backup og meta

Paano maiiwasan ang stomach cancer? Heto ang mga paraan

Paano maiiwasan ang stomach cancer? Heto ang mga paraan

Pagdating sa mga sakit, ang pag-iwas ay palaging nangunguna sa hanay ng depensa. Ang pag-iwas sa stomach cancer ay ang patuloy na paggawa ng proactive choices para sa mas malusog na pamumuhay. Narito ang listahan kung paano maiiwasan ang stomach cancer. 

Ano ang Mga Pinakamahusay na Paraan para Maiwasan ang Stomach Cancer 

Limitahan ang alcohol intake

Para maiwasan ang cancer kailangan ng mga pagbabago para sa isang malusog at mas mapapanatiling lifestyle. Sa mga paraan na dapat sundin, ang isa sa pinakamahusay na gawin ay limitahan ang alcohol intake.

Tamang-tama ang pag-inom lang ng katamtaman sa mga social gathering, at ang pag-iwas nang lubusan sa labis na pag-inom. Makakatulong din ito sa iyo na maiwasan ang maraming komplikasyon sa kalusugan sa hinaharap.

Huwag mag sigarilyo

Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng maraming iba’t ibang isyu sa kalusugan. Pero partikular na nauugnay sa mas mataas na stomach cancer. 

Iwasan ang smoked, pickled, o inasnan na pagkain 

Sa paglipas ng panahon, bumaba ang mga kaso ng stomach cancer. Ito ay simula nang huminto tayo sa paggamit ng mga preservative methods. Ang mga ito ay tulad ng salting, smoking, at pickling at inilipat sa paggamit ng refrigerators.

Ang mga uri ng pag-iimbak ng pagkain na ito ay may mga sangkap tulad ng nitrates. Ito ay maaaring makairita sa lining ng tiyan at posibleng magkaroon ng stomach cancer.

Panatilihin ang isang malusog na timbang 

Ang kanser sa tiyan ay mas karaniwang nangyayari sa mga taong sobra sa timbang. Kaya ang weight management ay isa sa mga pinakamahusay na paraan kung paano maiiwasan ang stomach cancer. 

In general, ang pagpapanatili ng timbang sa isang healthy level sa pamamagitan ng maayos na exercise routine at tamang diet ay nagpapababa ng risk para sa maraming health issues. Kabilang din dito ang ilang uri ng cancer.

Kumain ng sariwang prutas at gulay

Ang magandang dietary choices ay isa sa mga pinakamahusay na paraan kung paano maiiwasan ang stomach cancer.

Maaaring magdulot ng kakulangan sa nutrisyon ang hindi pagkain ng sariwang prutas at gulay.

Ang diet na mayaman sa beta carotene at bitamina C, na nakukuha sa mga pagkain tulad ng bawang, berdeng tsaa, at mga prutas na sitrus, ay maaaring makatulong na mapababa ang risk para sa stomach cancer. 

Piliin ang mga alternatibong whole grain

Ang pagpili ng mga masusustansyang alternatibo ay isa sa mga pinakasimpleng paraan kung paano maiiwasan ang stomach cancer. 

Isaalang-alang ang pagpapalit ng iyong carbohydrates para sa mga alternatibong whole-grain. 

Mas mayaman ang mga ito sa mga nutrients at mas nakakatulong sa regulasyon ng timbang sa pamamagitan ng mas mahusay na mapagkukunan ng high-quality carbohydrates.

Sundin ang isang healthy eating pattern

Mahalaga rin na sundin ang isang malusog na pattern ng pagkain. Kasama din ang dietary choices mo at schedule. Bigyang-pansin ang sa iyong pang-araw-araw na caloric intake.   

Tiyakin na ang iyong timbang ay nasa healthy range

Ang patuloy na pagkain ng masustansya, balanseng diyeta ay pagtitiyak na makakakuha ka ng tamang dami ng mga bitamina o mineral.  Ito naman, ay magpapanatili sa iyong ligtas sa mga potensyal na mapanganib na kondisyon sa kalusugan, kabilang ang kanser sa tiyan.

Isaalang-alang ang mga dietary supplement

Ang isang pag-aaral ay nagpapakita na ang beta carotene, bitamina C, at selenium supplement ay nagpababa ng bilang ng mga namamatay na may kaugnayan sa stomach cancer. Gayunpaman, ang mga diet ng mga taong ito ay hindi isinasaalang-alang, kaya maaaring nagkaroon ng dati nang kakulangan sa mga pasyenteng pinag-aralan. 

Bagama’t ang pamamaraang ito ay hindi kasing tatag ng iba pang mga rekomendasyon sa artikulong ito, ang dietary supplements ay maaaring makatulong sa kakulangan sa sustansya. Ito ay kung ikaw ay ginagabayan ng mga propesyonal tulad ng iyong dietician at doktor.

Bawasan ang paggamit ng painkiller 

Ang mga over-the-counter na anti-inflammatories at painkiller tulad ng aspirin at ibuprofen ay nauugnay sa irritation ng tiyan at colon na maaaring maglagay sa iyo sa mataas na panganib ng mga sakit sa tiyan at colon kabilang ang  stomach cancer.

Genetic testing at risk assessment

Ang tamang pagtatasa ng panganib na ginawa ng mga espesyalista sa kanser ay maaaring maging isang magandang paraan kung paano maiiwasan ang stomach cancer at iba pang mga sakit sa pangkalahatan. Ang genetic testing ay isa sa mga pamamaraan na ginagawa nito.

Maaaring gusto mong isaalang-alang ang genetic testing. Ito ay kung mayroon sa iyong malapit na pamilya na na-diagnose na may stomach cancer. O kung Type A ang dugo mo o anumang nauugnay na kondisyon tulad ng familial adenomatous polyposis, hereditary non-polyposis cancer, at Li-Fraumeni syndrome.

Ang hereditary nonpolyposis cancer, na kilala rin bilang Lynch syndrome kung ito ay lumitaw sa colon at rectum, ay nauugnay sa mataas na panganib ng cancer hindi lamang sa tiyan kundi pati na rin sa mga ovary, maliit na bituka, at urinary tract. Ang Li-Fraumeni syndrome ay isang hereditary disorder na maaaring gawing mas malamang na magkaroon ng kanser ang carrier nito. 

Paggamot sa mga kaugnay na kondisyon

Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan kung paano maiiwasan ang stomach cancer ay ang paggamot sa mga kaugnay na kondisyon na maaaring magpapataas ng iyong panganib.

Ang unang nauugnay na kondisyon ay ang impeksyon ng Helicobacter pylori, na sanhi ng bakterya na may parehong pangalan. Maaaring makaapekto sa lining ng tiyan at maging sanhi ng ulcers ang impeksyong ito.

Kung mayroon kang stomach ulcers, mas mabuti kung magpasuri ka para sa H. pylori upang maalis ang posibilidad ng cancer sa tiyan na dulot ng bacteria.

Ang pangalawang kaugnay na kondisyon ay ang intestinal metaplasia kung saan pinapalitan ng mga cell na bumubuo sa linings ng bituka ang mga matatagpuan sa lining ng tiyan. Nagdudulot ito ng mga isyu sa pangangati at posibleng paglaki sa tiyan na katulad ng intestinal cancer. 

Ang chronic atrophic gastritis, na kinabibilangan ng madalas na pamamaga sa tiyan ay nagiging sanhi ng pagnipis ng lining nito.

Pernicious anemia na sanhi ng kakulangan sa bitamina B12. Panghuli, ang mga gastric polyp ay maaari ding mag-ambag sa panganib ng stomach cancer. At kaya ito ay isang kondisyon na dapat magamot.  

Key Takeaways

Nasa panganib ka man ng kondisyong ito o hindi, mahalagang malaman ang mga paraan kung paano maiiwasan ang stomach cancer. Sa paggawa nito, hindi mo lamang binabawasan ang panganib ng kanser, kasama rin ang iba pang mga kaugnay na kondisyon. Higit pa rito, ang pagnanais na mamuhay na may healthy lifestyle ay maaaring mapalakas ang iyong pangkalahatang kagalingan. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stomach Cancer Prevention https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/cancer/stomach-cancer/stomach-cancer-prevention.html Accessed January 4, 2021

Stomach Cancer: Causes, Risks, Prevention https://www.cancer.org/cancer/stomach-cancer/causes-risks-prevention/prevention.html Accessed January 4, 2021

Stomach Cancer Prevention https://www.cancer.gov/types/stomach/patient/stomach-prevention-pdq Accessed January 4, 2021

Risks, Genetics, & Prevention of Stomach Cancer

https://www.nostomachforcancer.org/about/risk-prevention Accessed January 4, 2021

Gastric cancer: prevention, risk factors and treatment

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4017429/ Accessed January 4, 2021

Kasalukuyang Version

06/21/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Cancer Sa Tiyan Na Dapat Mong Makita At Malaman!

Gaano Kataas ang Survival Rate ng Stomach Cancer na Stage 3?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement