backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Para Saan ang Gamot na Selbex? Alamin Dito

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD · Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

    Selbex ang brand name ng gamot na teprenone. Ginagamit ang teprenone bilang gamot sa gastritis at peptic ulcer. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapataas ng mga bicarbonate level sa gastric mucus at tumutulong din sa pagpapagaling ng mga gastric lesion, tulad ng ulcer. Lumabas sa ilang pag-aaral na nakapagbibigay ito ng proteksyon laban sa NSAID-induced peptic ulcer disease (PUD). Para saan ang Selbex?

    para saan ang selbex

    Para saan ang Selbex?

    Karaniwang ginagamit ang Selbex para sa mga gastric mucosal lesion (erosion, hemorrhage, redness at edema) sa acute gastritis, acute exacerbation stage ng chronic gastritis, at ginagamit sa gastric ulcer.

    Paano ko dapat gamitin ang Selbex?

    Para sa oral form, dapat mong:

    • Inumin ang Selbex ayon sa sinabing dose at iskedyul ng iyong doktor
    • Basahing mabuti ang label bago gumamit ng Selbex
    • Kumonsulta sa doktor para sa anumang impormasyon sa label na hindi mo maintindihan.

    Paano ko dapat iimbak ang Selbex?

    Pinakamagandang iimbak ang Selbex sa room temperature at malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer. Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.

    Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.

    Para Saan ang Selbex: Mga Pag-iingat at Babala

    Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Selbex?

    Bago gumamit ng Selbex, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/mayroong:

    • Allergic reaction sa Selbex o alinman sa mga inactive ingredient.
    • May allergic reaction sa iba pang gamot, pagkain, dye, preservative, o hayop
    • May iba pang kondisyong pangkalusugan, mga gamot na mayroong panganib ng interaksyon sa Selbex.

    Ligtas ba itong gamitin ng buntis at nagpapasuso?

    Wala pang sapat na pag-aaral sa mga babae upang matukoy ang mga panganib ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa doktor upang matimbang niya ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago ito gamitin. Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), ang gamot na ito ay pregnancy risk category D. 

    Narito ang batayan ng FDA pregnancy category:

    • A = walang panganib
    • B = walang panganib sa ilang pag-aaral
    • C = maaaring may ilang panganib
    • D = May positibong patunay ng panganib
    • X = contraindicated
    • N = hindi alam

    Para Saan ang Selbex: Mga Side Effect

    Ano ang mga side effect ng Selbex?

    Kapag umiinom ng ibang gamot kasabay ng Selbex, maaaring magdulot ito ng ilang side effect. Karamihan sa mga ito ay bihirang mangyari at hindi nangangailangan ng anumang dagdag na gamutan. Gayunman, palaging mahalag ang magpunta sa doktor kung makaranas ng problema matapos gamitin ang Selbex. 

    Ilan sa mga side effect ang:

    • Kaunting pagtaas ng enzyme ng atay.
    • Constipation o pagtitibi
    • Bloating o kabag
    • Pagtatae
    • Pagkatuyo ng bibig
    • Pagduduwal
    • Pagsakit ng tiyan
    • Pagsakit ng ulo
    • Skin eruption
    • Pangangati
    • Pamumula at mainit sa pakiramdam sa talukap ng mata
    • Pagtaas ng kabuoang level ng serum cholesterol

    Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.

    Para Saan ang Selbex: Mga Interaksyon

    Anong mga gamot ang may interaksyon sa Selbex?

    Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.

    Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko. Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosage ng anumang gamot nang walang pahintulot ng doktor.

    May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Selbex?

    Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaksyon sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.

    Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Selbex?

    Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaksyon na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka.

    Para Saan ang Selbex: Dosage

    Ano ang dosage para sa nasa hustong gulang?

    Ang inirerekomendang dose ay tatlong capsule (50mg) na iniinom tatlong beses kada araw. Maaaring baguhin ang dosage depende sa edad at mga sintomas ng pasyente.

    Ano ang dosage para sa bata?

    Hindi pa naitatakda ang dosage para sa mga batang pasyente. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Palaging mahalaga ang lubos na pag-unawa kung ligtas bang gamitin ang gamot bago gamitin. Kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon.

    Paano nakukuha ang Selbex?

    Available ang Selbex sa mga sumusunod na dosage form at strength:

    • Capsule, oral 50 mg

    Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

    Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

    Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

    Kung nakaligtaan mo ang isang dose, maglagay nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang nakaligtaang dose at sundin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag magdobleng dose.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Stephanie Nera, RPh, PharmD

    Pharmacology


    Isinulat ni Daniel de Guzman · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement