Anumang cancer therapy ang iyong isinasagawa, ang iyong diet ay maaapektuhan nito. Ito ay dahil ang pancreas ay mahalaga sa pagkontrol ng blood sugar at pagtunaw ng pagkain. Ano ang mga tamang pagkain para sa pancreatic cancer? Ano ang maaaring kainin na makatulong sa paggaling? Alamin sa artikulong ito.
Tips Para Sa Masustansyang Pagkain Ng May Cancer
1. Panatalihin at bantayan ang tamang timbang
Karaniwan lamang na maranasan ang pagbaba ng timbang matapos ma-diagnose ng pancreatic cancer at magsimulang sumailalim sa therapy. Ang kakayahan ng katawan na labanan ang sakit at tiisin ang therapy ay maaaring mabawasan dahil sa lubhang pagbaba ng timbang at mahinang nutrisyon.
[embed-health-tool-bmi]
2. Manatiling hydrated
Upang maiwasan ang dehydration habang sumasailalim sa gamutan sa cancer, uminom ng maraming fluids.
3. Madalas na pagkain nang kaunti
Magkakaroon ng sapat na sustansya ang katawan upang matiis ang therapy sa pamamagitan ng madalas na pagkain nang kaunti. Kung nakararanas ng side effects ng gamot tulad ng pagduduwal at anorexia, ang mas kaunting pagkain ay kadalasang mas madaling tiisin. Mag-alarm upang paalalahanan ang sarili na kumain ng lima hanggang anim na meals sa isang araw, kada tatlo hanggang apat na oras.
4. Kumain ng mga pagkaing mataas sa protina
Ano ang pagkain para sa pancreatic cancer? Ang mga pagkaing mataas sa protina ay nakatutulong sa kakayahan ng katawan na ayusin ang nasirang cells at tulungan ang immune system na maka-recover mula sa sakit. Ang mga sumusunod na pagkain ay dapat isama sa kada meal at meryenda dahil madaling matunaw ang mga ito: itlog, baked, inihaw, o pinakuluang lean meat tulad ng manok, pabo, at isda; nut butters tulad ng almond, cashew, o mani; mga produktong dairy na mababa sa fat tulad ng gatas, yogurt, at keso; beans; mga produktong soy/tofu; at protein bars.
5. Isaalang-alang ang pagkain ng smoothies o liquid na vitamins
Minsan ang pagkain ay nawawalan ng appeal o nagiging mahirap tunawin bilang isang side effect ng gamutan. Ang liquids ay karaniwang mas mainam i-tolerate at mas madaling matunaw kung nahihirapan sa panunaw. Tiyaking ang supplements ito ay mataas sa protein. Makakatulong sa pagkain ng mas maraming calories ang mga inuming may protina, sabaw ng buto na isinama sa pagkain, milkshakes na gawa sa Greek yogurt o mils na mataas sa protina, pureed na sabaw, at smoothies.
6. Pumili ng mga pagkaing madaling tunawin para sa iyong diet
Maaaring maapektuhan ang panunaw ng side effects ng pancreas cancer therapy. Ang mga pagkain na tinadtad, malambot, o pinakuluan ay mas madali para sa katawan na matunaw. Kung makaranas ng kahirapan sa pagtunaw ng pagkain, iwasan ang mga pagkaing tulad ng pulang karne, baboy, at hilaw na gulay.
7. Pumili ng mga produktong whole grain
Maaaring makuha ng katawan ang lakas nito mula sa whole grains dahil nagtataglay ang mga ito ng fiber at complex carbohydrates: oatmeal, whole grain bread, brown rice, whole grain pasta, bulgur, corn, farro, quinoa, at whole grain pasta.
8. Mainam ang mga pagkaing may kulay
Makatutulong upang maiwasan ang cancer sa tulong ng mga prutas at gulay na puno ng antioxidants. Kumain ng hindi bababa sa limang servings ng prutas at gulay kada araw.
9. Magdagdag ng ilang good fats
Ang mga hindi healthy na prito, mamantika, at matatabang pagkain ay maaaring makasira ng tiyan at makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang kapaki-pakinabang na fats ay nagbibigay-proteksyon sa organs, nakahihikayat ng paglaki ng cell, at nagbibigay ng lakas: avocado, seeds, mani, matabang isda, at canola oil.
10. Limitahan ang mga matatamis na pagkain at inumin
Ang mga pagkaing mataas sa asukal ay madalas na mahirap matunaw para sa mga taong may pancreatic cancer. Ang mga pagkain tulad ng soda, cake, kendi, o mga minatamis ay maaaring makapagpataas ng lebel ng blood sugar habang walang naibibigay na sustansya. Iwasan ang mga ito at palitan ng mas masusustansya.
11. Bantayan ang mga pagbabago sa mga gawi sa pagdumi
Ang pagtatae, pagtitibi, bloating, at gas ay ilan lamang sa mga gawi sa pagdumi na maaaring magbago bilang resulta ng pancreatic cancer at ng therapies nito. Ipagbigay-alam sa medical staff kung may napansing anomang mga pagbabago sa gawi sa pagdumi. Posibleng kailanganing ayusin ang diet, uminom ng iba pang mga gamot, o magkaroon ng mga karagdagang pancreatic enzymes na may meals. Ang mga ito ay maaaring magpadali ng asimilasyon ng mga bitamina at sustansya mula sa diet.
12. Manatiling aktibo
Ang pag-eehersisyo ay maaaring normal na makapagpagutom at makapagpalabas ng endorphins. Ang pananatiling aktibo ay maaaring makapagpaginhawa ng pakiramdam at mahikayat na kumain nang marami. Upang gawing mas kasiya-siya ang pagkain, makipag-usap sa mga mahal sa buhay at kaibigan habang kumakain hangga’t maaari.
Pagkain Para Sa Pancreatic Cancer: Mga Dapat Iwasan
Ano ang ilang uri ng pagkain para sa pancreatic cancer? Ang ilang mga pagkain ay maaaring mahirap matunaw para sa pasyente, na maaaring makapagpalubha ng mga sintomas. Ang mga pagkaing maaaring makapagpalubha ng mga sintomas tulad ng pagtatae o pagsusuka ay dapat iwasan, kahit na sa maikling panahon. Gayundin, ang pagkain ng ilang pagkain ay maaaring makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon muli ng pancreatic cancer.
Mga Hindi Dapat Kainin
- Ang mga pulang karne at mga processed na pagkain ay mga pagkaing mahirap matunaw na may kaugnayan sa tyansa pagkakaroon ng kanser.
- Ang prito, mataba, o mataas sa fats na meals ay maaaring makapagpalubha ng mga sintomas na nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam tulad ng pagtatae at pag-utot.
- Maaaring makapagpalubha ng pancreatic cancer o makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon nito ang alak at labis na pag-inom.
- Ang refined carbs, asukal, simple carbs, at matatamis na pagkain o inumin ay minsan mahirap matunaw para sa mga pasyenteng may pancreatic cancer. Ang mga ito ay ay may calories na walang kabuluhang mga calorie sa nutrisyon.
Supplements At Enzymes Na Dapat Inumin
Paano kung mahirap matunaw ang pagkain para sa mga pasyenteng may pancreatic cancer? Ang katawan ay gumagamit ng enzymes upang tunawin ang mga protina at lipids. Kung kailangan ng operasyon, ang isang bahagi ng pancreas ay aalisin. Bilang resulta, magpoprodyus ito ng mas kaunting enzymes, na mas magpapahirap sa pagtunaw. Kung ang iyong katawan ay hindi nagpoprodyus ng sapat na pancreatic enzymes nang kusa, maaaring magpayo ang doktor na uminom ng supplements, na karaniwang iniinom bago kumain upang matulungan ang iyong katawan na mas matunaw ang pagkain.
Kung hindi kayang tiisin ang pagkain habang sinusubukang magbawas ng timbang, maaaring makatulong ang nutritional supplements. Upang makatulong na matugunan ang pang-araw-araw na mga pangangailangan sa nutrisyon, kumonsulta sa iyong doktor at nutritionist tungkol sa smoothies, powder proteins, at mga bitamina.
Sa kasalukuyan, may magkasalungat na ebidensya tungkol sa mga epekto ng vitamin D. Ang matatabang isda tulad ng salmon, bakalaw, herring, at sardinas ay kabilang sa mga pagkaing may pinakamataas na vitamin D. Subalit ang sikat ng araw ay madalas na pinakamahusay na mapagkukunan nito. Natuklasan sa pananaliksik na ang vitamin D ay may mga epektong anti-cancer at maaaring makatulong sa mga may pancreatic cancer.
Key Takeaways
Maaaring makatulong ang malusog na diet upang manatiling aktibo, at mas handa na harapin ang cancer at gumaling mula rito. Ang mga pinipiling pagkain ay maaaring makatulong upang mabawasan ang marami sa pinakamahirap na sintomas na kaugnay ng diagnosis.
Ano ang pagkain para sa pancreatic cancer? Kumonsulta sa iyong doktor at dietician. Sa ganitong paraan, kayo ay maaaring makabuo ng isang customized na paraan na nakasentro sa iyong mga pangangailangan.
Matuto pa tungkol sa Cancer dito.