backup og meta

Floratil® : Ano ang gamot na ito, at saan ito ginagamit?

Mga Gamit

Ano ang gamit ng Floratil ®?

Para saan ang Floratil®? Ang Floratil® (Saccharomyces boulardii) ay isang probiotic preparation na ginagamit upang maiwasan ang pagtatae at ibalik ang normal na flora ng bituka pagkatapos ng impeksyon o paggamit ng antibiotic.

Bagama’t kayang suportahan ng mga probiotic ang isang malusog na bituka at immune system, hindi ito gumagana upang gamutin ang mga aktibong impeksyon nang nag-iisa. Ang Floratil ay hindi angkop na kapalit para sa antibiotic o antifungal na paggamot. Narito kung para saan ang floratil.

Ang Floratil ay may mga sumusunod na gamit:

  • Traveler’s diarrhea
  • Antibiotic-associated diarrhea
  • Clostridium difficile-associated diarrhea
  • Maintenance and restoration of the gut’s normal flora

Paano ito gumagana?

Ang mga probiotic ay kilala bilang “mabuting mikrobyo” at gumaganap ng mahalagang papel sa tamang digestion, pagsipsip ng bitamina, at likas na immunity. Ang kanilang presensya sa balat at sa bituka ay pumipigil sa pagsalakay at paglaki ng mga impeksyon mula sa mga nakakapinsalang bacteria at fungi.

Kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon.

Paano ko dapat inumin ang Floratil?

Available ang Floratil bilang pulbos para sa oral suspension at kapsula. Ang pulbos ay kailangang ihalo at tunawin sa tubig o ibang inumin. Iwasang ihalo ito sa mga maiinit, may yelo, o inuming may alcohol dahil maaari itong mag-inactivate ng S. boulardii.

Lunukin nang buo ang kapsula nang hindi dinudurog, nginunguya, o tinutunaw. Maaari itong inumin nang may pagkain o walang pagkain. Alamin ang ibang impormasyon kung para saan ang floratil.

Paano ako mag-iimbak ng Floratil?

Ang gamot na ito ay dapat na nakaimbak sa room temperature (<30°C) at protektado mula sa liwanag at moisture. Huwag hayaang mag-freeze ang produktong ito. Para sa kaligtasan, iwasang maabot ng mga bata at alagang hayop.

Palaging suriin ang label bago gamitin ang produkto. Huwag gamitin kung ang naka-print na petsa ng pag-expire ay lumipas na, ang selyo ng produkto ay nasira, o ang produkto ay nagbago sa kulay, amoy, o consistency.

Huwag itapon ang produktong ito sa sa drain, toilet, o sa paligid. Tanungin ang iyong parmasyutiko tungkol sa tamang paraan at lokasyon ng disposal.

Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Floratil?

Ang mga biological supplement ay karaniwang ligtas inumin sa katamtamang dami gaya ng turo ng health professional. 

Gayunpaman, dahil karamihan sa mga supplement ay hindi inaprubahan ng FDA para sa paggamot at pagpigil sa mga partikular na sakit, ang recommended daily values  ay hindi palaging nakatakda.

Sa kabila ng pag-advertise bilang “all-natural” o “safe,” ang mga natural o food supplement ay dapat ituring bilang tradisyonal na gamot. Ang ilang partikular na herbal preparation ay maaaring makipag-interact sa iba pang mga gamot na iyong iniinom. Ito ay nagpapataas ng panganib ng masamang reaksyon sa gamot at toxicity.

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung:

  • Nagkaroon ka na ng allergic reaction sa Floratil o iba pang supplement.
  • Mayroon kang history ng allergy sa iba pang mga gamot, pagkain, o iba pang mga sangkap.
  • Umiinom ka ng ibang gamot.
  • Mayroon kang underlying health conditions.

Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?

Karaniwang ligtas na inumin anumang oras ang mga probiotic dahil hindi sila pumapasok sa sistematikong sirkulasyon. Kung para saan ang floratil, ang gamot na ito ay maaari lamang gamitin sa panahon ng pagbubuntis kung ang potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran sa potensyal na panganib sa fetus, ayon sa doctor mo.

Ang mga probiotics ay hindi kilala na ilalabas sa gatas ng ina. Maaaring gamitin lamang ang gamot na ito habang nagpapasuso kung ang potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran sa potensyal na panganib sa bata, ayon sa doctor mo.

Mga side effect

Anong mga side effect ang maaaring mangyari mula sa Floratil?

Ang lahat ng mga supplement ay may potensyal na mga side effect kahit na sa normal na paggamit. Maraming mga side effect ang nauugnay sa dose at malulutas kapag ito ay na-adjust o sa pagtatapos ng therapy.

Ang mga potensyal na epekto habang ginagamit ang suplementong ito ay:

  • Gastrointestinal discomfort
  • Bloating
  • Utot
  • Allergic reaction

Maaari kang makaranas ng ilan, wala, o iba pang mga side effect na hindi nabanggit sa itaas. Kung may anumang mga alalahanin sa isang side effect o ito ay nagiging nakakaabala, kumunsulta sa doctor mo o pharmacist.

Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Floratil?

Upang maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-ugnayan sa gamot, dapat magkaroon ka ng listahan ng lahat ng gamot na ginagamit mo (kabilang ang mga iniresetang gamot, hindi iniresetang gamot, at mga produktong herbal) at ipaalam sa doctor mo o pharmacist.

Ang mga kilalang gamot na maaaring mabawasan ang mga epekto ng Floratil ay kinabibilangan ng:

Kung nakakaranas ka ng masamang interaction sa gamot, itigil ang pag-inom nito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Ipaalam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang plano sa paggamot mo. Maaaring kailanganin na i-adjust, palitan ng ibang gamot, o ihinto ang paggamit ng gamot.

May interaction ba ang pagkain o alkohol sa Floratil?

Ang gamot na ito ay maaaring inumin nang may pagkain o wala. Kung nakakaranas ka ng anumang gastrointestinal discomfort, inumin ang gamot na ito na may pagkain. Ito ay maaaring makaiwas sa  sintomas. Iwasang ihalo ang gamot sa mainit, may yelo, o mga inuming may alcohol dahil maaaring ma-inactivate ang mga probiotics.

Ipaalam sa doctor mo o pharmacist kung may concerns sa food-drug interactions.

Anong mga health condition ang maaaring mag-interact sa Floratil?

Ang suplementong ito ay dapat inumin nang may pag-iingat kung may alinman sa mga sumusunod na kondisyon o risk factors:

  • Allergy sa alinman sa mga sangkap
  • Immunocompromised

Ipaalam sa doctor mo o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa mga partikular na kondisyon ng kalusugan.

Dosage

Ang impormasyong ito ay hindi kapalit ng propesyonal na medikal na payo. Dapat LAGING kumunsulta sa sa doctor mo o pharmacist bago gamitin ang Floratil.

Ano ang dose ng Floratil para sa adult?

Para sa diarrhea

  • 1- 2 capsules o sachets dalawang beses kada araw

Ano ang dose ng Floratil para sa bata?

Para sa acute diarrhea

  • Para sa mga batang edad 2 pataas: Bigyan ng 1 capsule hanggang 2 sackets dalawang beses kada araw.

Bilang prophylaxis ng pagtatae sa panahon ng antimicrobial treatment 

  • Bigyan ng 1 sachet na hinaluan ng tubig o juice 2 beses kada araw.

Paano magagamit ang Floratil?

Ang suplementong ito ay nasa mga sumusunod na dosage form:

  • Capsule 200 mg, 250 mg
  • Powder para sa oral suspension 200 mg

Ano ang dapat kong gawin kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa kaso ng isang emergency o overdose, tawagan ang iyong mga lokal na serbisyong pang-emergency o pumunta sa iyong pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dose?

Kung napalampas mo ang isang dose ng suplementong ito, agad na inumin ito. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose mo, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang regular na dose ayon sa naka-iskedyul. Huwag mag-doble ng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Floratil, https://www.mims.com/philippines/drug/info/floratil, Accessed Aug 20, 2020

https://ww2.fda.gov.ph/index.php/consumers-corner/registered-drugs-2/338159-DR-XY33737, Accessed Aug 20, 2020

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2868213/, Accessed Aug 20, 2020

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3056676/, Accessed Aug 20, 2020

Kasalukuyang Version

11/19/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement