backup og meta

Para Saan Ang Kalimate? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para Saan Ang Kalimate? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ang Kalimate ay isang branded na gamot na naglalaman ng calcium polystyrene sulfonate. Ang mga calcium ions sa gamot ay nakikipag compete sa potassium sa katawan. Kaya nababawasan ang pagkilos ng potassium. Para saan ang Kalimate?

Mga Gamit

Ano ang gamit ng Kalimate?

Pigilan at gamutin ang hyperkalemia (mataas na potassium level sa dugo).

Paano ko gagamitin ang kalimate?

Bilang powder para sa oral suspension, I-reconstitute ito sa pamamagitan ng paghahalo nito sa tamang dami ng liquid. Gumamit ng 30-50 ml ng tubig, simpleng syrup, o fruit juice na mababa sa potassium. Kalugin mabuti bago gamitin.

Paano ang storage ng Kalimate?

Itago ang produktong ito sa room temperature malayo sa direktang liwanag at moisture. Para maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag iimbak sa toilet o freezer.

Maaaring may ibang mga brand ang gamot na ito na kailangan ng ibang paraan ng storage.Kaya mahalagang I-check ang product package para sa instructions o tanungin ang iyong pharmacist. For safety, ilagay ang mga gamot sa hindi maabot ng mga bata at pets.

Hindi dapat I-flush ang produktong ito sa toilet o ibuhos sa drain maliban kung may instruction na gawin ito. Bilang karagdagan, mahalaga ang tamang pagtatapon nito kapag nag-expire o hindi na kailangan.

Pag-iingat at Babala

Ano ang mga dapat malaman bago gamitin ang Kalimate?

Bago gamitin ang gamot, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng ibang gamot. Kasama dito ang anumang reseta, OTC, at mga herbal remedy.
  • Allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
  • Iba pang sakit, disorder, o kondisyong medikal

Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?

Unfortunately, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit nito kung buntis o nagpapasuso. Pero, malamang na listas itong inumin dahil hindi ito dumaan sa pagsipsip sa GI tract. Laging komunsulta sa iyong doktor kung para saan ang Kalimate at para mabalanse ang benefits at risks bago ito inumin.

Side effects

Ano ang mga side effects na maaring lumabas mula sa Kalimate?

Katulad ng ibang mga gamot, ang produktong ito ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, ang mga side effect ay generally mild at pwedeng malunasan kapag natapos na ang treatment o binawasan ang dose. Kabilang sa mga naiulat ang:

  • Hypokalemia, hypomagnesemia
  • Anorexia (decreased appetite)
  • Constipation, diarrhea
  • GI upset
  • Nausea, vomiting
  • Bronchitis
  • Bronchopneumonia
  • Bezoar formation
  • Fecal impaction, GI obstruction
  • GI ulcer
  • Colitis

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga ganitong side effect. Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung may mga alalahanin sa isang side effect, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Kalimate?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa iba pang mga gamot na kasalukuyan iniinom mo. Maaaring magbago kung paano gumagana ang iyong gamot o dagdagan ang risk para sa malubhang epekto.

Para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-ugnayan sa gamot, dapat may listahan ka ng lahat ng gamot na iyong ginagamit (kabilang ang mga inireresetang gamot, hindi iniresetang gamot, at mga produktong herbal) at sabihin ito sa iyong doktor at pharmacist.

Mga gamot na kilalang may interactions

  • Digitalis
  • Antacids & laxatives containing aluminum, magnesium, or calcium
  • Iron supplements
  • Tetracycline antibiotics

Kung nakakaranas ka ng masamang drug interaction, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor para muling suriin ang iyong treatment plan. Kasama dito ang adjustment ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.

May interaction ba ang pagkain o alkohol sa Kalimate? 

Ang gamot na ito ay maaaring makipag-ugnayan sa pagkain o alkohol sa pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot o pagtaas ng panganib para sa malubhang epekto. Talakayin sa iyong doktor o parmasyutiko ang anumang potensyal na interaction sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-interact sa Kalimate?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa mga underlying conditions. Ito ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan sa kalusugan o magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at parmasyutiko ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na:

  • Bowel obstruction
  • Hypercalcemia (mataas na antas ng calcium sa dugo)
  • Mataas na antas ng parathyroid hormone (PTH)
  • Multiple myeloma
  • Sarcoidosis
  • Hypokalemia (mababang antas ng potassium sa dugo)

Dosage

Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat kang laging kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot. Mahalaga na alamin kung para saan ang Kalimate.

Ano ang dosage para sa adult?

Ang recommended dose ay 15 g na ibinibigay tuwing 6 hanggang 8 oras bawat araw. Dapat itong inumin orally, sa anyo ng isang suspensyon.

I-reconstitute ang bawat dose sa 30-50 ML ng tubig o syrup bago ibigay. 

Ano ang dosege para bata? 

Acute na hyperkalemia: Ang inirerekomendang dose ay 1 g bawat kg ng timbang ng katawan araw-araw sa hinating dosage. 

Maintenance therapy: Ang inirerekomendang dose ay binabawasan sa 0.5 g bawat kg ng timbang ng katawan araw-araw sa hinating dose.

Availability

Available ang Kalimate sa mga sumusunod na dosage form at strengths:

Powder para sa oral suspension 5 g

Ano ang dapat kong gawin kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose? 

Kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong lokal na mga serbisyong pang-emergency o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose? 

Kung nakalimutan mo ang isang dose ng Kalimate, inumin agad ito. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, laktawan ito at sundin ang iyong regular na dose ayon sa naka-iskedyul. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kalimate https://www.mims.com/philippines/drug/info/kalimate Accessed July 2, 2021

Drug Information Sheet Kalimate Powder https://medical.kowa.co.jp/asset/item/18/28/7-pse_046.pdf Accessed July 2, 2021

Calcium polystyrene sulfonate
https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Calcium-polystyrene-sulfonate Accessed July 2, 2021

Calcium Resonium [8989] https://www.nps.org.au/medicine-finder/calcium-resonium-powder-for-suspension Accessed July 2, 2021

Calcium Polystyrene Sulfonate. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 2, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

01/06/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement