Ang aspirin o acetylsalicylic acid (ASA) ay isang nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID) at anti-platelet drug o “blood thinner.” Ito ay mabibili para sa mababa at mataas na dose.
Paraan ng Paggamit
Para saan ang aspirin?
- Pantagal ng sakit
- Pagbawas ng lagnat
- Anti-inflammation
- Pag-iwas sa stroke at iba pang cardiovascular na sakit
- Revascularization procedures
- Acute migraine
- Thromboprophylaxis
- Pag-iwas sa Preeclampsia
Paano ko ikokonsumo ang aspirin?
Basahin ang panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Para sa oral dosage form, lunokin ito nang buo nang hindi nginunguya, pinipiraso, o tinutunaw sa tubig. Inumin ito matapos kumain upang maiwasan ang gastric irritation.
Paano ko itatago ang aspirin?
Itago ang produktong ito sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng ganitong gamot na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung ito ay expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.
Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng aspirin?
Bago gumamit ng produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng iba pang gamot, kabilang na rito ang nireseta, OTC, at halamang gamot
- May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
- May karamdaman, disorders o medikal na kondisyon
Ligtas ba ito habang buntis o nagpapasuso?
Makikita ang salicylates sa umbilical cord at sa gatas ng ina matapos ito makonsumo. Ang mababang dose ng aspirin ay may mas mababang pagbabago ng epekto kaysa sa mataas na dose nito. Kinakailangan ng mga buntis na iwasan ang paggamit ng aspirin sa ika-20 linggo ng kanilang pagbubuntis hanggang manganak. Ang ilang mga pain relievers ay nirerekomenda kaysa sa aspirin habang nagpapasuso.
Side effects
Ano ang side effects ng aspirin?
Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay may side effects. Kadalasan ito ay mild at nasosolusyonan pagkatapos ng paggamot o kung mabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:
- Sakit sa tiyan
- Heartburn
- Drowsiness
- Katamtamang sakit sa ulo
Ihinto ang paggamit ng gamot na ito at tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay nakararanas ng:
- Tinnitus
- Confusion
- Hallucinations
- Mabilis na paghinga
- Seizure (convulsions)
- Malalang pagkahilo
- Pagsusuka
- Sakit sa tiyan
- Madugo o tarry stools
- Umuubo ng dugo o sumusuka na tulad ng ground na kape
- Lagnat na tumagal ng higit 3 araw
- Pamamaga, o sakit na tatagal ng higit 10 araw
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring maranasan ang ibang mga side effects. Kaya’t kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, kunsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa aspirin?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Makaapekto ito sa bisa o magpapataas sa banta ng seryosong side effects.
Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interactions:
- Corticosteroids
- Anticoagulants
- Antiplatelet agents
- Carbonic anhydrase inhibitors
- Sulfonylureas
- Phenytoin, valproate
- Probenecid, sulfinpyrazone
- Lithium
- Digoxin
- Other NSAIDs
- Methotrexate
- Ginkgo biloba
Kung naranasan ang pagbabago ng bisa ng gamot, sabihan agad sa doktor upang mataya muli ang plano sa paggamot. Kabilang sa mga paraan ay dose adjustment, drug substitution, o pagtatapos ng therapy.
Ang pagkain o alak ba ay may interaction sa aspirin?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Huwag komonsumo ng alak habang umiinom ng gamot na ito upang maiwasan ang gastric irritation. Pakiusap na talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interaction bago gumamit ng gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa aspirin?
Maaaring mag-interact ang gamot sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan lalo na kung ikaw ay may:
- Active bleeding
- Ulcers
- Bleeding disorders
- Viral infections (sa mga bata)
Dosage
Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Analgesic at antipyretic
Uminom ng 325 mg hanggang 1 g kada 4 hanggang 6 na oras, kung kailangan hanggang 4 g kada araw.
Arthritis
Uminom ng 4 hanggang 8 g kada araw sa 4 hanggang 5 magkahiwalay na doses, kung kinakailangan. I-adjust ang dose base sa response at tolerability. Ipagpatuloy ang paggamot hanggang mawala ang sintomas (tipikal na 1-2 linggo, ngunit potensyal na tumatagal hanggang 8 linggo)
Artherosclerotic cardiovascular disease
Uminom ng 75 hanggang 100 mg isang beses kada araw.
Migraine
Uminom ng 900 mg o 1 g na isang dose, kung kinakailangan.
Pericarditis
Sa umpisa, uminom ng 650 mg hanggang 1 g kada 8 oras hanggang sa mawala ang sintomas. Pagkatapos, dahan-dahan na bawasan matapos ang ilang mga linggo sa dose na 250 hanggang 500 mg kada 1 hanggang 2 linggo.
Preeclampsia
Uminom ng 81 hanggang 162 mg isang beses kada araw, mas mainam kung magsisimula sa pagitan ng 12 hanggang 16 na linggo ng pagbubuntis. Maaaring magsimula sa ika-28 linggo ng pagbubuntis. Ipagpatuloy ito hanggang manganak.
Thromboprophylaxis
Uminom ng 75 hanggang 100 mg kada araw
Ano ang dose para sa bata?
Huwag magbigay ng aspirin sa mga bata na mas bata sa 18 taong gulang o nagkaroon kamakailan ng viral infection. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng Reye syndrome, na potensyal na nakamamatay.
Mga batang ≥ 12 taong gulang at may timbang na ≥50 kg: Magbigay ng 325 hanggang 650 mg kada 4 hanggang 6 na oras. Ang maximum na dose kada araw ay 4,000 mg.
Ang mga batang may timbang na <50 kg: Limitado ang data na mayroon: Magbigay ng 10 hanggang 15 mg/kg/dose kada 4 hanggang 6 na oras. Ang maximum na dose kada araw ay 90 mg/kg kada araw o 4,000 mg, kahit anuman dito.
Paano nabibili ang aspirin?
Ang Gaviscon ay nabibili sa mga sumusunod na dose at tapang:
- Caplet: 81 mg, 325 mg, 500 mg
- Capsule: 162.5 mg, 325 mg
- Rectal suppository: 300 mg, 600 mg
- Tablet: 81 mg, 325 mg
- Chewable tablet: 81 mg
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.