Ang mga taong nahihirapan sa pagma-manage ng kanilang diabetes ay kadalasang nag-aalala sa mga komplikasyon. Ito ay tulad ng neuropathy, pagkabulag, at mas mataas na panganib para sa mga cardiovascular diseases. Kung minsan, sa online sila naghahanap ng “gangrene diabetes.” Ano ang ano ang gangrene o hindi gumagaling na sugat ng diabetic? At bakit ito lubos na nauugnay sa uncontrolled diabetes? Ang mga sagot at iba pa sa artikulong ito.
Ano ang Gangrene?
Ang gangrene ay mula sa salitang Latin para sa “nagngangalit na sugat” o “nabulok na tissue.” Ang potentially fatal na kondisyong ito ay tumutukoy sa pagkamatay ng tissue. Ito ay nangyayari kapag ang isang partikular na bahagi ng katawan (karaniwan ay ang mga braso at binti, kabilang ang mga daliri at paa) ay walang sapat na suplay ng dugo o dumaranas ng matinding impeksyon.
May ilang mga uri ng gangrene depende sa sanhi at likas na katangian ng pinsala. Halimbawa, ang dry gangrene ay nangyayari dahil sa pagbara sa daloy ng dugo. Habang ang wet gangrene ay nangyayari dahil sa isang pinsala at bacterial infection. Pagkatapos, mayroong gas gangrene, na nabubuo dahil sa isang impeksiyon sa loob ng katawan. Gas gangrene ang tawag dahil ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon ay nagsisimulang maglabas ng masangsang na gas.
Ano ang Koneksyon sa pagitan ng Gangrene at Diabetes?
Ngayon, pag-usapan natin kung bakit hinahanap ng ilang tao ang mga terminong “gangrene diabetes.” Ito ang hindi gumagaling na sugat ng diabetic.
Ang gangrene ay hindi nabubuo dahil lang sa diabetes. Ang risk ay depende sa blood vessel health at immune system ng isang tao. Nasa mas mataas na risk sa gangrene ang mga taong may weak immunity at mga may underlying health conditions na negatibong nakakaapekto sa kanilang mga daluyan ng dugo.
“Gangrene diabetes” ang karaniwang hinahanap na komplikasyon. Ito ay dahil ang long-term, hindi nakokontrol na hyperglycemia ay nakakapinsala sa mga ugat at mga daluyan ng dugo.
Paano Nabubuo ang Gangrene mula sa Diabetes?
Ang konsepto ng “gangrene diabetes” ay maaaring masyadong malabo kung ang alam lang natin ay nakakapinsala sa mga daluyan ng dugo at nerves ang long-term, uncontrolled hyperglycemia.
Kaya, paano eksaktong nabubuo ang gangrene o hindi gumagaling na sugat ng diabetic? Tingnan natin ang sagot sa mga sumusunod na konsepto:
- Ang pagtaas ng blood sugar ay humahantong sa pagbaba ng elasticity ng ugat o daluyan ng dugo, na nagiging sanhi ng mga ito na lumiit.
- Negatibong nakakaapekto sa sirkulasyon ang makitid na daluyan ng dugo.
- Upang tangkang mai-ayos ang nabawasang daloy ng dugo, lumawak ang mga arterioles (maliit na arterya). Sa katagalan, ang mekanismong ito ay nagti-trigger lamang ng karagdagang pinsala sa tissue.
- Sa madaling salita, ang problema sa reduced circulation ay nagpapatuloy at lumalala.
Ang mababang suplay ng dugo ay nangangahulugan na ang mga cell ay hindi nakakatanggap ng sapat na nagbibigay-buhay na oxygen. Pagtagal, namamatay ang tissue.
Ang isa pang dahilan kung bakit karaniwang hinahanap ang “gangrene diabetes” ay dahil sa nerve damage.
Tulad ng nasabi kanina, ang injury ay maaaring mag-trigger na magkaroon ng hindi gumagaling na sugat. Unfortunately, ang mga taong may diabetes ay maaaring may neuropathy, na nagpapababa ng kanilang sensasyon. Ang mga pasyente ay maaaring magkaroon ng mga sugat at hindi alam ang tungkol sa mga ito hanggang sa sila ay maging malubha na.
Ang kombinasyon ng mas mataas na risk sa hindi ginagamot na injury at kulang na suplay ng dugo ay nagiging dahilan ng mga taong may hindi makontrol na diabetes na madaling kapitan ng gangrene.
Paano Maiiwasan ng mga Tao ang Gangrene?
Dahil ang hindi gumagaling na sugat ay maaaring kumalat sa malalaking bahagi ng katawan nang mabilis, ang paggamot ay maaaring may kasamang amputation at reconstructive surgery. Ang mga malubhang kaso ng gangrene sa diabetic ay maaari ring humantong sa organ failure at kamatayan.
Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pag-iwas. Anong mga hakbang sa pag-iwas ang maaari mong gawin?
Ang unang hakbang sa pagpigil sa pagkamatay ng tissue ay panatilihing kontrolado ang iyong diabetes. Ibig sabihin maging consistent na abutin ang blood sugar goals. Ito ay pamamagitan ng diet, ehersisyo, mga gamot at follow-up sa doktor. Ang pagkontrol sa iyong kondisyon ay maaaring maprotektahan ang iyong blood vessels at nerves.
Makakatulong din ang mga tip na ito:
- I-check araw-araw ang iyong balat kung may sugat. Bigyan ng espesyal na atensyon ang iyong mga paa dahil ang mga kuko sa paa at mga paa na may diabetes ay karaniwang mga kondisyon at maaari silang maging gangrene kapag hindi ginagamot.
- Kung mapapansin mo ang mga sugat — gaano man kaliit — ipagamot ang mga ito kaagad para maiwasan ang mga impeksyon.
- Panatilihin ang malusog na timbang. Ang sobrang timbang ay naglalagay ng stress sa iyong mga daluyan ng dugo.
- Iwasan o huminto sa paninigarilyo. Ang mga sigarilyo ay nakakasira din sa mga daluyan ng dugo.
Panghuli, laging makipagtulungan sa iyong doktor. Kung may mga tanong tungkol sa iyong kalusugan, mga gamot, diet, at ehersisyo, makipag-ugnayan sa kanila. Ito ay lalo na sa hindi gumagaling na sugat ng diabetic.