backup og meta

Ano ang Survival Rate ng Prostate Cancer?

Ano ang Survival Rate ng Prostate Cancer?

Sa panahon ngayon, mayroong napakataas na survival rate ng prostate cancer. Ito ay sa kadahilanan ng developments ng modern medicine, maging ang pagkakaroon ng mataas ng kamalayan sa sakit na ito, na nagbibigay ng daan sa maagang pag-alam at lunas.

Gayunpaman, mahalaga pa rin na harapin ang realidad na ang cancer ay maaaring nakamamatay na sakit. Ang pag-alam sa posibilidad ng survival ay makatutulong sa mga tao na maunawaan nang maayos ang kanilang kondisyon. At maaaring makapaghanda sila sa kung anong inaasahan sa hinaharap.

Survival Rate ng Prostate Cancer: Ano ang Posibilidad?

Isang bagay na karaniwan sa halos lahat ng porma ng cancer ay ang maagang pag-alam nito ay makapagpapataas ng survival rate. Ito ay pareho lamang sa kaso ng prostate cancer. Ang magandang balita ay ang prostate cancer ay isa sa pinaka survivable na porma ng cancers.

Kaya’t maraming mga doktor na nagrerekomenda na ang mga lalaking 50 taon o mas matanda ay kailangan na magpatingin kada taon sa prostate cancer screening. Ang pagtukoy sa sakit nang mas maaga ay may kahulugan na kayang magamot ito ng mga doktor habang maliit pa lamang ang cancer. At ang paggawa nito nang mabilis ay may tsansa ng survival.

Nangangamba sa kalusugan ng prostate? Subukan ang aming Prostate Health Screener:

Ayon sa estima, nasa 80% hanggang 85% ng mga lalaki na mayroong stage I, II o III na prostate cancer ay maaaring maging cancer-free sa susunod na 5 taon. Syempre, ito ay kung ang pasyente ay sumailalim sa gamutan para sa kanilang kondisyon.

Sa kabilang banda na may mataas na survival rates ng stage I, II, at III, ang stage IV na prostate cancer ay may survival rate na 28%. Sa stage IV, ang cancer ay kadalasang kumakalat na sa buong katawan, at dahil dito mahirap na itong gamutin.

Ang survival rate ng prostate cancer ay mataas sa maagang pagtukoy ng stages dahil ito ay nagagamot na porma ng cancer. Kaya’t mahalaga para sa mga lalaki na alalahanin ang kalusugan ng kanilang prostate. Dapat din na magkaroon sila ng regular na screenings habang tumatanda.

Ano ang mga Posibilidad ng Pagkakaroon ng Prostate Cancer?

Sa United States, ang prostate cancer ay nasa rank ng pinaka karaniwang diagnosed na uri ng cancer. Nasa 1 sa 8 lalaki sa United States ang diagnosed ng prostate cancer sa bahagi ng kanilang buhay. Syempre, ang bilang na ito ay maaaring magbago mula sa iba’t ibang bansa. Karagdagan, mas matanda ang isang lalaki, mas mataas ang tsansa na sila ay ma-diagnose ng prostate cancer.

Ang mga lalaking mas bata sa 40 ay kaunti at madalang ang tsansa ng pagkakaroon ng prostate cancer, habang ang mga lalaki na nasa edad na higit sa 60 ay mas mataas ang tsansa. Inestima na nasa 60% ng mga kaso ng prostate cancer ay diagnosed sa mga lalaking nasa edad na 65 pataas.

Sa kabila ng lahat, ang estadistika na ito ay hindi isinasaalang-alang ang lahat ng salik na maaaring maging sanhi ng cancer. Ang mga numerong ito ay hindi makatutukoy kung ikaw ay maaaring magkaroon o hindi ng cancer. Maging kung gaano kabuti ang babala kung ikaw ay nagkaroon ng prostate cancer.

Ang pinakamainam na gawin ay kausapin ang iyong doktor tungkol dito. Kung nag-aalala tungkol sa mga banta ng prostate cancer, ang pakikipag-usap sa doktor ay maaaring magbigay sa iyo ng ilang reassurance.

Susi ang Maagang Pagtukoy

Ang pinakamahalagang bagay sa lahat ng cancers, lalo na sa prostate cancer ay magpatingin nang maaga at regular. Tumataas ang survival rate ng prostate cancer sa maagang pagtukoy nito at paggamot. Kaya’t gawin itong top priority na magpa-screen kung ikaw ay 50 taong gulang o mayroong history sa pamilya ng prostate cancer.

Hindi lamang nakatutulong ang screening upang matignan kung may cancer. Nakatutulong din na malaman ang ibang mga kaugnay ng problema.

Kung ikaw ay diagnosed ng prostate cancer, kailangan mong malaman na hindi ka nag-iisa. Ang sakit na ito ay maaaring magamot at ang kalalabasan ay bumubuti kada taon. Huwag mag-alinlangan na talakayin ang mga ito kasama ng iyong doktor. Makatutulong sila na maging maayos ang iyong kondisyon hanggang sa ikaw ay gumaling.

Matuto pa tungkol sa Prostate Cancer dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Prostate Cancer Prognosis | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/prostate-cancer/prostate-cancer-prognosis, Accessed October 25, 2021

2 Prostate Cancer Survival Rates | Prostate Cancer Foundation, https://www.pcf.org/about-prostate-cancer/what-is-prostate-cancer/prostate-cancer-survival-rates/, Accessed October 25, 2021

3 Survival Rates for Prostate Cancer, https://www.cancer.org/cancer/prostate-cancer/detection-diagnosis-staging/survival-rates.html, Accessed October 25, 2021

4 Prostate Cancer: Statistics | Cancer.Net, https://www.cancer.net/cancer-types/prostate-cancer/statistics, Accessed October 25, 2021

5 Prostate cancer survival statistics | Cancer Research UK, https://www.cancerresearchuk.org/health-professional/cancer-statistics/statistics-by-cancer-type/prostate-cancer/survival, Accessed October 25, 2021

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga herbal para sa prostate

Alamin: Mga Pagkain Na Makatutulong Sa Pag-Iwas Sa Prostate Cancer


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement