Ang hormones ay mga chemical na may importanteng role sa ating katawan. At para sa mga diabetic, insulin ang madalas na iniisip ng mga tao kapag nabanggit ang hormones. Pero, may isa pang hormone, ang glucagon, na may importanteng role sa ating katawan. Basahin at mas matuto kung ano ang glucagon at kung paano nito natutulungan ang mga may diabetes.
Function ng Glucagon: Ano Ang Hormone na Ito?
Isa sa mas komplikadong ginagawa ng ating katawan ay ang pagbabalanse ng sugar level sa ating dugo. Ang maraming asukal sa ating dugo ay nagiging sanhi ng pagkasira na ating blood vessels, mga organ, at maging mga nerve. Kung ang blood sugar ay maging mas mababa, maaaring magkaroon ng mga sintomas gaya ng pagkahilo. Kapag ito ay bumaba nang napakababa, maaari pa itong maging sanhi ng pagkahimatay ng isang tao, o makaranas ng diabetic coma.
Para i-manage ang mga level ng sugar sa dugo, ang ating katawan ay gumagamit ng hormones. Isa sa mga hormones ay insulin, na nakakatulong na pigilan ang sobrang pagtaas ng blood sugar levels. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtulong sa katawan sa pagsipsip ng sobrang asukal sa daluyan ng dugo. Alamin kung ano ang glucagon sa katawan.
Ang isa pang mahalagang hormone ay kilala bilang glucagon. Ito ay pumipigil sa blood sugar levels na maging masyadong mababa. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa atay na ilabas ang mga naipon na glucose ng katawan sa daluyan ng dugo.
Ang pagbabalanse na ito ng insulin at glucagon function ay nakakatulong na panatilihing stable ang ating blood sugar level, at pinipigilan itong maging masyadong mataas, o masyadong mababa.
Pero paano naman ang mga taong may diabetes? Paano nakakaapekto kung ano ang glucagon sa kanilang blood sugar levels?
Paano ang mga Diabetic?
Sa mga may diabetes, ang isang alalahanin sa glucagon ay ano ang posibleng pagtaas ng blood sugar levels. Para sa mga may type 1 diabetes, pwedeng mangyari ito bilang resulta ng hindi paggawa ng katawan ng insulin upang mapababa ang blood sugar levels.
Isa pang posibleng scenario na pwedeng mangyari sa may type 1 diabetes ay kung makapag- inject ng sobrang daming insulin sa bloodstream. Ang ginagawa nito ay pinipigilan ang paggawa ng glucagon sa pancreas. Ito ay maaaring maging sanhi ng blood sugar levels na maging delikado na sobrang baba.
Sa kabilang banda, ang mga type 2 diabetic ay maaaring makaranas ng mataas na blood sugar levels dahil sa paggana ng glucagon. Ito ay dahil sa type 2 diabetics, ang katawan ay nagkaroon ng resistance sa insulin. Kaya hindi na nito mabisang malabanan ang mga epekto ng glucagon. Ano ang glucagon sa katawan at ano ang ginagawa nito?
Dapat ding malaman ng mga diabetic kung kailan gumagawa ang katawan ng glucagon. Kung kumakain sila ng carbohydrate-rich foods, bumababa ang produksyon ng glucagon para maiwasan ang pagtaas ng blood sugar. Sa kabilang banda, kung kumain sila ng mas maraming protina kaysa sa carbohydrates, ang pancreas ay gumagawa ng mas maraming glucagon para mapataas ang blood sugar level sa katawan.
Glucagon Upang Pataasin ang Blood Sugar Levels
Sa ilang mga kaso, ang mga doktor ay maaaring magbigay ng glucagon sa pamamagitan ng injection. Ito ay para makatulong na mapataas ang blood sugar levels. Kadalasan, ang mga may type 1 diabetes ang binibigyan ng injection ng glucagon. Ito ay kung ang kanilang blood sugar ay masyadong mababa.
Ang ibang mga pasyente ay maaaring resetahan ng gamot para matulungan na i-regulate ang produksyon ng glucagon sa katawan. Madalas, nagpapababa ang mga gamot na ito ng glucagon level para matulungan na mapababa ang blood sugar.
Key Takeaways
Ang kaalaman kung ano ang glucagon sa katawan, at kung paano nakakaapekto ang ating mga aktibidad sa ating kalusugan ay makakatulong sa atin na maging mas maingat sa mga bagay na ginagawa natin. Kasama din kung paano natin pinangangalagaan ang ating katawan.