Ang sciatica ay tumutukoy sa isang kondisyon kung saan ang pangangati sa sciatic nerve ay nagdudulot sa pasyente na makaranas ng katamtaman hanggang sa matinding pananakit sa ibabang likod at binti. Paano gamutin ang sciatica nang permanente? Alamin dito.
Sciatica Pain
Ang sakit na nauugnay sa sciatica ay maaaring mailarawan sa maraming paraan, depende sa sanhi nito. Ang ilan sa mga paraan kung paano inilalarawan ang sakit ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Matulis
- Umaapoy
- Mahapdi na pananakit
Minsan ang sakit ay constant, at kung minsan ito ay paulit-ulit. Bilang karagdagan, ang sakit ay kadalasang mas matindi sa iyong binti kaysa sa iyong mas mababang likod.
May mga paraan kung paano gamutin ang sciatica nang permanente. Sa wastong postura, pag-eehersisyo, at isang malusog na pamumuhay, ang sakit ay maaaring mabawasan at maalis.
Mga Senyales At Sintomas
Karamihan sa mga pasyente ng sciatica ay gumagaling, kadalasan pa ay hindi nangangailangan ng paggamot. Gayunpaman, ang sciatica ay maaaring maging sanhi ng permanenteng nerve damage.
Kumunsulta sa isang healthcare provider para sa tamang pagsusuri at upang matutunan kung paano gamutin ang sciatica nang permanente.
Ang mga senyales at sintomas ng sciatica ay kinabibilangan ng:
- Katamtaman hanggang sa matinding sakit na kumakalat. Nagsisimula ito sa mas mababang likod, naglalakbay pababa sa puwet, at pagkatapos ay ang binti.
- Pamamanhid sa ibabang bahagi ng iyong katawan.
- Kahirapan sa paglalakad.
- Pakiramdam na parang may “mga pin at karayom” sa iyong mga binti, daliri at paa.
- Hirap sa pagdumi o pag-ihi nang maayos.
- Hindi makagalaw dahil sa pananakit.
Mga Salik Ng Panganib
Sinuman ay maaaring magkaroon ng sciatica. Maaaring alam mo kung paano gamutin ang sciatica nang permanente ngunit pinakamahusay pa rin na malaman ang mga risk factors upang maprotektahan ang iyong sarili.
- Edad. Ang iyong gulugod ay natural na humihina habang ikaw ay tumatanda at ang iyong mga buto ay nawawalan ng lakas. Ang mga ugat ay nagiging prone sa pinsala habang ang isang tao ay tumatanda.
- Pagiging overweight o obese. Ang sobrang timbang ng katawan ay maaaring magpataas ng presyon sa iyong gulugod. Nagreresulta ito sa mga pagbabago sa gulugod na nagdudulot ng sciatica.
- Sedentary lifestyle. Ang posibilidad na magkaroon ng sciatica ay tumataas kung ikaw ay laging nakaupo nang matagal. Mas malamang na magdudusa ka sa sciatica kung hindi ka mag-eehersisyo o gumagalaw.
- Diabetes. Ang pagtaas ng mga blood sugar levels sa katawan ay maaaring magresulta sanerve damage, na nagiging sanhi para magkaroon ang mga diabetic ng sciatica.
- Osteoarthritis. Ang kondisyong ito ay maaaring makapinsala sa gulugod at gawin ang iyong mga nerves na madaling mapinsala, na nagdaragdag ng panganib na magkaroon ng sciatica.
- Injury. Ang sciatica ay mas posibleng mangyari kung mayroon kang pinsala sa iyong likod o gulugod.
- Physically demanding na trabaho. Ang paggawa ng mga trabahong nangangailangan ng pisikal na lakas at enerhiya ay maaaring magpataas ng iyong panganib na magkaroon ng sakit sa likod.
- Paninigarilyo. Ang usok ng tabako ay naglalaman ng nicotine na pumipinsala sa spinal tissue, nagpapahina sa mga buto, at nagpapabilis sa pagkasira ng mga vertebral disk.
[embed-health-tool-bmi]
Mga Sanhi
Ang sciatica ay karaniwang sanhi ng herniated disc. Ang isang herniated disc, na kilala rin bilang sa tawag na ruptured o slipped disc, ay maaaring mangyari bilang resulta ng wear and tear sa paglipas ng panahon, o bilang resulta ng isang acute injury.
Maaaring maging malibha ang sakit na dulot ng sciatic irritation. Kung kaya naman ay marami ang nagnanais na malaman kung paano gamutin ang sciatica nang permanente. Ang pag-alam sa sanhi ay makatutulong sa healthcare provider na matukoy ang uri ng paggamot na kinakailangan.
Ang iba pang mga sanhi ng sciatica ay:
Maaari ring maging sanhi ang mga kondisyon tulad ng diabetes o Lyme disease. Sa ilang mga kaso, maaaring hindi mo malaman kung ano ang sanhi ng iyong sciatic pain.
Paano Gamutin Ang Sciatica: Paggamot
Ang sciatica ay kadalasang bumubuti at nawawala sa paglipas ng panahon. Sa simula, ang sakit ay kadalasang napapawi sa pamamagitan ng mga gamot at ehersisyo. May mga paraan kung paano gagamutin ang sciatica nang permanente ngunit depende ito sa kung anong kondisyon ang sanhi nito.
Ang ilang mga paraan upang maibsan ang sciatic pain ay kinabibilangan ng:
- Pagbawas ng pag-upo at simulang tumayo nang mas madalas
- Paglakad na hangga’t maaari hindi walang labis na pagsusumikap
- Paggamit ng heating pad tuwing dalawa o tatlong oras sa loob ng 15 hanggang 20 minuto sa low o medium setting
- Paliligo gamit ang mainit na shower
- Paggamit ng mga heat wrap na tumatagal ng 8 oras o mas matagal pa
- Paglagay ng ice pack sa apektadong lugar tuwing 2 hanggang 3 oras
Maaari kang mag-eksperimento gamit ang init o lamig (yelo) at tingnan kung makatutulong ang mga ito, ngunit walang napakaraming ebidensya na gagana ang alinmang solusyon.
Maaari kang uminom ng paracetamol at nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), tulad ng ibuprofen upang maibsan ang sakit. Siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor bago uminom ng anumang gamot.
Depende sa kung ano ang nagiging sanhi ng pangangati ng ugat, ang iba pang mga opsyon sa paggamot ay maaaring magagamit para sa sciatica.
Kung paano gamutin ang sciatica nang permanente ay nakadepende sa kung ano ang sanhi nito. Kung hindi bumuti ang iyong mga sintomas, maaaring imungkahi ng iyong doktor na sumailalim ka sa ilang uri ng physical therapy.
Ang intravenous administration ng mga gamot tulad ng mga muscle relaxant, steroid, o opioid ay maaari ring irekomenda.
Para sa malalang kaso, ang operasyon ay maaaring ang tanging opsyon para sa kung paano gamutin ang sciatica.
Paano Gamutin Ang Sciatica: Pag-Iwas
Minsan, hindi maiiwasan ang sciatica, at posible ang pag-ulit. Ang ilan sa mga sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa iyong protektahan ang iyong sarili mula sa masakit na kondisyong ito:
- Regular na pag-ehersisyo
- Pagsasanay ng magandang postura sa pag-upo
- Pag-iwas sa pag-upo sa mga awkward na posisyon na maaaring makasakit sa iyong likod
- Pamamahala ng timbang
- Pagpahinga
Key Takeaways
Ang sciatica ay sanhi ng pangangati sa mga ugat ng ibabang bahagi ng katawan. Ang mga taong hindi nag-eehersisyo, at may mga kondisyon tulad ng diabetes, obesity, at osteoarthritis ay madaling kapitan ng sakit na magkaroon ng sciatica. Sa kondisyong ito, ang paggamot ay may malaking kinalaman sa pagpapagaan ng sakit. Ang regular na pag-eehersisyo, pagkakaroon ng magandang postura, at pagpapahinga nang mabuti ay mga magagandang paraan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa pagkakaroon ng sciatica.
Alamin ang iba pa tungkol sa Brain at Nervous System dito.