backup og meta

Cancer sa atay: Ano ang epekto nito sa iyong katawan?

Cancer sa atay: Ano ang epekto nito sa iyong katawan?

Mga Uri

Ang primary liver cancer ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa atay. Maaaring ma-develop ang ilang cancer sa labas ng atay pagkatapos ay kumalat sa atay. Gayunpaman, ang mga doktor ay nagsasabi na cancer sa atay ito kung nagsimula lamang sa atay.

Nangyayari ang cancer na ito kapag ang liver cells ay nagsimulang magbago at lumaki ng husto. Pinapalitan ng cells na ito ang normal cells, na makakaapekto sa function ng atay mo.

Naniniwala ang American Cancer Society na humigit-kumulang 42,810 katao sa 2020 ang magkakaroon ng diagnosis ng liver cancer. Dagdag pa rito, tatlong beses na mas maraming insidente ng nito mula noong 1980.

Mga Uri ng Cancer sa Atay

Bukod sa kaalaman kung ano ang nangyayari sa cancer sa atay, nakatutulong ito na maunawaan ang mga posibleng uri: Primary o secondary. Ang primary liver cancer ay nagsimula sa atay.

Kung ang cancer ay nagsimula sa ibang bahagi at napunta sa atay, ito ay secondary liver cancer na metastatic sa atay.

Karamihan ay tungkol sa primary liver cancer ang mga facts na binabanggit dito.

Ito ang apat na pangunahing uri ng primary liver cancer.

  • Hepatocellular Carcinoma (HCC) Kilala rin bilang hepatoma, ito ang pinakakaraniwang uri ng cancer sa atay, dahil ito ang bumubuo ng humigit-kumulang 75% ng mga cancer na ito. Ang ganitong uri ay maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng tiyan at bituka. Karaniwan itong nangyayari kapag ang labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot ng matinding pinsala sa atay.
  • Fibrolamellar HCC. Ito ay isang mas bihirang anyo ng HCC. Madalas itong nangyayari sa mga kabataan. Madalas na nagre-respond ito nang maayos sa treatment kumpara sa iba pang uri ng nito.
  • Bile Duct Cancer (Cholangiocarcinoma). Nabubuo ito sa maliliit na duct ng atay. Mayroong dalawang uri ng ganitong cancer. Ang intrahepatic bile duct cancer ay nangyayari kapag ang cancer ay nagsimula sa bahagi ng mga duct na nasa loob ng atay. Ang extrahepatic bile duct cancer ay kapag nagsimula ang cancer sa bahagi ng mga duct na nasa labas ng atay. 
  • Hepatoblastoma. Isa itong napakabihirang uri ng cancer sa atay. Kadalasan, natutukalasan ito sa mga batang 3 taong gulang pababa. Kung magagamot ito sa early stages, may 90% o mas mataas pa ang tyansa ng paggaling.
  • Liver Angiosarcoma. Isang bihirang uri ng cancer sa atay na nagsisimula sa blood vessels ng atay. Karamihan sa mga tao ay nasuri lamang na may ganitong uri kapag nasa advanced stage na ito dahil madalas itong mag-progress nang mabilis. 

Mga Palatandaan at Sintomas

Maaaring hindi napapansin ng maraming tao ang mga sintomas ng liver cancer habang ito ay nasa early stages. Ang ilang mga karaniwang sintomas ay:

  • Fatigue
  • Panghihina
  • Panlalambot ng tiyan, pananakit, at discomfort
  • Madaling dumugo o magkapasa
  • Jaundice, paninilaw ng mga puti ng iyong mga mata at balat
  • Pagsusuka
  • Pagduduwal
  • Chalky, puting dumi
  • Pananakit malapit sa kanang shoulder blade
  • Pagkakaroon ng likido o pamamaga sa tiyan
  • Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
  • Nangangati
  • Back pain
  • Walang gana kumain
  • Lagnat
  • Pakiramdam na busog pagkatapos kumain nang kaunti

Mga Sanhi at Risk Factors

Ang liver cancer at nangyayari kapag ang DNA ng cell ng atay ay nagkakaroon ng mutation. Maaaring magkakaiba ng mga sanhi ng cancer na ito.

Halimbawa, ang pag-abuso sa alkohol at cirrhosis ay maaaring humantong sa cancer sa atay. Gayunpaman, posible rin na magkakaroon ng hindi alam na dahilan. Ang mga taong walang underlying diseases ay maaaring magkaroon ng liver cancer. 

Risk Factors

May ilang mga dahilan na maaaring magpataas ng panganib mo na magkaroon nito, na maaaring kabilang ang:

  • Alcohol abuse, lalo na kapag umiinom ka ng alak araw-araw sa loob ng maraming taon, na nagdudulot ng hindi maibabalik na pinsala sa atay
  • Exposure sa mga aflatoxin o lason na ginawa ng fungi na matatagpuan sa mga pananim tulad ng mais (mais at mani)
  • Non-alcoholic fatty liver disease
  • Diabetes
  • Ang ilang mga minanang sakit sa atay tulad ng Wilson’s disease.
  • Cirrhosis
  • Chronic infection sa hepatitis B virus o hepatitis C virus

Diagnosis at Paggamot

Para masuri, maaaring gawin ng doktor ang mga sumusunod na procedures at tests:

  • Imaging tests tulad ng MRI, CT, at ultrasound
  • Blood tests upang hanapin ang mga abnormalidad sa paggana ng atay
  • Liver biopsy

Paano Gamutin ang Cancer sa Atay

Karamihan sa mga pasyente ay makakakuha ng indibidwal na paggamot para sa cancer sa atay. Bawat pasyente ay magkakaroon ng iba’t ibang pangangailangan depende sa kung anong stage na sila, lalo na kung may iba pa silang mga kondisyon. Ibig sabihin, maaaring hindi pareho ang paggamot mo sa ibang pasyenteng mayroon nito.

Mga karaniwang uri ng treatment:

  • Operasyon. Ito ay maaaring liver transplant sa isang operasyon upang alisin ang tumor
  • Pag-freeze sa mga cancer cells para sirain ang mga ito
  • Radiofrequency ablation para painitin ang cancer cells hanggang sa sila ay masira
  • Paglalagay ng beads na puno ng radiation sa atay upang maghatid ng radiation sa tumor
  • Pag-inject ng chemotherapy drugs sa iyong atay
  • Pag-inject ng alkohol sa iyong tumor
  • Radiation therapy (kadalasan para sa advanced liver cancer)
  • Chemotherapy (kadalasan para sa advanced liver cancer)
  • Immunotherapy (kadalasan para sa advanced liver cancer)
  • Targeted drug therapy (kadalasan para sa advanced liver cancer)
  • Supportive (palliative) na pangangalaga (para sa pagpapagaan ng mga sintomas)

Pag-iwas

Maiiwasan ba ang Cancer sa Atay?

Gaya ng nabanggit kanina, may mga pagkakataong hindi alam ang sanhi nito. Gayunpaman, maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng liver cancer mula sa mga kilalang sanhi nito.

Narito ang ilan sa mga pinakamahusay na tip sa pag-iwas.

  • Bawasan ang tyansa mong magkaroon ng cirrhosis. Ito ay sa pamamagitan ng pananatili ng healthy weight at pag-inom ng alak ng katamtaman o talagang hindi pag-inom nito.
  • Magpa-vaccine ng hepatitis B
  • Iwasang magkaroon ng hepatitis C
  • Gamutin kaagad ang mga impeksyon sa hepatitis B at C

Bukod pa rito, ang maagang pag-diagnose ng liver cancer ay maaaring magpataas ng tyansa para sa matagumpay na treatment. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na dapat kang ma-screen nang hindi kinakailangan.

Maaaring magpa-screen ang ilang mga tao kung may impeksyon sila sa hepatitis B o C at cirrhosis sa atay. Pinakamabuting kumunsulta sa doktor kung kailangan mong magpa-screen. 

Ang higit na pag-aaral tungkol sa cancer sa atay at mga sintomas nito, sanhi, panganib, atbp. ay maaaring maging talagang kapaki-pakinabang sa iyong kalusugan.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.cancer.org/cancer/liver-cancer/about/what-is-key-statistics.htmlhttps://www.cancercenter.com/cancer-types/liver-cancer/typeshttps://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/liver-cancer/symptoms-causes/syc-20353659https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3093704/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cirrhosis/symptoms-causes/syc-20351487

Kasalukuyang Version

10/17/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito ang mga Stages ng Liver Cancer

Tandaan: Mga sintomas ng kanser sa atay


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement