Ang Natal Plus ay isang branded na produkto na naglalalman ng maraming mahahalagang bitamina para sa buntis at sa kanyang baby. Ito ay ligtas para sa mga nagpapasusong ina. Para saan ang Natal Plus at dapat ba itong inumin ng mga buntis?
Gamit
Para Saan Ang Natal Plus?
Maaaring inumin ng mga buntis at nagpapasuso ang supplement na ito. Nakatutulong ito sa pagdevelop ng malusog na isipan at pangangatawan ng kanilang mga sanggol.
Paano Inumin Ang Natal Plus?
Lunukin nang buo ang bawat tableta nang hindi ito dinudurog o nginunguya. Kumain muna bago uminom nito.
Paano Itago Ang Natal Plus?
Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.
Para Saan Ang Natal Plus? Mga Pag-Iingat At Babala
Ano Ang Dapat Kong Malaman Bago Uminom Ng Natal Plus?
Ang mga bitamina, tulad ng Natal Plus, ay kadalasang ligtas na inumin anomang oras. Ang fat-soluble vitamins tuld ng A, D, E, at K ay maaaring maipon sa katawan kung ininom sa matagal na panahon. Maaari itong magresulta ng pagkalason.
Karamihan sa mga tao ay may sapat na mga bitamina at mineral sa pamamagitan ng pagkain ng balanseng pagkain. Uminom lamang ng bitamina at food supplements kung inirekomenda ng iyong doktor.
Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
- Allergy sa anomang sangkap nito
- Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon
Ligtas Ba Ito Sa Mga Buntis At Nagpapasuso?
Ang Natal Plus ay inirerekomenda para sa pre- at postnatal supplementation. Maaari ding inumin kung nagpapasuso. Subalit uminom lamang ng supplements kung ipinapayo ng doktor o OB-GYN.
Para Saan Ang Natal Plus? Side Effects
Ano-Ano Ang Mga Side Effects Ng Natal Plus?
Katulad ng ibang mga gamot, ang Natal Plus ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:
Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa doktor o pharmacist.
Para Saan Ang Natal Plus? Mga Interaksyon
Ano-Anong Mga Gamot Ang Maaaring May Interaksyon Sa Natal Plus?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.
Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga Gamot Na May Interaksyon:
- Diuretics o “water pills“
- Gamot sa puso o blood pressure
- Tretinoin
- Isotretinoin
- Trimethoprim and sulfamethoxazole
- NSAIDs
Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, itigil ang pag-inom ng gamot na ito at ituloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalipat ng gamot, o pagtapos sa gamutan.
May Interaksyon Ba Ang Pagkain At Alak Sa Natal Plus?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.
Ano-Anong Mga Medikal Na Kondisyon Ang Maaaring May Interaksyon Sa Natal Plus?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.
Dosage
Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.
Ano Ang Dose Para Sa Isang Nakatatanda?
- Uminom ng isang 15 mg na kapsula pagkatapos kumain araw-araw.
Ano Ang Dose Para Sa Isang Bata?
Walang tiyak na dose ng gamot na ito para sa mga bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Laging mahalaga na lubos na maunawaan ang kaligtasan ng pag-inom ng gamot bago ito inumin. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa iba pang mga impormasyon.
Anong Natal Plus Ang Maaaring Mabili?
Ang Natal Plus ay maaaring mabili sa mga sumusunod na na anyo at lakas ng dosage:
- Bawat kapsula ay naglalaman ng:
Omega 3 Powder with DHA – 150mg
Vitamin C – 85mg
Iron – 27mg
Zinc – 9.6mg
Vitamin E – 12IU
Vitamin A – 2442IU
Sodium fluoride – 3mg
Vitamin D3 – 200IU
Vitamin B1 – 1.4mg, B2 – 1.8mg, B3 – 16mg, B6 – 1.9mg, B12 – 2.6mcg
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Emergency o Kung Na-Overdose?
Mababa ang tyansang ma-overdose. Ngunit kung magkaroon ng malubhang side effects, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Nakalimutan Kong Uminom?
Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.