backup og meta

Sintomas Ba Ng Cancer Ang Pagtatae? Alamin Dito

Sintomas Ba Ng Cancer Ang Pagtatae? Alamin Dito

Madalas nating tratuhin ang pagtatae bilang isang sakit. Ngunit sa katunayan, ito ay maaaring isang sintomas ng iba pang pangkalusugan na kondisyon. Sa karamihan ng kaso, ang pagkain ng nakontamina o napanis na pagkain ay nagreresulta sa pagtatae. Ngunit alam mo ba na mayroong kasing seryoso ng cancer na nagsasanhi ng maluwag, matubig na pagdumi? Sa artikulong ito, sasagutin natin ang tanong na: sintomas ba ng cancer ang pagtatae?

Ano Ang Chronic Diarrhea?

Marahil ikaw ay pamilyar sa pagtatae. May posibilidad na ikaw ay nakaranas na nito kahit isang beses. Gayunpaman, habang inuunawa namin na ang pagtatae ay madalas, maluwag, at matubig na pagdumi, kailangan naming linawin kung ano ang ibig sabihin kung ito ay dadagdagan ng salitang “chronic.” 

Ang chronic ay nangangahulugang pangmatagalan, ito ay nagpapaliwanag na nangyayari sa kasalukuyang oras. Ayon sa American College of Gastroenterology, ang chronic diarrhea ay nangyayari kung ang tao ay nakararanas ng madalas, matubig na pagdumi na lagpas ng 4 na linggo. 

Maraming doktor ang nagsasabi na ang chronic diarrhea ay dapat maging rason ng pag-aalala hindi lamang dahil sa mga komplikasyong dala nito (tulad ng dehydration), ngunit dahil na rin sa maaari itong sintomas ng malalang problema tulad ng cancer. Kailan nagiging sintomas ng cancer ang pagtatae? Ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman.

Kailan Nagiging Sintomas ng Cancer ang Pagtatae 

Sa pagkakataong ito, marahil ikaw ay nagtataka: paanong ang simpleng maluwag, matubig na pagdumi ay magreresulta sa seryosong kondisyon tulad ng cancer? Kailan nagiging sintomas ang cancer ang chronic diarrhea? 

Sa pag-uumpisa, ang malabnaw na dumi ay maaaring mangyari dahil sa tumor na malapit sa organs na responsable sa pagdumi. Kailan nagiging sintomas cancer ng chronic diarrhea? Isang halimbawa nito ay ang rectal cancer. Kung ang tao ay mayroong tumor sa kanilang rectum, maaari nitong mabago ang pagpapanatili, dalas, at sukat ng dumi. Karaniwang sintomas dito ay nag-iiba ang laki o sukat ng dumi. 

Mayroon ding mga pagkakataon na mahirap ang pagproseso ng pagkain na nagdudulot ng pagtatae, sa kaso ng pancreatic cancer. Ang ating pancreas ay responsable sa paglalabas ng mga enzyme na tumutulong sa pagproseso ng mga matatabang pagkain. Ang paglaki ng tumor sa pancreas ay maaaring bumara sa pancreatic ducts, nagsasanhi ng kakulangan sa enzymes sa bituka. Sa limitadong enzymes upang masira ang mga taba, ang pagkain ay hindi na maayos na na proseso at ang pagtatae ay maaaring mangyari. 

Sa huli, ang cancer sa organs na responsable sa pagdurumi ay maaari ding magdulot ng pagtatae.

Ano ang mga Uri ng Cancer na Nagsasanhi ng Pagtatae?

Ngayon na ating nasagot ang tanong sa: sintomas ba ng cancer ang pagtatae?

Marahil ikaw ay nagtataka: anong mga cancer ang nagdudulot ng pagtatae? Narito ang mga tala:

  • Colon cancer
  • Rectal cancer
  • Pancreatic cancer
  • Lymphoma
  • Medullary carcinoma ng thyroid gland

Ang carcinoid syndrome ay maaari ding magdulot ng maluwag, matubig na pagdumi. Nangyayari ang carcinoid syndrome kung ang tao magkakaroon ng carcinoid na tumor, ito ay espesyal na uri ng tumor na naglalabas ng mga kemikal sa ugat. Karaniwan itong lumalaki sa baga at gastrointestinal tract.

Kailan Dapat Humingi ng Medikal na Tulong?

Dahil isang pangkaraniwang kondisyon ang pagtatae, maraming tao ang hindi nagpapatingin  sa doktor kung ito’y kanilang nararanasan. Gayunpaman, ngayong naunawaan mo na ang pagtatae ay maaaring sintomas ng cancer, dapat ka na maging mas mapagmasid. 

Agad na pumunta sa doktor kung ikaw ay: 

  • Nakararanas ng mula 6 o higit pa na maluwag, matubig na dumi sa loob ng 2 araw pataas
  • Nahihilo habang nagdurusa sa pagtatae
  • Nakakikita ng dugo sa dumi o sa rectal area
  • Nagtatae o may cramps na higit sa isang araw
  • Nakararanas na ng pagbaba ng timbang kasabay ng pagtatae
  • Nagiging mahirap ang pagkontrol sa pagdumi
  • Nagkakaroon ng lagnat na may temperaturang 38 C pataas 

Tandaan na ang pagtatae, partikular ang chronic ay maaaring mauwi sa malalang dehydration. Sa ganitong rason, humingi ng medikal na tulong kung nakakikita ng sintomas ng dehydration tulad ng madilaw na ihi, tuyot na balat, matamlay na mga mata, at mabilis na paghinga at tibok ng puso. 

Karagdagan, kausapin din ang iyong dokor kung ang iyong diarrhea ay nagdudulot sa iyo ng kahirapan sa pagkilos sa araw-araw.

Paano Kayanin ang Diarrhea? 

Upang matulungan kang i-manage ang iyong pagtatae, maaari mong sundin ang mga sumusunod:

  • Kumain paunti-unti sa buong araw kaysa sa mabigat na pagkain
  • Uminom ng mga likido tulad ng tubig, sabaw at apple juice.
  • Iwasan ang mga pagkain na makapagpapalala sa iyong sintomas, kabilang dito ang alcohol, maaanghang, matabang pagkain, at dairy.
  • Isaalang-alang ang pag-inom ng probiotics dahil nakatutulong ito para maibalik ang normal na pagtutunaw ng kinain.
  • Kung mapansin na ang iyong pagdumi ay bumubuti, magdagdag ng low-fiber na pagkain sa iyong diet. 

Sa kabila ng lahat ng mga paalalang ito, ang iyong pangunahing prayoridad ay alamin ang kondisyon na nagdudulot ng maluwag na pagdurumi. Kaya, ang pagpunta at pagpapatingin sa doktor ay kinakailangan. 

Paalala

Bagaman ating napag-usapan ang tungkol sa chronic diarrhea bilang sintomas ng cancer, mahalagang maunawaan na ang pagtatae ay may kasamang pagbabago sa dumi. 

Tingnan natin ang senaryong ito: isang pasyente ang mayroong colon cancer at maaari ding magkaroon ng pagsakit ng tiyan at pagtatae. Ito ay nangangahulugang sa sandaling pagkakataon, sila rin ay mahihirapan sa pagpapalabas ng dumi at makararanas ng maluwag, matubig na pagdumi. 

Sa ibang pagkakataon, ang mga pasyente ay mapapansin ang kaibahan sa kanyang dumi, tulad ng pagnipis at pagbabagong kulay. Halimbawa, ang itim na dumi ay mayroong indikasyon na mayroong pagdurugo sa digestive tract at ang dugo ay natuyo at naresulta sa pag-itim ng kulay. 

Sa huli, mahalaga ang maging mapagmatyag sa mga pagbabago sa iyong katawan. Kung ikaw ay naka pansin ng anumang pagbabago at pakiramdam na wala sa iyong pang-araw-araw na gawain, agad na kausapin ang iyong doktor. 

Mahalagang Tandaan

Sintomas ba ng cancer ang pagtatae? Maaari, lalo kung ito ay malala at sinasamahan ng pagbabago sa dumi. Sa malalang pagdurumi, ang rule of thumb ay upang maiwasan ang dehydration at matukoy ang pinaka sanhi nito. Maaari mong mapagtagumpayan ito sa pagpapatingin sa doktor para sa maayos na diagnosis. 

Matuto pa tungkol sa Cancer rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payol, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diarrhea
https://www.cancer.net/coping-with-cancer/physical-emotional-and-social-effects-cancer/managing-physical-side-effects/diarrhea
Accessed August 12, 2020

Diarrhea: Cancer-related causes and how to cope
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cancer/in-depth/diarrhea/art-20044799#:~:text=can%20cause%20diarrhea.-,Cancer%20itself.,thyroid%20gland%3B%20and%20pancreatic%20cancer.
Accessed August 12, 2020

Chronic Diarrhea Due to Metastatic Breast Cancer
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1681592/
Accessed August 12, 2020

Symptoms of Pancreatic Cancer
https://columbiasurgery.org/pancreas/symptoms-pancreatic-cancer#:~:text=In%20Pancreatic%20Cancer%3A%20Digestive%20difficulties,block%20in%20the%20digestive%20tract.
Accessed August 12, 2020

Colorectal Cancer Signs and Symptoms

https://www.cancer.org/cancer/colon-rectal-cancer/detection-diagnosis-staging/signs-and-symptoms.html Accessed September 8, 2021

“It can’t be very important because it comes and goes”—patients’ accounts of intermittent symptoms preceding a pancreatic cancer diagnosis: a qualitative study

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3932002/

Accessed September 8, 2021

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Colon Cancer?

Halamang Gamot para sa Diarrhea: Heto ang Dapat mong Subukan


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement