backup og meta

Nakakahawa ba ang diabetes? Heto ang mga myths at facts tungkol dito!

Nakakahawa ba ang diabetes? Heto ang mga myths at facts tungkol dito!

Isang mapanganib na kondisyon ang diabetes at pwede nitong baguhin ang iyong lifestyle. Ngunit, ang tanong “nakakahawa ba ang diabetes?” Ito ang isa sa mga tanong na madalas nasa isip ng mga tao. Bukod pa rito, napakaraming maling paniniwala o myths ang umiiral tungkol sa diabetes.

Sa totoo lang, mahalaga na mapag-usapan ang mga ito. Para mabigyang-linaw ang mga haka-haka at maiwasan ang maling treatment at diagnosis. Basahin ang artikulong ito para malaman ang legit facts at maling paniniwala tungkol sa diabetes.

Nakakahawa ba ang diabetes?

Kadalasan ang mga taong walang ideya masyado sa Type 1 at Type 2 diabetes ang nag-aakalang nakakahawa ang diabetes. Ngunit, ang totoo hindi ito nakakahawa sa kahit anumang aspeto tulad ng tao-sa-tao, sa pamamagitan ng sexual contact, laway at dugo. Kinumpirma na ito ng “science” na ang diabetes ay isang non-communicable disease. Subalit ang diabetes ay pwedeng mamana. Partikular, kung may family history kayo ng diabetes. Pwede rin ito madebelop sa pamamagitan ng iba’t ibang factors, gaya ng lifestyle na nakagawian.

Narito pa ang ilang maling paniniwala at myths na dapat mong malaman tungkol sa diabetes.

1.Hindi ka dapat kumain ng kahit anumang matamis na pagkain kapag may diabetes

healthy cheat day food

Isa ito sa mga maling paniniwala na kailangang itama. Maaari pa ring kumain ng mga pagkaing matamis ang mga diabetic na tao. Ngunit, kailangan lamang magkaroon ng pag-iingat. Makakabuti na magpakonsulta sa doktor para sa medikal na payo at diagnosis. Makakatulong ito upang malaman ang balanseng diyeta na angkop sa’yo at matukoy ang sugar intake na tama lamang sa’yo.

2.Ang sobrang pagkain ng sugar ang dahilan ng diabetes

sweet tooth cravings

Bagama’t ang sugar ay isang factor sa pagdebelop ng diabetes. Laging tandaan na ang Type 1 diabetes ay nagaganap kapag ang cells na gumagawa ng insulin sa pancreas ay nasira ng immune system.

3.Bawal nang uminom ng alak ang mga diabetic

diabetes and alcohol

Posible pa rin ang pag-inom ng alak para sa mga taong may diabetes. Ngunit, mas maganda kung magpapakonsulta sa doktor. Para malaman ang tamang diagnosis sa kalagayan at matukoy kung gaano lamang dapat karami ang mainom.

4. Hindi pagkain ng prutas ng mga may diabetes

Ito pa ang isa sa maling paniniwala na dapat iwasto. Dahil ang prutas, kasama ang mga gulay ay isang healthy choice na maaaring isama sa balanced diet. Bagama’t ang prutas ay mayaman sa natural sugars, mas mababa pa rin ito kumpara sa sweet foods, gaya ng cakes. Kung darating man sa punto na tumaas ang blood glucose hindi ang prutas ang problema dito. Mainam na i-tsek ang sources ng sugar sa mga kinakain mo para malaman kung ano ba ang dapat alisin. Maganda kung magpapakonsulta ka na rin sa doktor.

5.Nakakahawa ba ang diabetes sa matatabang tao?

Isa ito sa mga laging tanong at maling paniniwala tungkol sa diabetes. Walang katotohanan na ang diabetes ay nakakahawa. Lalo na sa mga sobra sa timbang. Subalit, kung ang diabetes ay walang proper management. Pwede itong mauwi sa mga seryosong komplikasyon. Dagdag pa rito, nasa 20% ng tao na may type 2 diabetes ang normal ang timbang o underweight.

6.Ang mga taong may diabetes ay hindi dapat maglaro ng sports

weight loss trackers

Tandaan na ang mga diabetic ay dapat mag-ehersisyo rin. Para makamit ang healthy lifestyle. Ngunit, kinakailangan na magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng payo. Sa kung anong ehersisyo ang babagay sa’yong pangangailangan.

Key Takeaways

Ang diabetes ay hindi nakakahawa. Isa itong mapanganib na kondisyon na pwedeng maging sanhi ng kamatayan. Subalit, kung magkakaroon lamang ng wastong karunungan sa bagay na ito. Malaki ang maitutulong nito para i-manage ang sakit na ito at maiwasan ang mga seryosong komplikasyon. Maganda na i-validate muna ang mga bagay na naririnig kaugnay sa diabetes. Para maiwasan ang maling treatment at diagnosis. Magpakonsulta at magpatingin din sa doktor kung nais mong magkaroon ng balanseng diyeta para i-manage ang iyong diabetes.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

08/23/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement