backup og meta

Sintomas ng migraine na dapat mong tandaan

Sintomas ng migraine na dapat mong tandaan

sintomSintomas Ang migraine ay isang neurological condition at isang uri ng pananakit ng ulo. Maaaring may katamtaman hanggang matinding pananakit tulad ng pagpintig. Ayon sa isang pag-aaral noong 2016, nasa 12 milyong Pilipino ang dumaranas ng migraine. Napansin din ang migraine bilang sagabal sa pagiging produktibo sa trabaho ng mga Pilipino. Sa artikulong ito, tinatalakay ang mga karaniwang stage at sintomas ng migraine.

Ang sakit ng migraine

Paniwala ng mga eksperto, ang migraine ay nagsisimula kapag ang mga nerve cell ay naging sobrang aktibo at nagpapadala ng mga signal sa trigeminal nerve. Ito ang nerve na nagbibigay ng sensation sa ulo at mukha. Ito din ang nag-uudyok sa katawan na maghatid ng mga kemikal tulad ng calcitonin gene-related peptide. Bilang resulta, mayroong pamamaga sa mga daluyan ng dugo sa lining ng utak. Dahil dito, nagdudulot ito ng pamamaga at pananakit.

Ang mga taong may migraine ay kadalasang nakakaranas ng mga ito sa umaga. Para sa ilan, ang migraine ay maaaring mangyari sa mga inaasahang oras, lalo na bago ang regla o kung weekends pagkatapos ng isang stressful na linggo.

Ang mga migraine ay magka-kaiba sa lahat. Narito ang  tungkol sa mga sintomas ng migraine.

Mga karaniwang sintomas ng migraine sa iba’t ibang stages

Maaaring mangyari ang migraine sa apat na stages:

Mga sintomas ng migraine: Prodrome

Ito ay tinatawag ding premonitory phase o “pre-headache” kung saan maaaring magsimula ang migraine attack. Ang isang taong may migraine na nakakaranas ng prodrome ay maaaring magdusa ng ilang oras o, kung minsan, ilang araw. Ang early warning signs ng prodrome ay maaaring:

  • Pagkapagod at paninigas ng muscles
  • Depresyon
  • Hindi karaniwang sigla
  • Pagkairita
  • Nauuhaw
  • Food cravings
  • Pagkantok, madaming paghikab
  • Madalas na pag-ihi
  • Kahirapan sa pagsasalita o pagbabasa

Sintomas ng migraine: Aura

Ang aura stage ay maaaring mangyari bago o sa panahon ng migraine. Sa stage na ito, unti-unting lumilitaw ang bawat sintomas pagkatapos ay lumilikha ng build-up sa loob ng ilang minuto. Ang mga sintomas ay maaaring tumagal ng hanggang isang oras.

Sa oras ng aura, ang isang tao ay maaari ring makaranas ng mga sensasyon sa balat at mga problema sa pagsasalita:

  • Mga sensasyon ng tumutusok na karayom sa braso o binti at, kung minsan, pamamanhid (maaaring kumalat ito sa buong katawan)
  • Nahihirapang makipag-usap sa iba
  • Hirap sa pagpapahayag ng mga saloobin kapag nagsusulat at nagsasalita
  • Problema sa pag-unawa sa sinasabi o nakasulat na mga salita
  • Pagkalito
  • Problema sa pag-concentrate

Ang isang tao ay maaari ring makaranas ng sintomas ng migraine na mga pagbabago sa paningin, tulad ng:

  • Flickering light na may mga komplikadong hugis sa kaliwa o kanang bahagi ng paningin ng isang tao
  • Blind spot o pansamantalang pagkawala ng paningin na nagpapahirap sa pagmamaneho o pagtutok sa maliliit na bagay
  • Hallucinations o nakakakita ng images mula sa nakaraan

Maaaring kabilang sa iba pang sintomas ng aura stage ang mga ingay o musika at hindi makontrol na pag-jerk.

Pag-atake

Ito ay kapag nagsisimula ang sakit ng ulo. Kadalasan, ang migraine ay nagsisimula sa konting pananakit bago tumaas sa matinding pananakit. Ang mga pisikal na aktibidad ay maaaring magpalala sa migraine. Kaya pinakamahusay na magpahinga kapag nangyari ang pagpintig. Ang sakit ay maaaring nasa harap ng ulo, mula sa isang gilid ng ulo hanggang sa isa pa, o sa buong ulo.

Karamihan sa mga migraine headache ay umaatake ng humigit-kumulang 4 na oras, ngunit ang mga malubhang kaso ay maaaring tumagal ng higit sa 3 araw kung hindi ginagamot. Kung gaano kadalas nagkakaroon ng migraine ay iba-iba sa bawat tao. Karaniwan ang apat na pananakit ng ulo bawat buwan. Ang iba ay maaaring makaranas ng migraine isa hanggang tatlong araw, habang ang mga iba ay isa o dalawang pananakit ng ulo sa isang taon.

Sa stage na ito, maaaring maranasan ng isa ang karamihan sa mga sintomas na ito:

  • Burning nausea
  • Sensitibo sa liwanag, tunog, at amoy
  • Nasal congestion
  • Pakiramdam na may ice pick sa ulo
  • Pagsusuka
  • Pagkahilo
  • Hindi pagkakatulog
  • Drilling na pakiramdam 
  • Pagkabalisa
  • Pananakit at paninigas ng leeg

Sintomas ng migraine: Postdrome

Maaari ding makaramdam ng pagkahilo at pagka-drain pagkatapos ng pag-atake ng migraine. Bagama’t sa ilang mga kaso may mga tao na nakakaramdam ng saya. Mahalagang malaman na ang biglaang paggalaw ng ulo ay maaaring magdulot ng paulit-ulit na pananakit sa panahon ng postdrome stage. Kasama sa iba pang mga sintomas ang:

  • HIndi makapag-concentrate
  • Pagkapagod
  • Malungkot na pakiramdam
  • Euphoric mood
  • Kulang sa comprehension

Ang paglipas ng sakit ng ulo ay hindi garantiya na ang isang tao ay hindi na makakaranas ng panibagong pag-atake ng migraine. Ang ilang mga tao sa postdrome phase ay malamang na makaranas pa rin ng migraines kung makaranas sila ng mga trigger tulad ng maliwanag na ilaw at malalakas na amoy.

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga nakakarelaks na aktibidad tulad ng yoga at meditation, pag-iwas sa stress, at pag-inom ng maraming tubig ay mahusay na mga paraan upang maginhawahan sa panahon ng postdrome stage.

Key Takeaways

Wala pa ring lunas para sa migraines, kaya ang pinaka magagawa natin ay iwasan ang mga tipikal na nagti-trigger sa migraine. Ang mga sintomas ng migraine sa stage ng pag-atake ay pagduduwal, pagiging sensitibo sa liwanag, nasal congestion, insomnia, at pananakit ng leeg. Kung regular kang nagkaka-migraine, pinakamahusay na makipag-usap sa iyong doktor o isang medikal na espesyalista.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Migraine – Symptoms, https://www.nhs.uk/conditions/migraine/symptoms/, Accessed December 16, 2020.

Migraine Headaches, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/5005-migraine-headaches, Accessed December 16, 2020.

The Timeline of a Migraine Attack, https://americanmigrainefoundation.org/resource-library/timeline-migraine-attack/, Accessed December 16, 2020.

Migraine, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/migraine-headache/symptoms-causes/syc-20360201#:~:text=A%20migraine%20can%20cause%20severe,interferes%20with%20your%20daily%20activities., Accessed December 16, 2020.

A cross-sectional study on the burden and impact of migraine on work productivity and quality of life in selected workplaces in the Philippines, https://thejournalofheadacheandpain.biomedcentral.com/articles/10.1186/s10194-020-01191-6, Accessed June 3, 2021.

Novartis, Philippine Neurological Association hold virtual media briefing on easing and preventing migraine amid COVID-19 pandemic, https://www.novartis.com.ph/news/media-releases/novartis-philippine-neurological-association-hold-virtual-media-briefing-easing, Accessed June 3, 2021.

 

Kasalukuyang Version

07/26/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ear Piercing para sa Migraine Mabisa ba Ito?

Sakit ng Ulo at Pagduwal: Lahat ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Nicole Aliling, MD

Neurology · Centre Médicale Internationale


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement