Ang type 2 diabetes ay isang kondisyon kung saan hindi na mabisa ang insulin sa katawan. Ang insulin ay isang hormone na tumutulong upang kontrolin ang sugar sa dugo. Walang ganap na isang lunas para sa type 2 diabetes, pero ito ay nagagamot. Bukod dito, mayroon ring mga paraan upang maibaba ang panganib ng type 2 diabetes at kumplikasyon nito. Isa na rito ay ang pagkain ng prutas para sa diabetes.
Alamin dito kung ano ang koneksyon ng prutas at ng diabetes.
Pagkain Ng Prutas Para Sa Diabetes: Nakakatulong Ba Ito?
Karaniwang iniisip ng mga tao na ang mga matatamis na prutas ay maaring maging sanhi ng diabetes. Dahil dito, pinag-aralan ng mga research kung ano nga ba talaga ang koneksyon ng prutas para sa diabetes.
Nagsagawa ang mga British at Chinese na researcher ng pag-aaral na inabot ng 7 taon, sa 500,000 adult sa China na mayroong average age na 51. 20% sa mga ito ay kumakain ng sariwang prutas araw-araw, at 6% ay bihira o kaya naman ay hindi talaga kumakain ng prutas. Ang mga participants na mayroong diabetes na hindi kumakain ng prutas ay tatlong beses mas marami kumpara sa mga kumakain ng prutas.
Nalaman sa pag-aaral na:
- Ang mga walang diabetes na madalas kumain ng prutas ay may 12% mas mababang posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes, kumpara sa mga hindi palagiang kumakain ng prutas.
- Ang mga may diabetes na kumakain ng gulay ay may 17% mas mababang posibilidad na mamatay at 13% mas mababa ang posibilidad na magkaroon ng komplikasyon tulad ng heart disease.
Mansanas, Saging, At Orange
Isa pang pag-aaral na isinagawa sa koneksyon ng prutas para sa diabetes ay ang Australian Diabetes, Obesity and Lifestyle Study. Napag-alaman nila na:
- Sa 7,765 participants, ang mga kumakain ng prutas 2 beses sa isang araw ay mayroong 36% na mas mababang posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes sa loob ng limang taon.
- Mansanas, saging, at orange ang mga prutas na nakakatulong sa pagkontrol ng blood sugar. Mataas rin ang mga ito sa fiber, vitamins, at minerals na nakakatulong upang makaiwas sa diabetes.
Sariwang Prutas, Hindi Fruit Juice
Noong 2013, nagsagawa ng pag-aaral ang Harvard School of Public Health tungkol dito. Pinag-aralan nila ang data ng 187,382 participants, kabukod ang mga mayroong history ng diabetes, cardiovascular disease, at kanser. Matapos ang pag-aaral, napag-alaman nilang:
- Ang mga tao na kumakain ng two servings ng prutas tulad ng blueberries, grapes, at mansanas kada linggo ay may 23% mas mababang risk kumpara sa mga kumakain ng mas mababa sa isang serving kada buwan.
- Mas mataas ng 21% ang panganib ng mga umiinom ng fruit juice. Ngunit kung pinagsabay ang fruit juice at sariwang prutas, naibaba nito ng 7% ang type 2 diabetes risk.
- Bukod sa diabetes, naibaba rin ng berries at grapes ang panganib ng sakit sa puso.
- Inirekomenda ng pag-aaral na pagkain ng sariwang prutas, at hindi pag-inom ng fruit juice ang nakakatulong upang makaiwas sa diabetes.
Lahat ng pag-aaral ay mayroong iisang konklusyon; na ang pagkain ng prutas ay nakakabawas sa risk ng type 2 diabetes, kahit araw-araw man o linggo-linggo ito kainin.
Mas Masustansya Ang Sariwang Prutas Kumpara Sa Fruit Juice
Heto ang ilang dahilan kung bakit nakakatulong ang prutas para sa diabetes:
- Ang balat at laman ng prutas ay maraming dietary fiber, na nakakatulong upang magkaroon ng regular bowel movement. Nakakatulong rin ito upang mas matagal na ma-absorb ng katawan ang sugar.
- Mas maraming nutrisyon ang balat at laman ng prutas kumpara sa juice lamang.
- Nakakapagpataas ng calorie intake ang fruit juice. Maari ring makaranas ng sakit ng ulo, pagod, at pagiging iritable ang mga sensitibo sa pagbabago ng blood sugar.
Key Takeaways
Ang type 2 diabetes ay isang kondisyon na maaaring magdulot ng mga
komplikasyon kung hindi bantayan at gamutin. Napag-alaman rin ng mga researchers na nakakatulong ang pagkain ng prutas para sa diabetes.
Bukod dito, mas mainam ang pagkain ng sariwang prutas bukod sa fruit juice. Ito ay dahil mas marami itong nutrisyon, at nakakatulong rin ito na pababain ang blood sugar.
Alamin ang tungkol sa Type 2 Diabetes dito.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
[embed-health-tool-bmi]