backup og meta

Buntis Na May Diabetes: Paano Ito Nakakaapekto Sa Pagbubuntis?

Buntis Na May Diabetes: Paano Ito Nakakaapekto Sa Pagbubuntis?

Itinuturing sa pangkalahatan na malaking isyu sa kalusugan ang diabetes. Lalo sa buntis na may diabetes, dahil pwede itong makasama sa baby. Ang pagwawalang-bahala sa pagtaas ng sugar levels sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring mag-lead sa birth defects — at iba pang mga problema.

Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga para sa bawat babae na tingnan ang kanilang sugar levels sa panahon ng pagbubuntis. Dapat din isagawa ang mga tamang hakbang para matiyak ang mabuting kalusugan ng ina at bata.

Magbasa pa para matuto pa tungkol sa diabetes at pagbubuntis dito.

Buntis Na May Diabetes

Ang diabetes ay isang metabolic disease. Makikita na ang katawan ng tao ay gumagawa ng hormone na tinatawag na insulin. Ito’y tumutulong sa pag-imbak ng sugar sa’yong cells sa tulong ng blood circulation. Nakakatulong din ito para makabuo ng enerhiya sa katawan.

Kung ikaw ay may diabetes, pwedeng hindi mo epektibo na magamit ang insulin o hindi ka gumagawa ng sapat na insulin hormone. Ang diabetes ay may 3 uri na type 1, type 2, at gestational.

  • Type 1 Diabetes: Sa ganitong kondisyon, ang pancreas ay hindi makakagawa ng sapat na insulin sa katawan. Ang tanging paraan para makontrol ang type 1 diabetes ay ang pag-take ng insulin araw-araw.
  • Type 2 Diabetes: Sinasabi na ang katawan ay gumagawa ng kaunting insulin o hindi nagagamit ang nabuong insulin upang gamitin ang blood sugar. Para makagawa ng body energy. Naniniwala ang health experts na ang tamang diyeta. Maging ang daily workout na may medications ay pwedeng magpanatili sa pagkontrol sa type 2 diabetes.
  • Gestational Diabetes: Ang ganitong uri ng diabetes ay nakikita sa mga buntis na walang mga palatandaan ng diabetes sa nakaraan. Pwedeng kontrolin ang diabetes, ngunit minsan inirerekomenda ang pag-inom nila ng insulin.

Para sa bawat uri ng diabetes, maraming gamot na magagamit na inirerekomenda ng health experts. Subalit, ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay may diabetes, at nagpaplanong magbuntis?

Pagpaplano Sa Pagbubuntis Habang May Diabetes

Isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat tandaan. Lalo na tungkol sa diabetes at pagbubuntis ay kung talagang gusto mong magbuntis. Mahalaga na dapat alam mong kontrolin ang iyong blood sugar levels. Sa loob ng 4-7 buwan bago mong subukang magbuntis. Ito’y dahil may mas mataas na risk na pwedeng harapin ang ina at ang baby. Dahil sa mataas na antas ng blood sugar.

Para sa mga ina, maaaring mailagay ang sarili sa risk na lumala ang kidney conditions. Tulad ng impeksyon sa ihi. Gayundin, pwede itong magdulot ng malubhang kondisyong medikal, gaya ng preeclampsia. Ito ay nagreresulta ng pamamaga at nagpapataas ng presyon ng dugo.

Buntis na may diabetes: Epekto sa Baby

Sa unang 8 linggo ng pagbubuntis, ang organs ng isang sanggol, tulad ng utak, baga, at mga paa ay nadedebelop. Ang mataas na blood sugar ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa baby, lalo na sa maagang yugto. Pwedeng tumaas ang panganib ng birth defects.

Sinasabi rin na ang mataas na blood sugar ay pwedeng magpataas ng risk na ang sanggol ay magkaroon ng sobrang timbang. Makaranas ng mga problema sa paghinga, at maipanganak nang wala sa panahon.

Ang mataas na blood sugar ay pwede ring magpataas sa panganib ng pagkalaglag o miscarriage. Maaari rin ito maging dahilan ng pagkamatay ng fetus, o panganganak sa panahon ng ikalawa o ikatlong trimester.

Diabetes At Pagbubuntis: Mga Paghahanda Na Dapat Gawin Sa Pagbubuntis

Nasa ibaba ang mga payo na dapat tandaan. Para sa mga buntis na may diabetes at mga babaeng nagplaplano magbuntis:

  • Kumonsulta sa’yong health expert at kumuha ng tamang gabay.
  • Uminom ng mga iniresetang gamot araw-araw. Sa pamamagitan ng tama o designated manner.
  • Tandaan na ang labis na dosis sa mga gamot ay hindi makakatulong para makontrol ang blood sugar levels.
  • Huwag gumamit ng anumang gamot nang walang konsultasyon o rekomendasyon ng iyong doktor.
  • Panatilihin ang na kontrolado ang blood sugar levels bago o habang buntis.
  • I-maintain ang diabetes meal plan upang makakain sa malusog na pamamaraan.
  • Mag-ehersisyo nang regular o magsagawa ng yoga araw-araw.
  • Uminom ng bitamina araw-araw.
  • I-manage ang iyong stress at pagkabalisa.
  • Iwasan ang alak at paninigarilyo.

Ito ang ilang mga paghahanda na dapat tandaan bago ka magplano na magkaroon ng sanggol habang may diabetes.

Key Takeaways

Kung mayroon kang type 1 o type 2 na diabetes at nag-iisip na magbuntis, laging kumunsulta sa’yong health expert o espesyalista sa kalusugan. Ang pagkakaroon ng diabetes habang nagpaplanong magbuntis ay maaaring magpataas ng panganib, partikular sa ilang mga komplikasyon para sa ina at sanggol. Kaya, pinakamahusay na kumuha ng payo mula sa’yong doktor.
Huwag ring kakalimutan na ang pinakamalusog at pinakaligtas na paraan upang mapangalagaan ang iyong baby ay sa pamamagitan ng pagpapabuti ng iyong pamumuhay. Sikapin din ang pagpapanatiling kontrolado ang mga isyu sa kalusugan, tulad ng diabetes.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Preparing for pregnancy when you have diabetes, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/in-depth/pregnancy-and-diabetes/art-20045054, Accessed on 17/11/2019

Pregnancy if You Have Diabetes, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/diabetes-pregnancy, Accessed on 17/11/2019

Pre-existing diabetes and pregnancy, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/diabetes-during-pregnancy, Accessed on 17/11/2019

Diabetes During Pregnancy, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=diabetes-and-pregnancy-90-P02444, Accessed on 17/11/2019

I have diabetes. What should I know before I get pregnant? https://www.babycentre.co.uk/x546723/i-have-diabetes-what-should-i-know-before-i-get-pregnant, Accessed on 17/11/2019

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement