreng oras na maging physically fit nang hindi pumupunta sa gym — o tumatakbo na tumatagal ng ilang oras. Ang mga low-impact exercises, tulad ng paglalakad pataas at pababa sa hagdan, sa tindahan. Maging ang paghahardin, paglalakad na kasama ang aso — at paglilinis ng bahay ay pwede ring makatulong na mapabuti ang kalusugan ng isang tao. Maaaring makadagdag ang mga aktibidad na ito sa weekend workouts at short exercise sessions sa isang malusog na diyeta.
Bakit Mahalaga ang Physical Fitness: Mga Uri
Anong mga ehersisyo ang maaari mong gawin para mapabuti ang iyong fitness? Mayroong mga anyo ng ehersisyo na naglalayong mapabuti ang mga partikular na aspeto ng physical fitness:
- Pagtitiis/Endurance at Cardio. Tumutukoy ito sa mga aktibidad na naglalayong mapabuti ang iyong heart rate at paghinga. Ang mga pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang iyong stamina at panatilihing malusog ang iyong circulatory system, baga, at puso. Kabilang sa mga halimbawa ng naturang aktibidad ang pagtakbo, paglangoy, jumping jacks, at sports tulad ng boxing.
- Kakayahang umangkop o flexibility. Pinapalawak ng ehersisyong ito ang mga kalamnan at pinapanatili nitong flexible ang iyong katawan. Para mabawasan ang panganib ng mga pinsala habang nag-eehersisyo. Kinabibilangan ng mga halimbawa nito ang mga forward at side lunges, cross-overs, knees to chest stretches, at standing hamstring stretches.
- Lakas o strength. Naglalayong ang mga aktibidad na ito na mapabuti ang muscle strength at tone. Ang strength training ay natural na dumarating sa ilang partikular na indibidwal. Gaya ng mga manggagawa na nagsasagawa ng manu-manong paggawa. Kasama sa mga halimbawa ang weight lifting, paglalakad sa burol, pagbibisikleta, push-up, sit-up, pull-up, pagtatrabaho sa mga resistance band — at mabigat na paggawa tulad ng shoveling.
- Balanse. Ang balance exercises ay mga pisikal na aktibidad na kinabibilangan ng pagpapanatili ng balanse. Partikular, kapag gumagalaw ka habang nasa hindi pantay na surface at hindi ligtas na mga lugar. Sinasabi na ang pagsasagawa ng mga ehersisyo sa balanse ay nakakatulong para maiwasan ang pagkahulog. Kasama sa mga halimbawa ng naturang mga ehersisyo ang pagbabalanse sa isang paa, paglalakad sa balanse, tai chi — at pag-angat ng mga binti gamit ang dumbbells.
Mga pinsala sa sports at fitness motivation
Laging nasa panganib ng sports injuries ang mga indibidwal na naglalayong makamit ang fitness. Ang paghahanda at tamang warm-up ang susi para maiwasan ang mga pinsala. Mahalaga rin na sundin ang isang angkop na routine para sa’yong kasalukuyang antas ng physical fitness.
Kaugnay nito, ito ang dahilan kung bakit pinakamainam para sa mga taong bago sa pag-eehersisyo na kumonsulta sa isang doktor — at isang lisensyadong fitness instructor kapag gumagawa ng isang exercise routine.
Ang pagpapanatili ng motibasyon ay mahalaga din para maabot ang mga layunin ng pisikal na fitness ng isang tao. Maraming tao ang pwedeng mawalan ng motibasyon kapag hindi sila pumayat o makabuo ng kalamnan nang mabilis gaya ng inaasahan nila. Tandaan na ang most sustainable na paraan upang makamit at mapanatili ang pisikal fitness ay ang pagsumikapan ito nang dahan-dahan — at tuluy-tuloy na gawin para sa’yong layunin. Kung sa tingin mo ay nawawalan ka ng motibasyon, makipag-usap sa isang doktor o fitness instructor kung paano ayusin ang iyong exercise routine.
Key Takeaways
Ang kahalagahan ng fitness sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang bagay na hindi maaaring maliitin. Dahil ang pagiging malusog sa katawan ay nagbibigay-daan para magawa at matapos ang mga pang-araw-araw na gawain—mula sa pagdadala ng groceries hanggang sa pagbubukas ng mga garapon, pag-akyat at pagbaba ng hagdan—nang walang pinsala o pagkapagod. Mayroon din itong mga benepisyo para sa’ting kalusugang pangkaisipan, cardiovascular system, respiratory system, at pisikal na kondisyon sa hinaharap.
Matuto pa tungkol sa Health Fitness dito.