backup og meta

Sintomas ng mataas na sugar: Heto ang facts na dapat tandaan

Sintomas ng mataas na sugar: Heto ang facts na dapat tandaan

Ang mataas na glucose sa dugo, medikal na kilala bilang hyperglycemia, ay nangyayari kapag mayroong masyadong maraming glucose sa dugo. Ang hyperglycemia ay kadalasang nagaganap kasabay ng diabetes mellitus, at kadalasan, ang dalawang termino ay maaaring gamitin nang palitan. Isang metabolic condition ang diabetes mellitus kung saan ang katawan ay hindi gumagawa ng sapat na insulin o may mataas na insulin resistance. Ang insulin ay may isang kritikal na papel sa pagpapanatili ng glucose sa dugo sa normal level. Ano ang sintomas ng mataas na sugar?

sugar checking device

Pag-diagnose ng Hyperglycemia batay sa Mga Sintomas ng High Sugar Level

Maaaring masuri ang hyperglycemia o diabetes mellitus kapag mayroon kang fasting blood glucose na higit sa o katumbas ng 126mg/dl. Ito ay isang random na blood glucose na higit sa o katumbas ng 200mg/dl na sinamahan ng mga sintomas ng mataas na antas ng asukal, isang 2-h plasma glucose na higit sa o katumbas ng 200 mg/dl kasunod ng 75-g oral glucose challenge sa mga nasa hustong gulang, o isang HbA1c na mas mababa sa o katumbas ng 6.5%. Sa kabilang banda, ang impaired glucose tolerance ay tumutukoy sa fasting blood glucose na 100 hanggang 125mg/dl.  

May mga risk factors na nag-uudyok sa isang tao na magkaroon ng hyperglycemia. Narito ang ilan: 

  • Obesity 
  • Family history ng diabetes mellitus
  • Hypertension
  • Hyperlipidemia o increased serum lipids
  • Sedentary lifestyle

Ang Hyperglycemia at ang High Sugar Level Symptoms

Ang hyperglycemia ay nakakaapekto sa iba’t ibang organ system at maaaring makita sa iba’t ibang paraan. Sa simula, ang hyperglycemia ay maaaring asymptomatic at ang pasyente ay maaaring hindi makaramdam ng anumang pagbabago sa katawan. Sa ilang mga kaso, ang mga sintomas ay makikita ng maaga. Ang mga unang sintomas ng mataas na sugar ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 

  • Madalas na pagkauhaw
  • Madalas na pag-ihi
  • Pagtaas ng appetite
  • Sakit ng ulo

Ang matagal na hyperglycemia ay nangyayari kapag ang kondisyon ay hindi ginagamot o nakontrol nang maayos. Ito ay maaaring mag-manifest bilang:

  • Pagbaba ng visual acuity
  • Mga hindi gumagaling na sugat 
  • Pamamanhid o pangingiliti lalo na sa lower extremities , dulo ng mga daliri sa kamay at paa
  • Pagbaba ng timbang 
  • Mga impeksyon sa balat

Ang isang life-threatening complication na maaaring mula sa hindi makontrol na hyperglycemia ay diabetic ketoacidosis o DKA. Sa DKA ang iyong katawan ay nagsisimulang mag break-down ng taba para makagawa ng enerhiya. Dahil walang sapat na glucose na napupunta sa iyong mga tissue.

Ang prosesong ito ay nauuwi sa akumulasyon ng mga ketone sa bloodstream, napagtagal ay nagreresulta sa DKA. Ang DKA ay isang acute process at kadalasang nabubuo sa loob ng 24 na oras. 

[embed-health-tool-bmi]

Early Signs and Symptoms ng Diabetic Ketoacidosis

Ang mga unang palatandaan at sintomas na makikita sa DKA ay ang:

  • Pagduduwal at pagsusuka 
  • Fruity breath 
  • Pananakit ng tiyan
  • Weakness
  • Fatigue
  • Hirap sa paghinga
  • Pagbabago sa sensorium o diwa
  • Disorientation

Ang DKA ay itinuturing na isang emergency at ang mga pasyente na nagpapakita ng mga palatandaan at sintomas na ito ay dapat agad na humingi ng medical care. Kung hindi agad magamot, ang DKA ay maaaring humantong sa coma at pagtagal, kamatayan.

Early Signs and Symptoms ng Diabetic Kidney Disease

Ang hindi kontroladong hyperglycemia ay maaaring mauwi sa mga komplikasyon. Ito ay nakakaapekto sa kidneys, blood vessels, eyes, at peripheral nervous system. Halimbawa, diabetic kidney disease or DKD ay isang karaniwang komplikasyon na nangyayari sa higit sa 20% diabetic patients nasa 10 taon pagkatapos ma-diagnose ng diabetes.  

Ang pinakamaagang mga senyales at sintomas na nauugnay sa DKD ay kinabibilangan ng: 

  • Pamamaga sa paa o bukung-bukong 
  • Madalas na pag-ihi 
  • Nahihirapan sa konsentrasyon 
  • Pagkahapo
  • Mataas na presyon ng dugo 

Ang isa pang komplikasyon na maaaring lumabas sa setting ng hyperglycemia ay diabetic retinopathy, isang kondisyon na nakakaapekto sa retina. Ang mga karaniwang sintomas ng diabetic retinopathy ay:

  • Pagbaba ng visual acuity
  • Pagkawala ng paningin
  • White patchy spots sa visual field

Ang hyperglycemia, kapag hindi ginagamot, ay maaari ring makapinsala sa blood vessels. Ito ay nauuwi sa mahinang daloy ng dugo lalo na sa lower extremities. Dahil sa mahinang sirkulasyon, ang mga sugat sa paa ay magtatagal maghilom, na humahantong sa isang kondisyon na diabetic foot.

Paano mauuwi sa Diabetic Neuropathy ang Mga Sintomas ng Mataas na Sugar Level?

Panghuli, ang matagal nang hyperglycemia ay maaaring humantong sa diabetic neuropathy. Ito ay isang uri ng nerve damage na kadalasang nakakaapekto sa mga ugat sa lower extremities. Ang diabetic neuropathy ay maaaring maramdaman na pamamanhid o tingling sensation sa mga paa at bukung-bukong. 

Higit sa 50% ng mga taong may hindi nakokontrol na hyperglycemia ay nasa panganib na magkaroon ng diabetic neuropathy. Sa kabutihang palad, ang mga sintomas ng mataas na sugar at komplikasyon na nauugnay sa hyperglycemia ay maiiwasan sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pamumuhay at medications.

Narito ang ilang mga tip sa pagkontrol ng hyperglycemia:

  • Iwasan ang mga pagkaing mataas sa asukal. Ang pagsunod sa low-sugar diet ay makakatulong sa pagpapanatili ng iyong glucose sa dugo sa normal levels.
  • Magkaroon ng regular na physical activity. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang pagkakaroon ng aktibong pamumuhay ay nakakatulong na maging mas sensitibo sa insulin.
  • Magpakonsulta sa doktor. Kapag nagsimula kang maranasan ang mga sintomas na nabanggit, makabubuting kumunsulta kaagad para sa tamang pamamahala.
  • Regular na i-check ang iyong blood glucose. Sa regular na pagmo-monitor ng blood glucose,  kayang panatilihin ito sa loob ng normal range.

Key Takeaways

Ang hyperglycemia ay isang preventable na kondisyon na nakaaapekto sa iba’t ibang organ system. Dapat alamin ang mga sintomas ng mataas na sugar. Kapag hindi ginagamot, ang hyperglycemia ay maaaring magdulot ng malubhang masamang epekto at komplikasyon.  

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9815-hyperglycemia-high-blood-sugarhttps://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK430900/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-ketoacidosis/symptoms-causes/syc-20371551https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-nephropathy/symptoms-causes/syc-20354556https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hyperglycemia/diagnosis-treatment/drc-20373635

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement