backup og meta

Paano Gumagana ang Glucometer? Heto Ang Sagot

Paano Gumagana ang Glucometer? Heto Ang Sagot

Upang i-manage ang kanilang kondisyon, ang mga taong may diabetes ay kailangang subaybayan ng regular ang kanilang glucose level. Para dito, kadalasang gumagamit sila ng glucometer. Pero, paano ba gumagana ang glucometer at mayroon bang ibang monitoring kits na available sa Pilipinas?  Alamin dito.

Sino ang Kailangang Gumamit ng Glucometer?

Upang mas maunawaan kung paano gumagana ang glucometer, mahalagang talakayin muna kung sino ang kailangang gumamit nito.

Sa pangkalahatan, kung mayroon kang diabetes, sasabihin sayo ng iyong doktora magkaroon ng kit sa bahay.Pero ang mga taong walang diabetes kung minsan ay kailangang gumamit din ng glucometer.

Halimbawa, ang mga buntis ay pinapayuhang suriin ang kanilang blood sugar levels kung sakaling magkaroon sila ng gestational diabetes.

Maaaring kailangan mo ring gumamit ng blood glucose monitor kung mayroon kang:

  • orders na gumamit ng insulin
  • kahirapan sa pagpapanatili ng iyong blood sugar sa healthy range
  • mababang blood glucose levels, mayroon man o walang warning signs
  •  ketones mula sa tumaas na blood sugar

Ngayon, kung naiisip mo kung kailan o gaano kadalas kailangan mong suriin ang iyong blood glucose, kailangan mong makipag-usap sa isang doktor tungkol dito.

Kadalasan, depende ito sa iyong treatment plan at sa uri ng diabetes na mayroon ka.

paano gumagana ang glucometer

Paano Gumagana ang Glucometer?

Kapag mayroon kang diabetes o anumang kondisyon na nangangailangan ng regular na blood glucose monitoring, ang isang home glucometer kit ay mahalaga.Maraming mga uri na magagamit sa merkado, ngunit sa pangkalahatan, ang isang kit ay kinabibilangan ng:

  • lancet device
  • test strips
  • glucometer

Pero paano gumagana ang glucometer? Paano nito matutukoy ang dami ng sugar sa dugo?Ang mga sumusunod na konsepto ay makakatulong sa pagsagot sa mga tanong na ito:

  • Una, ang mga test strip kung saan mo ilalagay ang isang maliit na patak ng iyong dugo ay naglalaman ng isang enzyme na tinatawag na glucose oxidase.
  • Ang glucose oxidase ay may kakayahang mag-react sa glucose sa dugo.
  • Ngayon, sa loob ng glucometer, mayroong isang electrode na maaaring masukat kung gaano kalakas ang isang electric current.
  •  Ang mangyayari ay: Kapag naglagay ka ng isang patak ng iyong dugo sa ipinasok na test strip, ang reaksyon sa pagitan ng glucose at ng enzyme na glucose oxidase ay bumubuo ng isang de-kuryenteng signal.
  • Sinusukat ng glucometer ang lakas ng signal na iyon at isinasalin ito sa numerical data.
  •  Karaniwan, kapag mas maraming glucose, mas malakas ang reaksyon, at syempre, mas mataas ang bilang.

Paano Nakatutulong ang Blood Glucose Monitor sa mga Pasyenteng Diabetic?

Ang isang blood glucose monitoring kit ay mahalagang kagamitan para sa pag-aalaga ng diabetes.

Nakakatulong ito para malaman mo kung ang iyong blood sugar level ay wala na sa iyong target goal.

Bukod dito, binibigyan ka nito ng pagkakataong kumilos bago magsimula ang mga epekto ng hyperglycemia.

Ang iba pang mga benepisyo ng paggamit ng isang glucometer ay:

  • Sinusuri nito kung ang iyong mga gamot ay gumagana nang maayos para sa iyong blood glucose levels.
  • Masusubaybayan mo at maitatala ang pag-unlad sa iyong kasalukuyang treatment regimen.
  • Ina-assess nito kung ang iyong diet at ehersisyo ay epektibo sa pag-manage ng iyong diabetes.
  • Nakakatulong itong matukoy kung ang iba pang factors tulad ng stress at mga sakit ay nakakaimpluwensya sa iyong sugar levels.

Paano Gumamit ng Blood Glucose Monitoring Kit

Pagkatapos masagot ang mga tanong kung paano gumagana ang glucometer, suriin natin kung paano ito gamitin ng tama.

Karamihan sa mga gumagamit ng glucometer ay sumusunod sa mga tagubiling ito:

  • Kapag oras na upang suriin ang iyong blood glucose, hugasang mabuti ang iyong mga kamay.
  • Ipasok ang test strip sa glucometer device.
  • Gamit ang lancet pen, tusukin ang gilid ng iyong daliri upang kumuha ng dugo.
  •  Siguraduhing nakakakuha ka ng sapat na dugo – kung ito ay masyadong kaunti o marami, maaaring hindi ito mabasa ng glucometer.
  • Hawakan ang gilid ng strip gamit ang iyong tinusok na daliri upang ilipat ang dugo sa itinalagang lugar sa test strip.
  • Hintayin ang resulta: ang mga numero ay ipapakita sa monitor ng glucometer.

Mahalagang paalala: Mangyaring unawain na dahil sa maraming uri ng mga kit sa merkado, ang mga tagubilin na ibinigay ay maaaring magbago nang kaunti.

Huwag kalimutang basahing mabuti ang manufacturer’s note upang magamit nang tama ang device.

Kung nahihirapan ka sa paggamit ng glucometer, humingi ng tulong sa iyong doktor. Dalhin ang glucometer sa kanilang opisina at magpaturo sa kanila.

Bago umalis, subukang magsagawa ng test run para malaman ng iyong doktor kung ginagawa mo ito nang maayos.

paano gumagana ang glucometer

Pagbasa ng mga Resulta

Ngayong mayroon ka nang ideya kung paano gumamit ng glucometer sa bahay, oras na para pag-usapan ang tungkol sa mga resulta.

May mga kit na mayroong sariling normal values.Gayunpaman, hindi magandang ideya na umasa sa mga values na iyon.  Ito ay dahil ang mga target ranges para sa mga blood glucose levels ay kailangang “naka-personalize”.

Kakausapin ka ng iyong doktor tungkol dito, ngunit sa pangkalahatan, ang iyong mga target ranges ay depende sa mga sumusunod:

  • Ang iyong edad
  • Gaano ka na katagal na may diabetes
  • Iba pang kondisyon maaring mayroon ka, lalo na ang cardiovascular diseases
  • Mga komplikasyon ng diabetes
  • Ang kawalan ng kaalaman tungkol sa hypoglycemia

Anong mga Kit ang Available sa Pilipinas?

Ang portable glucometer marahil ang pinaka-naa-access na testing kit sa Pilipinas.  Available ito sa maraming botika at maging sa mga online stores.

Kailangan mo lamang maging maingat sa pagpili ng brand. Ang pagpili ng sira o mababang kalidad na device ay maaaring makaapekto nang malaki sa mga resulta ng iyong test at iyong diabetes care plan.

Kung ayaw mong regular na tusukin ang iyong daliri o kung ikaw ay masyadong abala upang subaybayan ang iyong sugar levels gamit ang portable glucometer, maaaring makatulong ang CGM.

  • Ang CGM o Continuous Glucose Monitor ay may kasamang sensor at isang compact device na nag-i-scan sa sensor.
  • Hindi tulad ng regular na glucometer na kailangang madalas na magtusok, kailangan mo lamang gamitin ang sensor nang isang beses at palitan ito kada isa o dalawang linggo.
  • Susubaybayan ng CGM device ang iyong blood glucose sa bawat ilang minuto.
  • Maaaring ikonekta ang ilang device sa iyong smartphone at mag-a-alarm pa ito kapag mas mataas ang iyong sugar level kaysa sa itinakda mong target.

Ang CGM ay maaaring mas mahal ng kaunti kaysa sa isang regular na glucometer, pero maraming tao ang nagsasabing ito ay mas madaling gamitin.

Anumang blood glucose monitoring device ang iyong napagpasiyahan, huwag kalimutang kausapin ang iyong doktor tungkol dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How do glucometers work?
https://engineering.mit.edu/engage/ask-an-engineer/how-do-glucometers-work/
Accessed October 9, 2020

Blood sugar testing: Why, when and how
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/in-depth/blood-sugar/art-20046628
Accessed October 9, 2020

Glucose Monitoring Devices
https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=85&contentid=P00339#:~:text=A%20small%20device%20called%20a,use%20on%20a%20test%20strip.
Accessed October 9, 2020

How to Safely Use Glucose Meters and Test Strips for Diabetes
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/how-safely-use-glucose-meters-and-test-strips-diabetes
Accessed October 9, 2020

The Big Picture: Checking Your Blood Glucose
https://www.diabetes.org/diabetes/medication-management/blood-glucose-testing-and-control/checking-your-blood-glucose
Accessed October 9, 2020

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement