backup og meta

Alamin: Paano ang meal plan na panlaban sa cancer?

Alamin: Paano ang meal plan na panlaban sa cancer?

Ayon sa mga eksperto, ang koneksyon sa pagitan ng nutrisyon at cancer ay kasing misteryoso ng cancer mismo. Habang ang ilang partikular na pagkain ay nag-aambag sa mas mataas na panganib sa cancer, ang pagkakaroon ng meal plan laban sa cancer, ay nagpoprotekta sa iyo laban dito. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa cancer at nutrisyon.

Ano ang meal plan laban sa cancer?

Ang anti-cancer diet meal plan ay nutritional strategy para mabawasan ang panganib ng cancer. Tulad ng iba pang mga diet, ang meal plan laban sa cancer ay flexible. Ito ay dahil pwede kang gumawa ng sarili mong meal plan sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang guidelines.

Sa pangkalahatan, ang diet upang mabawasan ang risk sa cancer ay naka-focus sa malusog, balanced diet na may iba’t ibang pagkain. Ito ay mula sa whole grains, prutas at gulay, at karne.

Paano binabawasan ng meal plan laban sa cancer ang panganib ng cancer?

Bago natin talakayin ang mga guidelines, bigyang-diin muna natin kung paano binabawasan ng balanseng diyeta ang iyong panganib na magkaroon ng cancer.

Itinataguyod nito ang malusog na timbang

Mahalaga ang healthy at balanced diet upang mabawasan ang panganib ng cancer dahil  nagtataguyod ito ng isang malusog na timbang. 

Ayon sa iba’t ibang medical report, ang labis na taba sa katawan ay nauugnay sa kaso ng cancer at pagkamatay. Sa madaling salita, ang pagiging overweight o obese ay nagdaragdag sa pangkalahatang panganib ng cancer.

Ang eksaktong ugnayan sa pagitan ng unhealthy weight at pagtaas ng panganib sa cancer ay hindi pa rin maliwanag. Ayon sa mga eksperto, ito marahil ay dahil ang labis na taba sa katawan ay maaaring makaapekto sa mga function na may kaugnayan sa pag-develop ng cancer, tulad ng inflammatory response at cell life cycle.

Ito ay may cancer-fighting agents

Ang meal plan laban sa cancer ay nakakabawas ng risk para sa cancer. Ito ay dahil sa mga pagkain nito na tumutulong labanan ang sakit.

Isang mahusay na halimbawa ng cancer-fighting agents ay ang mga antioxidants. Ang mga antioxidant ay mga sangkap na nagne-neutralize sa mga free radicals, molecules na pumipinsala sa ating mga cell. Tandaan na ang ilang uri ng pinsala sa cell ay maaaring mag-ambag sa cancer development. Kaya ang pagpapahinto sa mga free radicals sa kanilang mga track ay maaaring makabawas ng panganib ng cancer.

Ang isa pang posibleng anti-cancer agent ay flavonoids, isang compound na natural na matatagpuan sa iba’t ibang prutas at gulay. Isa sa mga kahanga-hangang kakayahan ng flavonoids ay nakakatulong silang sugpuin ang paglaki ng cancer cells.

Sa pangkalahatan, ang meal plan laban sa cancer ay nagbibigay sa iyo ng mahahalagang nutrients at compounds na nagpapababa ng panganib mo sa cancer.

Binabawasan nito ang exposure mo sa harmful chemicals

Ang meal plan laban sa cancer ay nagpapababa rin ng cancer risk. Dahil binabawasan nito ang exposure mo sa mga nakakapinsalang kemikal.

Halimbawa, maraming pag-aaral tungkol sa red meat at cancer ang nagpapakita ng pare-parehong mga resulta: ang labis na pagkain ng red meat ay nauugnay sa pagtaas ng panganib sa colon cancer.

Paliwanag ng mga scientist na ang ilang mga compound ng red meat ay maaaring mag-break down sa mapanganib na kemikal kapag sila ay nasa bituka na. Ang mga nakakalason na kemikal na ito ay sumisira sa GI tract, na maaaring humantong sa colon cancer.

Hinihikayat ng meal plan laban sa cancer na bawasan ang pagkain ng red meat at iba pang mga pagkain na gumagawa ng harmful agents. Ito ay maaaring magresulta sa cancer.

Bukod dito, ang isang malusog, balanseng diet ay kinabibilangan din ng mga pagkain na mabuti para sa pagdumi. Ang magandang pagdumi ay nakakabawas sa exposure ng ating GI tract sa mga carcinogens.

Ano ang mga guidelines para sa meal plan laban sa cancer?

Upang lubos na mapakinabangan ang anti-cancer diet meal plan, narito ang ilang mahahalagang alituntunin:

Kumain ng maraming prutas at gulay

Ang mga prutas at gulay ay mayroong antioxidants at flavonoids, na nakakatulong na labanan ang cancer.

Siguraduhin na ang iyong meal plan laban sa cancer ay may 5 servings ng gulay at 2 servings ng prutas araw-araw. Para sa portion size, tandaan na para sa adults  ang 1 serving ay ay halos isang dakot.

Kung gusto mo ng eksaktong sukat, ang 1 serving ng gulay ay halos 1 tasa ng salad o ½ tasa ng lutong gulay.  

Para sa prutas, ang isang serving ay halos 1 tasa ng mixed fruit salad o 2 piraso ng maliliit na prutas.

Magdagdag ng mas maraming fiber

Ang mas maraming fiber sa diet ay nakakatulong na mapabuti ang pagdumi. Gaya ng nabanggit, binabawasan ang pagkakalantad ng ating GI tract sa mga posibleng carcinogens. 

Inirerekomenda ng Cancer Council sa Australia ang 4 na servings ng tinapay at cereal bawat araw. Ngunit binibigyang-diin nila na hindi bababa sa kalahati ng mga servings na iyon ay dapat magmula sa whole grains o whole meal. Ang 1 serving ay karaniwang 1 hanggang 2 hiwa ng tinapay o ½ tasa ng lutong kanin, pasta, o noodles.

Panghuli, tandaan na ang mga prutas at gulay ay maganda ring source ng fiber.

Karne

Bagama’t pinatutunayan ng mga pag-aaral na ang red meat at iba pang naprosesong karne ay maaaring magpataas ng panganib sa cancer, kinikilala pa rin ng mga doktor na ang mga ito ay mahusay na source ng mahahalagang nutrients tulad ng iron, bitamina, at protina. Ang susi ay siguraduhin na ikaw ay kumonsumo ng hindi hihigit sa 3 hanggang 4 na servings bawat linggo. Sa iba pang mga araw, magkaroon ng 3 hanggang 4 na servings ng isda o manok. 

1 laki ng serving ay katumbas ng:

  • 65 grams ng lutong walang taba na karne
  • 2 malalaking itlog
  • 80 grams ng nilutong lean chicken
  • 100 grams ng isda

Tandaan na ito ay mga pangkalahatang guidelines. Maaaring baguhin ng iyong doktor ang mga ito para umangkop sa iyong mga pangangailangan. Maaari ka rin nilang bigyan ng mga rekomendasyon para sa iba pang food sources tulad ng mga taba at dairy. At mag-ingat sa iyong paggamit ng asin, caffeine, o alkohol. 

Key Takeaways

Sa ngayon, ang ugnayan sa pagitan ng diet at cancer ay hindi pa rin malinaw. Sinasabi ng karamihan sa mga pag-aaral na ang ilang mga pagkain ay maaaring mapababa ang ating panganib sa cancer o mapataas ito. Sa pangkalahatan, ang meal plan laban sa cancer ay katulad ng isang malusog at balanseng diet. Ito ay binubuo ng maraming prutas at mga gulay, whole grains, at kaunting karne.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Flavonoids as Anticancer Agents
https://www.mdpi.com/2072-6643/12/2/457/htm
Accessed November 6, 2020

Antioxidants and Cancer Prevention
https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/diet/antioxidants-fact-sheet
Accessed November 6, 2020

Red meat, processed meat and cancer
https://www.cancercouncil.com.au/1in3cancers/lifestyle-choices-and-cancer/red-meat-processed-meat-and-cancer/
Accessed November 6, 2020

Does having a healthy diet reduce my risk of cancer?
https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/causes-of-cancer/diet-and-cancer/does-having-a-healthy-diet-reduce-my-risk-of-cancer
Accessed November 6, 2020

Eat a healthy diet
https://www.cancervic.org.au/preventing-cancer/healthy-diet
Accessed November 6, 2020

Kasalukuyang Version

10/01/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement