Ang Erythromycin ay isang generic na antibiotic na gumagamot sa iba’t ibang uri ng bacterial infection. Ito ay kilala bilang isang macrolide antibiotic. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagtigil sa paglaki ng bacteria. Alamin ang mga pangunahing kaalaman kung para saan ang erythromycin.
Ang Erythromycin ay epektibo lamang laban sa bacterial infection. Hindi ito gagana para sa mga viral infection. Huwag gumamit ng mga antibiotic maliban kung inireseta sa iyo ng iyong doktor.
Mga pangunahing kaalaman
Para saan ang erythromycin?
- Acne
- Prophylaxis for surgery
- Mga impeksyon sa respiratory tract
- Mga impeksyon sa balat at malambot na tissue
- Susceptible gram-negative at gram-positive na impeksyon
- Neonatal conjunctivitis
- Mga impeksyon sa mata
Paano dapat iniinom at ginagamit ang erythromycin?
Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon kung para saan ang erythromycin. Suriin ang label at petsa ng pag-expire.
Lunukin ang mga oral dosage form nang hindi nginunguya o dinudurog ito. Ang mga oral suspension ay kailangang i-reconstitute (halo) sa tubig. Sundin ang mga direksyon sa packaging at gumamit lamang ng isang medical-grade na measuring cup. Huwag gumamit ng kutsara sa bahay.
Para sa mga topical dosage form, hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos ibigay ang produkto. Iwasang hawakan ang dulo ng dropper o nozzle. Gumamit ng malinis na cotton swab.
Ang mga dosage forms ay dapat ibibigay ng isang lisensyadong healthcare professional.
Paano ang storage ng erythromycin?
Ang produktong ito ay pinakamahusay na naiimbak sa room temperature malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, hindi mo ito dapat itabi sa banyo o sa freezer.
Maaaring may iba’t ibang tatak ng gamot na ito na may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Kaya, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga tagubilin sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa kanal maliban kung ito ang instructions. Bukod pa rito, mahalagang itapon ng maayos ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kailangan. Kumunsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.
Alamin ang mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang erythromycin?
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/may:
- Buntis o nagpapasuso.
- May iniinom na iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at mga herbal na remedyo.
- Isang allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito.
- Anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.
Ligtas bang uminom ng erythromycin sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Gayunpaman, malamang na ligtas na gamitin ang topical dosage form. Palaging kumunsulta sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at risk bago uminom ng anumang gamot at kung para saan ang erythromycin.
Ang gamot na ito ay pregnancy risk category B ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
FDA pregnancy risk category reference:
A= Walang panganib
B= Walang panganib sa ilang pag-aaral
C= Maaaring may ilang risk
D= Positibong ebidensya ng risk
X= Contraindicated
N= Hindi alam
Mga side effect
Anong side effect ang maaaring mangyari mula sa erythromycin?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at malulutas kapag natapos na ang paggamot o binabaan ang dosage. Ang ilang naiulat na mga side effect ay:
- Allergic reaction
- Pagbabalat, pangangati, o pagkasunog ng balat.
- Hypotension
- GI upset
- Kawalan ng gana
- Pagtatae
- Lagnat
- Malaise
- Tinnitus
- Pagkawala ng pandinig
Humingi kaagad ng medikal na atensyon kung makaranas ka ng anumang seryosong masamang epekto:
- QT prolongation, ventricular arrhythmias **potentially fatal
- Pseudomembranous colitis
- Superinfection
- Myasthenia gravis
- Infantile hypertrophic pyloric stenosis
- Malubhang pinsala sa atay
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o pharmacist kung para saan ang erythromycin.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring may interaction sa erythromycin?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaction sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom. Maaari din na magbago kung paano gumagana ang iyong gamot o tumaas ang risk para sa malubhang epekto.
Upang maiwasan ang anumang potensyal na interaction sa gamot, dapat may listahan ka ng lahat ng gamot na iyong ginagamit (kabilang ang mga inireresetang gamot, hindi iniresetang gamot, at mga produktong herbal). Sabihin ito sa iyong doktor at pharmacist at alamin kung para saan ang erythromycin.
Mga gamot na kilalang may interactions:
- Mga Antiviral
- Antifungal
- Iba pang mga antibiotic
- Anitneoplastic na gamot
- Statins
- Antimalarials
- Antihypertensive
- Immunosuppressants
- Antidepressants
- Corticosteroids
Kung nakakaranas ka ng masamang interaction sa gamot, sabihin agad sa iyong doktor para sa treatment plan. Kasama dito ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.
May interaction ba ang pagkain o alkohol sa erythromycin?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaction sa pagkain o alkohol sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot o pagtaas ng panganib para sa malubhang epekto. Upang maiwasan ang pagkasira ng tiyan, pinakamahusay na inumin ito nang walang laman ang tiyan. Kausapin ang iyong doktor o pharmacist sa ang anumang potensyal na epekto sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaction sa erythromycin?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaction sa mga underlying condition. Ang interaction ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan sa kalusugan o magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:
- Bradycardia (mabagal na tibok ng puso)
- Mga problema sa ritmo ng puso (hal., pagpapahaba ng QT)
- Hypokalemia (mababang potassium sa dugo)
- Hypomagnesemia (mababang magnesium sa dugo)
- Congestive heart failure
- Sakit sa atay
- Myasthenia gravis
Unawain ang dose
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat kang laging kumunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa isang adult?
Prophylaxis sa surgical infections, mga impeksyon sa respiratory tract, mga impeksyon sa balat at malambot na tisyu, mga madaling kapitan ng impeksyon sa Gram-negative, mga madaling impeksyong Gram-positive
Sa pamamagitan ng IV, paunang magbigay ng 1 hanggang 2 g bilang erythromycin lactobionate bawat araw, katumbas ng 25 mg bawat kg ng timbang sa katawan sa 2 hanggang 4 na hinating dose. Ang maximum na dose ay 4 g bawat araw, katumbas ng 50 mg bawat kg bawat araw, para sa matinding impeksyon. Lumipat sa mga oral dose pagkatapos ng 2 hanggang 7 araw ng IV therapy.
Para sa mga oral na dose, kumuha ng 1 hanggang 2 g bawat araw sa 2 hanggang 4 na hinating dose. Dagdagan ang dose ng hanggang 4 g bawat araw para sa matinding impeksyon. Huwag lumampas sa 1 g sa isang single dose.
Superficial ocular infections
Maglagay ng 1 cm ribbon ng ointment sa (mga) apektadong mata tuwing 4 na oras o higit pa, depende sa kalubhaan ng impeksyon.
Acne
Maglagay ng manipis na layer ng topical na produkto sa mga apektadong lugar 1 hanggang 2 beses sa isang araw. Itigil ang paggamot kung walang pagbuti pagkatapos ng 6 hanggang 8 na linggo.
Ano ang dose para sa isang bata?
Prophylaxis ng surgical infections, Respiratory tract infections, Skin and soft tissue infections, Mga madaling kapitan ng Gram-negative infections, Susceptible Gram-positive infections
Sa pamamagitan ng IV, magbigay ng 15 hanggang 20 mg bawat kg ng timbang sa katawan sa 4 na hinating dose. Ang maximum na dose ay 4 g bawat araw para sa matinding impeksyon. Doblehin ang dose para sa matinding impeksyon.
Para sa mga oral na dose, magbigay ng 30 hanggang 50 mg bawat kg sa 2 hanggang 4 na hinating dose. Doblehin ang dose para sa matinding impeksyon.
Prophylaxis ng neonatal conjunctivitis
Maingat na lagyan ng 1 cm ribbon ng ointment ang lower conjunctival sac ng magkabilang mata.
Superficial ocular infections
Maingat ng lagyan ng 1 cm ribbon ng ointment ang (mga) apektadong mata tuwing 4 na oras o higit pa, depende sa kalubhaan ng impeksyon.
Paano magagamit ang erythromycin?
Ang erythromycin ay makukuha sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dose:
- Eye ointment: 5 mg/g
- Oral na kapsula: 500 mg
- Powder para sa oral suspension: 125 mg/5 mL, 200 mg/5 mL, 250 mg/5 mL
- Oral drops: 100 mg/mL
Ano ang dapat kong gawin kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong lokal na mga serbisyong pang-emergency o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ng isang dose?
Kung napalampas mo ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at kunin ang iyong regular na dose ayon sa naka-iskedyul. Huwag mag double dose.