Ang continuous glucose monitor ay isa pang device na ginagamit. Mula na rin sa pangalan nito, ang continuous glucose monitor ay maaaring suriin ang sugar level ng isang diabetic nang tuloy tuloy. Bukod dito, hindi kailangan ng pagtusok sa kanilang balat para makakuha ng sample ng dugo. Sa halip, gumagamit ito ng manipis na karayom na nananatili sa balat at tinutulungan itong patuloy na i-monitor ang blood sugar.
Gayunpaman, hindi perpekto ang uri ng monitor na ito. Dahil kumpara sa ibang paraan, hindi pa kasing accurate ng karaniwang blood sugar monitoring.
Karaniwan, sinusuri ng mga pasyente ng type 1 diabetes ang kanilang glucose levels nang hindi bababa sa 4-10 beses sa isang araw.
Hindi lamang ito nakakatulong na matiyak na normal ang kanilang blood sugar levels, ngunit tinutulungan din silang malaman kung epektibo o hindi ang therapy na ginagamit nila upang magamot ang diabetes.
Pagpapalit ng diet
Mahalaga rin para sa mga type 1 diabetic na baguhin ang kanilang mga diet upang umangkop sa tamang mga alituntunin sa gamot ng type 1 diabetes. Karamihan sa mga tao ay karaniwang iniuugnay ang “diabetic diet” sa walang lasang pagkain o ganap na pag-iwas sa asukal. Gayunpaman, ang “diabetic diet” ay hindi talaga kasing higpit ng iniisip ng karamihan.
Ang mga diabetic ay kailangang kumain ng maraming prutas at gulay, at bawasan ang mga matatabang pagkain, animal protein, at carbohydrates.
Ang ganitong uri ng diet ay talagang hindi gaanong naiiba sa ideal diet na inirerekomenda ng maraming doktor at nutritionists.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap