Ang Dormicum ay isang brand name ng gamot na midazolam. Ang midazolam ay isang benzodiazepine na may sedative-hypnotic properties. Sa Pilipinas, ang midazolam ay isang mapanganib na gamot na kabilang sa schedule IV. Ibig sabihin, ang mga doktor na may S-2 license ang maaari lamang magbigay ng gamot na ito. Para saan ang Dormicum?
Para Saan Ang Dormicum? Paggamit Nito
Ang Dormicum ay ginagamit upang mabawasan ang pagkabalisa. Sanhi rin ito ng pagkaantok sa mga pasyenteng sasailalim sa operasyon. Nagreresulta rin ito sa pagkawala ng malay at panandaliang memorya bago at matapos ang operasyon. Kabilang din sa paggamit nito ay ang paggamot sa mga pasyenteng nasa intensive care units, nagpabunot ng ngipin, at iba pang mga simple at malalaking operasyon. Sa pamamagitan nito, nakakaya ng pasyente ang stress o sakit na nararanasan habang sumasailalim sa proseso.
Paano Inumin Ang Dormicum?
Ang haba ng gamutan ay dapat na saglit lamang hangga’t maaari. Sa kabuoan, ang haba ng gamutan ay nagbabago mula sa ilang mga araw hanggang sa pinakamatagal na dalawang linggo. Ang pagbaba ng ibibigay na dose ng gamot na ito ay dapat na angkop sa pasyente. Ang gamutan na may Dormicum ay hindi dapat biglang itinitigil.
Dapat agad na inumin bago matulog ang tableta ng Dormicum. At dapat itong lunukin nang buo at inumin nang may fluid.
Maaaring inumin ang Dormicum anomang oras, bago ang kahit 7 hanggang 8 oras na dire-diretsong pagtulog ng pasyente.
Paano Itago Ang Dormicum?
Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer. Maaaring may ibang brand ng midazolam na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.
Para Saan Ang Dormicum? Mga Pag-Iingat At Babala
Ano Ang Dapat Kong Malaman Bago Uminom Ng Dormicum?
Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist kung ikaw ay o may:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta at gamot na walang reseta, tulad ng mga halamang gamot at dietary supplements.
- May anumang uri ng allergies, tulad ng sa pagkain, dyes, preservatives, o sa mga hayop
- Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon, tulad ng problema sa atay o bato
Hindi mo dapat inumin ang gamot na ito kung ikaw ay o may:
- Narrow-angle glaucoma
- May allergy sa midazolam o sa ibang benzodiazepines
Ligtas Ba Itong Inumin Habang Nagbubuntis o Nagpapasuso?
May positibong ebidensya na nagpapakitang may pagtaas sa tyansa ng congenital malformations na kaugnay sa pag-inom ng benzodiazepines. Ang midazolam ay lumalabas sa gatas ng ina at dapat na maging maingat sa pag-inom nito ang mga nagpapasuso.
Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng gamot na ito. Ang gamot na ito ay pregnancy risk category D ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Ang mga kategorya ng FDA pregnancy risk ay ang mga sumusunod:
- A= walang panganib
- B= walang panganib ayon sa ibang pag-aaral
- C= maaaring may ilang panganib
- D= may positibong ebidensya ng panganib
- X= hindi ipinapayong gamitin
- N= hindi alam
Para Saan Ang Dormicum? Side Effects
Ano-Anong Side Effects Ang Maaaring Maranasan Sa Pag-Inom Ng Dormicum?
Kabilang sa mga karaniwang nararanasang side effects ay ang pagiging iritable, ubo, sipon, insomnia, bangungot, pagkaantok, pananakit ng ulo, pagduduwal, pagsusuka, pagkabalisa, at kahirapan sa pagsasalita.
Ang ilan naman sa mga hindi karaniwang side effects ay ang pagkalito, mababang presyon ng dugo, coma, pagkahilo, kawalan ng balanse, reflexes at koordinasyon, rashes sa balat, at pagbilis ng tibok ng puso. Kung nakararanas ng alinman sa side effects na ito, agad na sabihin sa doktor.
Ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Para Saan Ang Dormicum? Mga Interaksyon
Anu-Anong Mga Gamot Ang Maaaring May Interaksyon Sa Dormicum?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.
Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga Gamot Na May Interaksyon:
- Disulfiram
- Flumazenil
- Isoniazid
- Levodopa
- Probenecid
- Ranitidine
- St. John’s wort
- Caffeine
- Cimetidine
Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, itigil ang pag-inom ng gamot na ito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalipat ng gamot, o pagtapos sa gamutan.
May Interaksyon Ba Ang Pagkain At Alak Sa Dormicum?
Huwag uminom ng alak kahit sa loob ng 24 oras pagkatapos uminom ng midazolam. Ang gamot na ito ay maaaring makapagpataas sa epekto ng alak na maaaring mapanganib.
Ang suha at juice na gawa rito ay maaaring may interaksyon sa midazolam. Ito ay maaaring humantong sa mga posibleng mapanganib na epekto. Iwasan ang pagkain ng mga produktong may sangkap na suha habang umiinom ng midazolam.
Anu-Anong Mga Medikal Na Kondisyon Ang Maaaring May Interaksyon Sa Dormicum?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon, lalo na ang:
Para Saan Ang Dormicum? Dosage
Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.
Ano ang Dose Para Sa Isang Nakatatanda?
Oral, tableta
- Para sa panandaliang pagkontrol sa insomnia: 7.5 to 15 mg, mas mainam inumin bago matulog.
- Maaaring mabago ang dose para sa mga matatandang pasyente.
IV/IM injection
Para sa sedation ng dental at simpleng operasyon:
- Panimulang dose: 2-2.5 mg sa rate na 2 mg/min, 5-10 minuto bago ang operasyon, may pagtaas ng 0.5-1 mg sa pagitan ng kahit 2 minuto. Kabuoang dose: 2.5-7.5 mg.
Para sa sedation ng critical care:
- Loading dose: 0.03-0.3 mg/kg, maaaring ang ibibigay na dose ay tumaas nang 1-2.5 mg sa pagitan ng 2 minuto ng bawat dose.
- Maintenance: 0.02-0.2 mg/kg/hr. Mga pasyenteng may hypothermia, hypovolaemia o vasoconstriction: Bawasan o laktawan ang loading dose, at bawasan ang maintenance dose.
Para sa anesthesia:
- Kabuoang dose: 150-250 mcg/kg para sa mga premedicated patients at 300-350 mcg/kg para sa mga pasyenteng walang premedication. Sedation na may kasamang anaesth: 30-100 mcg/kg by inj o 30-100 mcg/kg/hr sa pamamagitan ng infusion.
Premedication sa operasyon:
- 70-100 mcg/kg 20-60 minuto bago ang operasyon sa pamamagitan ng deep IM injection o 1-2 mg, 5-30 minuto bago ang operasyon sa pamamagitan ng IV injection, ulitin ang dose kung kinakailangan.
Ano Ang Dose Para Sa Isang Bata?
Oral, tableta
Sedation bago ang operasyon:
- Mga bata edad 6 buwan hanggang 16 taong gulang: 0.25-1 mg/kg, sa isang dose 20-30 minuto bago ang operasyon. Pinakamataas na dose: 20 mg.
Gamot sa seizures:
- Mga bata edad 3-12 buwan: 2.5 mg.
- Mga bata edad 1-5 taong gulang: 5 mg.
- Para sa mga bata edad 5-10 taong gulang: 7.5 mg.
- Mga bata edad 10-18 taong gulang: 10 mg.
Ang doses ay ibinibigay sa isang dose.
IV/IM injection
Sedation bago ang operasyon (IM):
- Mga bata edad 1-15 taong gulang:50-150 mcg/kg. Pinakamataas na dose: 10 mg.
*Tandaan: Ang IM route ay hindi dapat laging gamitin.
Premedication sa operasyon (IM):
- Mga bata edad 1-15 taong gulang: 80-200 mcg/kg ibinibigay 15-30 minuto bago ang operasyon sa pamamagitan ng deep IM injection.
Sedation ng dental at operasyon (IV):
- Mga bata edad 6 buwan hanggang 5 taong gulang: 500-100 mcg/kg, Pinakamataas na dose: 6 mg.
- Mga bata edad 6-12 taong gulang: 25-50 mcg/kg, Pinakamataas na dose: 10 mg.
Ang panimulang doses ay ibinibigay 2-3 minuto nang may karagdagang pagitan na 2-5 minuto.
Sedation ng critical care:
- Mga bata edad 0-32 linggo: 60 mcg/kg/hr sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na IV infusion, ibaba ang dose sa 30 mcg/kg/hr matapos ang 24 oras. Ang pinakamahabang panahon ng gamutan ay 4 na araw.
- Mga bata edad 32 linggo hanggang 6 buwan: 60 mcg/kg/hr. Ang pinakamahabang panahon ng gamutan ay 4 na araw para sa mga bagong silang.
- Mga bata edad 6 buwan hanggang 12 taong gulang:
- Loading dose: 50-200 mcg/kg ibibigay sa pamamagitan ng slow injection 3 minuto o higit pa.
- Maintenance dose: 30-120 mcg/kg/hr ibibigay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na infusion.
Induction ng anesthesia (IV):
- Mga bata edad pito pataas: 150 mcg/kg sa pamamagitan ng slow injection.
Anong Dormicum Ang Maaaring Mabili?
Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:
- Tablet 7.5mg
- Tablet 15mg
- Solution para sa injection (IV/IM) 5mg/mL sa 3 mL ampule
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Emergency o Kung Na-Overdose?
Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Nakalimutan Uminom Ng Gamot?
Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.