Fine-needle aspiration (FNA)
Ang manipis na karayom ang pinakaideya naman kung paano ginagawa ang biopsy na ito. Ito ay nakakabit sa isang syringe at ipinapasok sa isang organ, madalas sa tulong ng computed tomography (CT) o ultrasound. Maaari itong isagawa nang magkasama upang matiyak na ang karayom ay naitusok sa tamang lugar. Ang ekspertong medikal na nagsasagawa ng biopsy test ay sumisipsip ng mga cell mula sa kinakailangang lokasyon at kinokolekta ang mga ito sa nakalakip na syringe.
Core biopsy
Ito ay kilala rin bilang core needle biopsy. Ang ganitong uri ng biopsy ay inirerekomenda kapag ang medikal na kondisyon ay pinaghihinalaang lumaganap pa sa ibang bahagi, kaysa sa mga cells lamang. Samakatuwid, nangangailangan ng mas malaking sample ng tisyu at hindi lamang ang mga cell ng apektadong lugar.
Endoscopy procedure
Ang invasive biopsy procedure na ito ay kinabibilangan ng pagpasa ng fiberoptic endoscope sa pamamagitan ng isang pagkahiwa, o kaya naman ay natural na orifice tulad ng bibig o rectum.
Ang medical equipment na ito, na may naka-install na camera sa dulo, ay nagbibigat sa ekspertong medikal ng malapit na pagobserba sa apektadong bahagi sa loob ng katawan. Kapag natukoy na ang mga abnormalidad at ang kalubhaan ng mga ito, aalisin ang isang maliit na tissue bilang sample.
Bone marrow biopsy
Paano ginagawa ang biopsy, naitanong mo? Para sa bone marrow aspiration, isang konti na dami ng aspiration o bone marrow fluid ang kinokolekta para sa karagdagang pag-aaral sa isang laboratoryo. Maaari rin itong sinamahan ng pagkuha ng mga solid tissues ng bone marrow, na kadalasang kinukuha mula sa likod ng mga buto ng balakang.
Ang karagdagang mga pagsusuri sa laboratoryo ay isinasagawa upang suriin ang pagkakaroon ng mga abnormal cells. Sinusuri rin ang laki, bilang, at maturity ng mga cell na ito.
Punch biopsy
Kinokolekta ang isang mas malalim na sample ng balat. Ito ay kinabibilangan ng lahat ng mga layer ng balat – mababaw na bahagi ng taba o subcutis, dermis, at epidermis.
Shave biopsy
Sa uri na ito, ang tuktok na layer ng balat ay inaahit habang ang pasyente ay nasa ilalim ng impluwensya ng local anesthesia. Ito ay epektibo sa pag-diagnose ng paglaganap ng kanser sa balat tulad ng:
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap